Sunday, February 27, 2011

Google AdSense, May Panloloko Ba?

Noong una, nagba-blog lang ako sa mga oras na walang masyadong ginagawa sa opisina o walang report at deadling na dapat tapusin. Kalaunan, sa kababasa ko, napag-alaman ko na pwede palang kumita ang blog ko. Kaya, sign na ako sa Google AdSense tulad ang ginawa at ginagawa ng maraming bloggers o "publishers". Hindi ko naman ito masyadong binibigyang pansin dahil kakarampot (kakatiting) naman talaga ang kikitain mo lalo na't ikaw lang naman ang madalas bumisita sa blog mo.

Sa loob ng 2 1/2 taon, napansin kong dumarami yata ang pumapansin sa mga isinusulat ko. Pwedeng epekto ito nang pagsamasamahin ko na sa iisang site yong aking iba pang blogs. Nalaman ko rin na kumita na pala ako ng 26.45 Australian Dollar sa haba ng aking pagsusulat. Ang siste. naka-HOLD at hindi kumikita ang aking blog sa ngayon. Dapat ko raw kasing i-verify yong home address ko at account number. Nagpadala raw ang Google AdSense ng isang card sa address namin kung saan nakasulat ang aking PIN na dapat kung kopyahin sa aking AdSense Account. Humingi uli ako ng bagong PIN noong 16 Feb at ipapadala raw ito sa loob ng 3 -5 araw.  Sampung araw na pero wala pa ring natatanggap na sulat ang pamilya ko sa Australia. 
Megamind (Two-Disc Blu-ray/DVD Combo)Dahil dito, wala pa ring payment report ang aking blog mula noong anuary 2011. Ngayon pa namang lampas 100 na ang pasulpot-supot dito araw-araw. Number 60 na nga ako sa TopBlog.ph

Hindi ko alam kung pa ek-ek lang ito ng Google o talagang kailangan o talagang ginogoyo na kami.  Bakit kasi hindi na lang sa email address ko ipadala ang PIN na 'yon?

Ang konsolasyon lang, hindi ako nag-iisa sa problemang ito

2 comments:

yetbo4ever said...

siguro igan, padala ka uli ng request sa Google Inc. kasi nakakuha na ako ng bayad nila last february since 2009 pa ang site ko.

Totoo talaga na kikita ka sa adsense at kung hindi naman lipat ka sa ibang ads na mamahalin mo.

Ponciano Santos said...

Okay na ang lahat... Kumikita na uli ang site ko kaya lang maliit pa rin kaya hindi pa pwedeng ipadala...

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...