Tuesday, October 17, 2023

Barley Juice, Mainam nga ba sa Kalusugan?

Trending ngayon ang pag-inom ng barley dahil diumano sa dulot nitong benepisyo para sa ating kalusugan. Nguni't, ano nga ang barley at paano ito nakatutulong upang lumakas ang ating pangangatawan?

(Image from https://www.gsoextracts.com)

Ang barley ay isang uri ng damo na pinagkukunan ng butil na maaaring kainin, tulad ng bigas. May siyentipiko itong pangalan na Hordeum vulgare. Ito ay kalimitang nakikita at itinatanim sa mga lugar na may kalamigan. Pitumpong porsyento ng barley ay ginagamit bilang pagkain ng hayop at ang natitirang 30% ay bilang paasim na sangkap sa paggawa ng beer at iba pang destiladang inumin., tulad ng whisky at kauri nito. Sa ngayon, ang dahon ng halamang ito na tinatawag na barley grass o barley green ay pinupulbos at ginagamit na ring sangkap sa mga inuming hindi nakalalasing dahil diumano sa mga benepisyo nito sa kalusugan.

Anong mga health benefits ang makukuha natin sa pag-ibig ng barley juice?

Ang pinatuyong barley grass ay nagtataglay ng fiber o hibla na mainam sa ating pagkain. Mayaman din ito sa Vitamin A upang palakasin ang ating immune system, sa paglaki ng cell, at paningin. May taglay rin itong Vitamin C na mainam para sa ating balat at madaling paghilom ng mga sugat. Ang taglay nitong Vitamin K ay mabutiu naman upang madaling mamuo ang dugo, tumibay ang buto, atbp. Dagdag pa rito, nagtataglay rin ito ng polyphenols at flavonoids, mga langkapang  antioxidant na nakapapawi ng stress at bilang proteksyon sa mga sakit.

Sa mga pag-aaral, sinasabing nakapagmintini ng tamang antas ng asukal sa ating katawan ang barley grass dahil na rin sa taglay nitong fiber na mainam upang mabawasan ang mataas na sugar level sa ating katawan at upang mapadali at mas epektibo ang paggamit ng insulin sa ating katawan. Ayon pa rin sa isang pag-aaral, nakatutulong ang pag-inom ng barley extract sa pangangalaga ng ating puso dahil pinabababa nito ang mga bad cholesterol o LDL (low-density lipoprotein). Sa taglay nitong saponarin, gamma-animobutyric acid (GABA), at tryptophan, bumababa ang blood pressure, nababawasan ang pamamaga (inflammation), at pinabubuti ang kalusugan ng puso. Gayunman, kokonti pa ang nagagawang pag-aaral sa larangang ito kung  kaya't kailangan pa ang malawakang pag-aaral at pananaliksik.

Mababa sa calories ang barley grass nguni't mataas sa fiber kung kaya't mainam ito para sa pagbabawas ng timbang. Dahil mabagal ang pag-usad ng fiber sa ating bituka, hindi agad tayo nakararamdam ng gutom at nababawasan ang malimit na pagkain. Dagdag pa, sa isang pag-aaral sa mga daga ng kumakain ng matatabang pagkain, napatunayan na ang pagpapainom sa mga ito ng barley juice ay mas  bumaba ang kanilang timbang at BMI (body mass index) kumpara sa mga kaparehong dagang  hindi barley juice ang inumin. Gayunman, kailangan pa rin ang mga pag-aaral sa tao upang lubos na mapatunayan ang epekto ng barley juice sa pagbabawas ng timbang.


(Image from https://www.amazon.com.au)

Kahit ligtas ang pag-inom ng barley juice, kailan pa rin ang pag-iingat. Kung may taglay na sakit, komunsulta o sumangguni muna sa isang manggamot dahil baka may mga sangkap na taglay ng barley ang hindi mabuti sa inyong karamdaman. Dahil suplemento lamang at hindi gamot ang nabibiling barley grass juice at iba pang produkto mula rito, bumili lamang sa mapagkakatiwalang supplier at manufacturer.

=======

Sanggunian: https://www.healthline.com

No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...