Traditional Malay and Thai Oil Massage
Part 3 – Front of Lower Limb
1. Effleurage of inner leg: Put the customer’s leg on your thigh, bend his leg lightly, slide your palm onto the inner side of the limb. Hold his foot to put his leg in place (8x).
Effleurage ng loob na binti: Ilagay ang binti ng customer sa iyong hita, ibaluktot nang bahagya ang kanyang binti, i-slide ang iyong palad papunta sa loob na bahagi ng kanyang paa. Hawakan ay kanyang paa upang ilagay ang kanyang binti sa ayos.(Gawin ito ng 8 beses).
2. Straighten the leg and massage onto the front part of his thigh with your palm in a circular motion.
Ituwid ang binti at masahehin sa harap na bahagi ng kanyang hita gamit ang iyong palad sa pabilog na paggalaw.
3. Straighten the leg and massage onto the front part of the thigh with your palm in an elliptical motion.
Ituwid ang binti at masahehin sa harap na bahagi ng kanyang hita gamit ang iyong palad sa elliptical na paggalaw.
4. Grip and massage on the side of the leg. This could be done upwards or downwards. If the hair is too much, do this downwards.
Hawakan at masahehin ang gilid ng binti. Ito ay maaaring gawin pataas o pababa. Kung ang mabuhok ang binti, gawin ito pababa.
5. Massage around the knee with both hands in a circular motion.
Masahehin ang paligid ng tuhod gamit ang parehong mga kamay sa pabilog na paggalaw.
6. Kneel down and place his foot in between your knees. Grab the ball of the calf and pull alternately with both hands (16x).
Lumuhod at ilagay ang kanyang paa sa pagitan ng iyong mga tuhod. Kunin ang malamang bahagi ng binti at hilahin ng salit-salit gamit ang dalawang kamay.(Gawin ito ng 16 beses)
7. Do pull-up motion using both hands, and press down onto the front of the thigh. Repeat the cycle 4x.
Gumawa ng pull-up motion gamit ang dalawang kamay, at pindutin pababa hanggang sa harap ng hita. Ulitin ang cycle ng 4 na beses.
8. Gently push the bended knee to the mattress, massage onto the inner thigh while holding the knee with the other hand.
Dahan-dahang itulak ang nakabaluktot na tuhod sa kutson, masahehin ang loob na hita habang hawak ang tuhod gamit ang kabilang kamay.
9. Now bring his knee to the other side, push down until you feel the resistance; and massage with your palm.
Ngayon dalhin ang kanyang tuhod sa kabilang panig, itulak pababa hanggang sa maramdaman mo ang tila paglaban; at masahehin ito gamit ang iyong palad.
10. Place his feet on your thigh, grip his toes and knee, push forward flexing his hip joint. Don’t push too hard, but hard enough that you could feel some resistance (3x).
Ilagay ang kanyang mga paa sa iyong hita, hawakan ang kanyang mga daliri sa paa at tuhod, itulak pasulong upang mabaluktot nang bahagya ang kanyang balakang. Huwag itulak nang husto, ngunit sapat lang upang makaramdam ka ng tila paglaban.(Gawin ito ng 3 beses)
11. Now sit while guiding his leg to cross your both legs. Hold his ankles by both of your hands, straighten your knee to push the hamstring up.
Ngayon umupo habang ginagabayan ang kanyang binti upang i-cross ang iyong magkabilang binti. Hawakan ang kanyang mga bukung-bukong sa pamamagitan ng iyong dalawang kamay, ituwid ang iyong tuhod upang itulak ang hamstring pataas.
12. Then use both of your feet to paddle onto the hamstring muscle. Move ups and downs.
Pagkatapos ay gamitin ang iyong dalawang paa upang tampal-tampalin ang kalamnan ng hamstring. Gawin ito nang pataas at pababa.
13. Bring his foot onto your feet for a knee lock, then start massaging the upper thigh with one hand. Then use both hands to initiate the action of rowing.
Ilagay ang kanyang paa sa iyong mga paa para sa ikulong ang tuhod, pagkatapos ay simulan ang pagmamasahe sa itaas na hita gamit ang isang kamay. Pagkatapos ay gamitin ang dalawang kamay upang simulan ang paggaod.
14. Hold his foot up, use your opposite foot to press onto the hamstring muscle. Start at the upper and go down to the hip. Then pull the foot while stretching and straighten the knee. Your body should be leaning backward (3 cycles).
Itaas ang kanyang paa, gamitin ang iyong katapat na paa upang pindutin ang kalamnan ng hamstring. Magsimula sa itaas at bumaba sa balakang. Pagkatapos ay hilahin ang paa habang nag-uunat at ituwid ang tuhod. Ang iyong katawan ay dapat na nakahilig sa patalikod. (Gawin ito ng 3 beses)
15. Cross his leg to the other, press the knee down while holding the shoulder. This will stretch and twist his trunk. Do this 3x. Use only gentle presses, until you feel the resistance. Then get him to lie sideways.
I-cross ang kanyang binti sa isa pang binti, pindutin ang tuhod pababa habang hawak ang balikat. Ito ay mag-uunat at magpapaikut-ikot sa kanyang katawan. Gawin ito ng 3 beses. Gumamit lamang ng banayad na pagpindot, hanggang sa maramdaman mo ang paglaban. Pagkatapos ay pahigain siya ng patagilid.
16. Lean forward to support your weight with your left hand to give effleurage to the side of his thigh. Massage 8x then massage onto the side of his calf.
Humilig pasulong upang suportahan ang iyong timbang gamit ang iyong kaliwang kamay upang magbigay ng effleurage sa gilid ng kanyang hita. Masahehin ang kanyang hita ng 8 beses at pagkatapos ay masahehin ang gilid ng kanyang binti.
17. Now give palm effleurage to the inner part of the opposite limb.
Ngayon bigyan ang palm effleurage ang loob na bahagi ng katapat na paa.
18. Massage the muscles of the buttock groove. This will also affect the sphincter muscles of the anus. The palm should not touch the anus opening. It just glides from one buttock to another.
Masahehin ang mga kalamnan ng uka ng pigi. Maaapektuhan din nito ang mga kalamnan ng sphincter ng puwet. Ang palad ay hindi dapat hawakan ang butas ng puwet. Padausdosin lamang ang mga palad mula sa isang pigi patungo sa isa pa.
I-KLIK ang link sa ibaba para mapanood sa YouTube ang Video:
https://www.youtube.com/watch?v=DV66UbU508Q
No comments:
Post a Comment