Sunday, January 31, 2021

Japer Sniper, Bumuhos ang Blessing

         Bumuhos ang blessing kay Jeffrey Agravante o mas lalong kilala bilang Japer Sniper sa YouTube at Facebook. Ang biyaya ay hindi nanggaling sa mga subscribers at followers ng sikat na vlogger kundi sa kanyang mga natulungan o siya ang ginawang inspirasyon upang maging vloggers na rin. Ang mga ito ay ang mga umaarangkadang vloggers mula sa Barangay Bucana, Nasugbu, Batangas kung saan kasalukuyang naninirahan si Jeffrey, kapiling ang kanyang misis at dalawang anak na babae.

(Image from https://www.facebook.com/japersniperofficial/photos/1787397871427053)

    Matatandaan na nauna na ng tumanaw ng utang na loob si Louie ng Louie TV nang magbigay itong ng isang bagung-bagong motorsiklo kay Japer. 


        Nitong nakaraang linggo nga ay nagbigay naman ng isang malaking refrigerator si Kamuning o Michelle ng Kuya Michael Official vlog. Sinundan ito ng Hansek na nagbigay naman ng isang aircon.

        Nahihiya man ay tinanggap din ni idol Japer ang mga regalong ng mga vloggers ng Bucana. Gayunman, nagpaalala siyang huwag nang gayahin pa ng iba pang Bucana vloggers na nakatakdang sumahod sa YouTube, ang ginawa ng mga nauna. Sinabi niyang pagtuunan muna ng mga Bucana vloggers ang kapakanan ng kani-kanilang pamilya dahil iyon ang kanyang unang layunin kaya hinikayat niya ang mga ito at tinulungan.

         Dahil sa pahayag na ito, sa halip na gamit sa bahay ay ulam ang ibinigay ni Kabugay sa mag-asawang Agravante. Nagluto ang ina ni Kabugay  o  Kate Winsleth ng sinaing na  tulingan para kay Japer at hipon naman para sa asawa nito.


(Image from https://easypeasypinoyrecipes.wordpress.com)

        Dahil sa pagbibigay ng mamahaling gamit nina Louie, Kamuning, at Hansek kay Japer, hindi naiwasang tanungin kung ano ang ibibigay ni Madi Katigbak o mas lalong kilala bilang Wasalak, kay Japer lalo't higit na siya ang unang hinikayat ni Japer na mag-vlog.



        Sa halip na si Japer ang binigyan, ang niregaluhan ni Madi ay ang asawa at 2 anak ni Jeffrey. Alahas ang binigay niya sa mga ito. 

        

        Sa aking palagay, tama lang na paalalahanan ni Jeffrey ang mga Bucana vloggers na mag-ipon para sa kanilang pangangailangan. Dapat nilang pagtuunan ng pansin kung paano nila palalaguin ang kanilang kinita at kikitain mula sa YouTube lalo na ngayon at walang katiyakan ang kita sa pagba-vlog at ang gusto ng mga subscribers. Dapat din nilang pagbutihin pa ang nilalaman o content ng kanilang mga vlogs upang dumami pa ang nanonood sa kanilang channel.

        Maganda ang layunin ni Japer sa kanyang pahayag upang hindi ma-pressure o ma-obliga ang iba pang mga Bucana vloggers na nakatakdang sumahod sa mga susunod na mga araw ang magbigay ng regalo sa pamosong si Japer Sniper.

        Kay Japer Sniper, Louie TV, at sa mga Bucana vloggers - Good luck po!

Friday, January 29, 2021

ANO BA ANG LYKA APP AT KINAHUHUMALINGAN ITO NGAYON?

 ANO ANG LYKA App?

Ang LYKA ay isang libreng platform ng social media na nagpapahintulot sa mga gumagamit na kumonekta, makatuklas ng mga bagong bagay, at ibahagi ang kanilang mga interes sa ibang mga indibidwal. Pinapayagan ng platform ang mga tao na magbahagi ng mga larawan. Umiikot din ito sa isang Digital Point System - na nagbibigay ng gantimpala sa mga gumagamit para sa pakikipag-ugnayan sa platform. Ang mga LYKA Gems na ito ay maaaring ibahagi sa mga kaibigan, ipinagpapalit para sa mga kalakal sa aming mga kasosyong tindahan, at maaaring makolekta upang matubos ang mga regalo sa aming LYKA MALL mula sa mga sertipiko ng regalo (gift cetificate), gadget, at kahit  mga hotel accomodations.

