Friday, March 26, 2021

#PEPTREVIEWER - Araling Panlipunan/Social Studies - Geography Part 2

PEPT Reviewer: Araling Panlipunan (Social Studies) - GEOGRAPHY Part 2

Basahin, unawain at tandaan ang mga sumusunod na termino, impormasyon, ideya, at katutohanan tungkol sa Araling Panlipunan bilang paghahanda sa Philippine Educational Placement Test o PEPT:

Mga Anyo ng Tubig

1. Karagatan (Ocean) = ang pinakamalaking anyo ng tubig asin na sumasakop sa halos tatlong ikapat  (3/4) ng lupa.

Pacific Ocean 

Mga Halimbawa ng Karagatan:

a. Pasipiko = 64,186,300 sq km.

b. Atlantiko = 33,420,000 sq km.

c. India = 28,359,500 sq km.

d. Artiko = 5,105,700 sq km.


2. Dagat (Sea) = malawak na anyong tubig na mas maliit sa karagatan. Ang tubig nito ay maalat dahil nakadugtong ito sa karagatan.

Philippine Sea

Mga Halimbawa:

a. Dagat Pilipinas = 5.695 million sq. km.

b. Dagat Timog Tsina

c. Dagat Celebes

d. Dagat Australasian Mediterranean = 9.080 million sq. km. (pinakamalawak sa mund ayon sa Wikipedia)


3. Lawa (Lake)isang malawak na anyong tubig na nakakulong sa lupa.

Mga Halimbawa:

Laguna be Bay

a. Laguna de Bay = pinakamalaking lawa sa Pilipinas

b. Caspian Sea = pinakamalaking lawa sa mundo na may sukat na 143,200 square miles (370,886 square kilometers)

4. Look (Bay) = ang anyong tubig na nasa baybayin ng isang kalupaan na karugtong ng karagatan o dagat ay tinatawag na look. 

Mga Halimbawa: 

a. Look ng Subic 

b. Look ng Maynila.

c. Bay of Bangal = pinakamalawak na look sa mundo na may area o lawak na 2.172 million km².

5. Golpo (Gulf)  = kung paghahambingin, mas higit na malawak ang golpo kaysa sa look. Mas malaki ang golpo kaysa look kahit na mas napapaligiran ang golpo ng lupain. 

Mga Halimbawa:

a. Golpo ng Lingayen

b. Golpo ng Moro = pinakamalaking golpo sa Pilipinas ayon sa Wikipedia.

c. Golpo ng Mexico = ang pinakamalawak na golpo sa mundo. Ito ay may dalampasigan na  humihit-kumulang sa 5,000 kilometro (3,100 milya) at tinatayang may lawak na 1.6 million square kilometer.

d. Golpo ng Oman 

6. ILOG (River) = anyong tubig na mahaba at makipot na umaagos patungo sa dagat. Karaniwang ito ay tabang. 

Mga Halimbawa:

 a. Ilog Pasig 

b. Ilog Cagayan = pinakamahabang ilog sa Pilipinas (505 km)

c. Ilog Agusan

d. Ilog Nile - pinakamahabang ilog sa mundo (6,650 km)

[By Hel-hama - Own work, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=27624659]

7. TALON (Waterfall) – ang talon ay daloy ng tubig mula sa isang mataas na lugar, tulad ng kabundukan, hanggang sa mababang bahagi nito.

Mga Halimbawa:

a. Talon ng Aliwagwag  = pinakamataas na talon sa Pilipinas (1,110 feet) (highest waterfall in the Philippines)

Aliwagwag Waterfalls - Cateel, Davao Oriental, Philippines
(Image from https://hikersitch.com/lakesfalls/aliwagwag-falls)

b. Talon ng Maria Cristina

c. Talon ng Pagsanjan

d. Talon ng Angel (Angel Falls) = pinakamataas na talon sa buong mundo (3,212 feet) na matatagpuan sa Venezuela.


8. BUKAL (Spring) = isang anyo ng tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa.

Mga Halimbawa: 

a. Malumpati Cold Springs (Antique)

b. Hidden Valley Spring (Laguna)

c. Tangub Hot Spring (Camiguin)

d. Inferno Crater Lake (New Zealand) = pinakamalawak na hot spring sa mundo. 

                                                            Inferno Crater Lake
(Image from https://www.rd.com/list/hot-springs/)



RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...