Sunday, May 23, 2021

Rabiya Mateo, Tila Kalapating Hindi Lumilipad sa Kanyang National Costume

 Sa tutoo lang, bilang isang Pilipino, dismayado ako sa national costume na isinuot ni Rabiya Mateo, kandidata ng Pilipinas sa ika-69th Miss Universe Pageant na kasalukuyang ginaganap sa Hollywood, Florida, USA. Una, dahil hindi ko alam kung sinong Pilipina ang nagsuot nito noon o nagsusuot nito sa kasalukuyan. Hindi kaya batid ng nagdisenyo at gumawa ng damit kung ano ang ibig sabihin ng "national costume"? Ito ay pambansang kasuotan ng mga kababaihan sa Pilipinas! Sino bang Pinay ang mga nagsusuot ng kasuotang ipinarada ni Rabiya sa buong mundo? Tila siya isang agilang o kalapating hindi lumilipad. Oo nga at sinisimbolo nito ang watawat ng Pilipinas pero Dios por Santo, wala namang nagsusuot ng mga balahibo ng manok, bibe, itik, at mga ibon sa anumang kasiyahan sa Pilipinas kundi sa mga patimpalak ng mga di-mawari!

(Image from https://news.abs-cbn.com)

Ewan ko lang kung ano ang puntos ng nakamit ng ating kandidata sa kasuotang ito na nilikha ng namayapang si Rocky Gathercole (PBWH). Oo nga at sikat at pamoso ang namayapang designer pero sa pagkakataong ito, sa palagay ko ay hindi bagay kay Rabiya Mateo ang kanyang naisuot.

Dahil ito ang aking opinyon, nawa ay irespeto ang aking palagay. Hindi ako nangungutya kundi nagsasabi lang ng aking nararamdaman. Sana ay mapabilang si Rabiya sa top 10 at iuwi muli ang korona ng Miss Universe.

No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...