Wednesday, July 21, 2021

Covid-19, Isang Kontrobersya o Isang Sabwatan?

 Ang SARS-nCoV-2 o mas lalong kilala na Covid-19 na nagmula sa Wuhan, China ay isa sa pinakamabagsik na bayrus na gumambala sa buong daigdaig ngayong ika-21 siglo. May mga naniniwala na ang bayrus disinueve ay isang malaking sabwatan o conspiracy maliban pa sa ito ay balot ng iba't bang kontrobersya. Dahil dito, ang Estadis Unidos, Inglatera, Australia at iba pang mga bansa ang nagsama-sama upang alamin kung saan nagmula talaga ang virus. Hindi kumbinsido ang mga bansang nabanggit na ito ay dala ng mga gubat-hayop na ipinagbibili sa isang pamilihan sa Wuhan. May palagay sila na ito ay ginawa at aksidenteng nakalabas sa isang laboratoryo sa Tsina. Natural na umalma rito ang China. Gayunman, nagpadala pa rin ng mga dalubhasa ang World Health Organization o WHO upang alamin ang tutoo. Gayunman, hindi kampante ang mga bansang nagsisiyasat kung malalaman nila ang katotohanan dahil batid nila ang pagtutol ng China. Baka kasi hindi sila mahintulutan makuha ang mga impormasyon na kailangan nito.


Sa pagtatala hanggang 21 July 2021, umabot na sa higit sa 192 milyon ang tinamaan ng Covid-19 kung saan higit sa 4 milyon ang namatay dahil dito.  Ang samoung bansang may pinakamaraming tinamaan ng bayrus disinueve at ang bilang ng nasawi ay kinabibilangan ng:

Country

Total Cases

Total Death

      1.    USA

25,078,243

625,255

            2.    India

     31,215,142

418,511

3.       Brazil

19,419,741

544,302

4.       Russia

6,006,536

149,922

5.       France

5,890,062

111,525

6.       Turkey

5,546,166

50,650

7.       UK

5,519,602

128,823

8.       Argentina

4,784,219

102,381

9.       Colombia

4,668,750

117,131

10.   Italy

4,293,083

127,884


Sa talaan, ang Pilipinas ay nasa ika-23 puwesto na may kabuuang kasong 1,518,903 kung saan 26,844 ang bilang ng mga namatay. Ang China, kung saan nagmula ang bayrus, ay nasa ika-102 puwesto na may 92,342 lamang na kaso at 4,636 ang mga namatay.

Sa kabuuang talaan, bisitahin ang webpurok na ito: https://www.worldometers.info/coronavirus/

Dahil sa konting bilang nga mga naging kaso sa China, pinaniniwalaan ng ibang tao, na sinadya ng bansang ito ang pagpapakalat ng sakit na ito. Pinaniniwalaan naman ng iba na isang "conspiracy" o sabwatan ang naganap upang mabawasan ang populasyon ng mundo. May puntong ekonomiya at politikal naman ang haka-haka ng ilan.

Anuman ang tunay na dahil sa pagkalat ng Covid-19 sa buong mundo, iisa ang resulta: marami ang nagkasakit at namatay at patuloy pa rin itong nananalasa sa buhay ng mga tao.

Dahil sa bagsik ng bayrus disinueve, natatakot akong magamit ito ng mga terorista sa kanilang kampanya. Sa halip na suicide-bomber, puwedeng turukan na lamang nila ang kanilang miyembro ng bayrus at ihawa ito sa populasyon. Kapag nagkaganoon, lalong maging kalagim-lagim ang kahihinatnan. Dahil sa posibilidad na ito, ang tanging depensa ay ang magpabakuna. Gayunman, marami pa rin ang tutol na magpabakuna lalo na at may mga side effects ang ilan sa mga ito. Sinasabing nakamamatay dulot ng blood clot ang Astrazeneca sa ilang tatamaan ng bayrus, subali't napakaliit ng porsyentong ito. 

Sabwatan man o hindi ang Covid-19, patuloy pa rin itong inuulan ng kontrobersya. 



No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...