Matuto ng Malay at Thai Oil Massage. Sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang.
1. Position your body at the center of gravity, palm walk on the vertebrae muscles along the spine, upwards and downwards (3x). Don’t press on the spine.
Iposisyon ang iyong katawan sa gitna
ng grabidad, palakarin ang palad sa mga kalamnan ng vertebrae sa kahabaan ng
gulugod, pataas at pababa (3x). Huwag diinan o pindutin ang gulugod.
2. Change
body position by switching the other leg to support your body. The transition
should be smooth. Do palm walk on the other side of the spine.
Baguhin ang posisyon ng katawan sa
pamamagitan ng paglipat ng kabilang binti upang suportahan ang iyong katawan. Ang
paglipat ay dapat na smooth o banayad. Palakarin ang palad sa kabilang panig ng
gulugod.
3. Use both
thumbs to press the inner of the vertebrae/spinal muscle. Don’t press on the spine.
Breathe out as you press. Do until you reach the trapezius then press
downwards.
Gamitin ang magkabilang hinlalaki
upang pindutin ang panloob na kalamnan ng vertebrae o gulugod. Huwag
pindutin/diinan ang gulugod. Huminga habang pumipindot/dumidiin. Gawin ito hanggang sa maabot mo ang trapezius,
pagkatapos ay pindutin/diinan pababa.
4. Then
press on the other side of the vertebrae muscle, upwards and downwards. These
cycles could be repeated 2 – 3x. For low back pain, focus on the lower part of
the back, pressure should be low to high.
Pagkatapos ay pindutin ang kabilang
panig ng kalamnan ng vertebrae, pataas at pababa. Ang mga cycle na ito ay
maaaring ulitin ng 2 – 3 beses. Para sa sakit sa mababang likod, tumuon sa
ibabang bahagi ng likod, ang presyon ay dapat magsisimula sa mababa pataas.
5. Palm walk
on both sides of the vertebrae muscle. Use great pressure yet consistent and
rhythmic, upwards and downwards.
Palakarin ang palad sa magkabilang
panig ng vertebrae muscle. Gumamit ng matinding presyon ngunit pare-pareho at
maindayog, pataas at pababa.
6. Applying
massage oil be must rhythmic with very light pressure. Oil should spread over
areas to be massaged. This will give a relaxation effect.
Ang paglalagay ng massage oil ay
dapat na maindayog na may napakagaan na presyon. Ang langis ay dapat kumalat sa
mga lugar na mamasahihin. Ito ay magbibigay ng maginhawang epekto.
7. Press the
middle of the back with both palms, and twist inwards and outwards. This is
very good for low back pain.
Pindutin/Diinan ang gitna ng likod
gamit ang dalawang palad, at i-twist papasok at palabas. Ito ay napakabuti para
sa sakit sa mababang likod.
8. As this
is rigorous for the therapist, breathe constantly while making the strokes. For
example, breathe out with 3 strokes, breathe in with 2 strokes.
Dahil ito ay napakahirap para sa
therapist, huminga palagi habang ginagawa ang mga stroke. Halimbawa, huminga palabas
pagkatapos ng 3 stroke, huminga ng malalim pagkatapos ng 2 stroke.
9.
Effleurage of the back: Apply firm pressure with palms and fingers together,
slide up until neck. Breathe out as you press.
Effleurage ng likod: Lagyan ng
matatag na presyon/matinding presyon nang magkadikit ang mga palad at daliri,
i-slide pataas hanggang leeg. Huminga palabas habang pumipindot/dumidiin.
10. Use 2
thumbs to slide up, pressing the inner side of the vertebrae muscle.
Gumamit ng 2 hinlalaki upang
mag-slide pataas, pindutin/diinan ang panloob na bahagi ng kalamnan ng
vertebrae.
11. Position
your knees at the client’s lower part of the buttock, apply full body weight
with straight arms onto the upper back, and glide down slowly, forcefully.
Iposisyon ang iyong mga tuhod sa
ibabang bahagi ng pigi ng kliyente, ilapat ang buong timbang ng katawan gamit
ang mga tuwid na braso sa itaas na likod, at dumausdos nang dahan-dahan, nang
may puwersa.
12. Finger
massage at sides of buttock, both sides. Do it in a circular motion. Move upwards
to the side of the back as well. Vary by separating the fingers to create a claw.
Masahihin ng daliri ang mga gilid ng
puwit, sa magkabilang gilid. Gawin ito ng paikot. Gawin din ito pataas sa gilid
ng likod. Ibahin sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga daliri upang lumikha ng
claw o pangalayka/pangkamot.
13. Repeat
effleurage of back: Now with your knees below the buttock. Apply with firm
pressure with palms and fingers together, slide up until neck, then until
shoulder, then until armpit. Breathe out as you press.
Ulitin ang effleurage ng likod:
Ngayon na ang iyong mga tuhod ay nasa ibaba ng puwit. Ilapat nang may mahigpit
na presyon na magkakasama ang mga palad at mga daliri, i-slide pataas hanggang
leeg, pagkatapos hanggang balikat, pagkatapos hanggang kilikili. Huminga palabas
habang pumipindot/dumidiin.
14. Massage
the trapezius muscle. Use kneading technique, with rhythmic movements. Then
knead from right shoulder to left. Bring variety to your movements. Finish the
cycle with effleurage from neck to elbow. Repeat 3x.
Masahihin ang kalamnan ng trapezius.
Gumamit ng pamamaraan ng pagmamasa, na may ritmikong paggalaw. Pagkatapos ay
masahin mula sa kanang balikat hanggang kaliwa. Iba-ibahin iyong mga galaw.
Tapusin ang cycle gamit ang effleurage mula leeg hanggang siko. Ulitin ng 3
beses.
15. Massage the shoulders with your palms.
Masahihin ang mga balikat gamit ang
iyong mga palad.
16. Praying
mantis: Let customer’s feet support your buttock, put both customer’s hands on
your knees. Gently pull the customer’s shoulder up, ask him to breathe in when
you pull. You should breathe out when pulling his shoulder. Be extra careful.
Praying mantis: Hayaang suportahan ng
mga paa ng customer ang iyong puwitan, ilagay ang dalawang kamay ng customer sa
iyong mga tuhod. Dahan-dahang hilahin ang balikat ng customer pataas, hilingin
sa kanya na huminga nang malalim kapag hinihila mo. Dapat kang huminga palabas
kapag hinihila mo ang kanyang balikat. Maging maingat.
--o0o--
Kung nais panoorin ang bidyo sa YouTube, i-klik ITO.
Source/Pinagmulan:
Jaya Ventures
Senses OX
No comments:
Post a Comment