Noong una, nagba-blog lang ako sa mga oras na walang masyadong ginagawa sa opisina o walang report at deadling na dapat tapusin. Kalaunan, sa kababasa ko, napag-alaman ko na pwede palang kumita ang blog ko. Kaya, sign na ako sa Google AdSense tulad ang ginawa at ginagawa ng maraming bloggers o "publishers". Hindi ko naman ito masyadong binibigyang pansin dahil kakarampot (kakatiting) naman talaga ang kikitain mo lalo na't ikaw lang naman ang madalas bumisita sa blog mo.
Sa loob ng 2 1/2 taon, napansin kong dumarami yata ang pumapansin sa mga isinusulat ko. Pwedeng epekto ito nang pagsamasamahin ko na sa iisang site yong aking iba pang blogs. Nalaman ko rin na kumita na pala ako ng 26.45 Australian Dollar sa haba ng aking pagsusulat. Ang siste. naka-HOLD at hindi kumikita ang aking blog sa ngayon. Dapat ko raw kasing i-verify yong home address ko at account number. Nagpadala raw ang Google AdSense ng isang card sa address namin kung saan nakasulat ang aking PIN na dapat kung kopyahin sa aking AdSense Account. Humingi uli ako ng bagong PIN noong 16 Feb at ipapadala raw ito sa loob ng 3 -5 araw. Sampung araw na pero wala pa ring natatanggap na sulat ang pamilya ko sa Australia.
Hindi ko alam kung pa ek-ek lang ito ng Google o talagang kailangan o talagang ginogoyo na kami. Bakit kasi hindi na lang sa email address ko ipadala ang PIN na 'yon?
Ang konsolasyon lang, hindi ako nag-iisa sa problemang ito