LEHITIMO ba ang LYKA?

Ang LYKA ay itinatag noong Marso 2019 ng THINGS I LIKE COMPANY LTD., isang korporasyon sa Hongkong na may office address na: Level 19, Two International Finance Centre, 8 Finance Street, Central, Hong Kong. Ang kumpanya ay mas kilala ngayon bilang LYKA na may website address na: https://www.mylyka.com. Ang LYKA ay biglang sumikat nang mag-trending ito sa Twitter nitong Enero 2021.

ANU-ANO ANG MGA KATANGIAN NG LYKA at BAKIT MO ITO NAIS GAMIT?

A. LYKA GEM SYSTEM - kumita ng mga LYKA GEM sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga rating, at pag-post.

B. LYKA MALL - kunin ang mga gadget, damit, laruan, sertipiko ng pagkain, airfare, tirahan, at higit pa sa LYKA Shop gamit ang mga Diamante na iyong kikitain.

C. GROUP CHATS - lumikha ng mga naka-secure na chat ng pangkat/grupo  kasama ang mga kaibigan, katrabaho, kahit na may mga kilalang tao at influencer gamit ang app.

D. SEND & RECEIVE GEMS - magpadala at makatanggap ng mga LYKA Gems na madali at ligtas,  gamit ang bagong PIN system at QR code.

IBA PANG MGA TAMPOK/KATANGIAN

Paghiwalayin ang mga taong sinusundan mo sa iba't ibang kategorya tulad ng pamilya, kaibigan, katrabaho, at marami pa. Mag-post ng mga larawan at video. I-post muli ang mga larawan at video na gusto mo. I-rate ang mga post ng iyong mga kaibigan mula 1 hanggang 5 brilyante. Madaling sundan ang mga kaibigan gamit ang isang natatanging QR code.

LIGTAS BANG GAMITIN ANG LYKA?

Ang pagkapribado ng data ay naging isang kontrobersyal na paksa sa online. Dahil hinihiling ng mga libreng app na mag-log in sa pammagitan ng  iyong personal na impormasyon, may pag-aalala  at/o pangamba ang ating privacy.

Ayon sa pahayag ni Sieeka Khan ng Tech Times, noong Enero 14, naglabas ang LYKA ng isang opisyal na pahayag na tumutugon sa security bug na nakaapekto sa mga gumagamit ng iOS 14. Ayon sa PEP.ph, nag-aalala ang mga gumagamit ng iOS 14 na ma-access ng App ang mga camera at mikropono ng kanilang telepono kahit na sarado ang app.

Sa isang video sa YouTube na nai-post ng Cryptors Cybersecurity founder na si Alexis Lingad, tinalakay niya ang patakaran sa privacy ng App. Ang kapalit ng libre  App ay ang ibibigay mong personal na impormasyon upang masubaybayan nila ang iyong mga interes, pag-uugali at iyong mga contact. Gagamitin nila ito para sa mga naka-target na ad, at bagaman maaaring hindi ito nakakapinsala, ang ilang mga kumpanya ay maaaring mina ng iyong impormasyon. Bilang pag-iingat, pinapayuhan na dapat kang tumanggi kapag hiniling ka ng app para sa pahintulot na ma-access ang iyong SMS o imbakan ng iyong camera.

Tulad ng iba pang Apps at social media platforms, dapat talagang maging maingat sa pagbibigay ng mga personal na impormasyon. Huwag magbibigay ng mga PIN at account number ng iyong banko, credit/debit card, at anumang may kinalaman sa pananalapi.

SAAN MAAARING MAG-DOWNLOAD NG LYKA?

Maaaring ma-download ang LYKA App sa Google Play at Apple Store. Sa ngayon, ito ay para lamang sa mga smartphone na may operating system na ANDROID  6.0 pataas at iOS 10.0 pataas.

Friday, January 22, 2021

BumYang – Umaarangkada ang Love Team


Umaarangkada ang “love team” nina Bumbay at Oyang sa YouTube matapos i-feature ito ni Kalingap Rab sa kanyang YouTube channel. Sa ngayon ay pangalawang “date” na ang nangyari sa dalawang teenager na parehong tinutulungan ni Val Santos Matubang. Sa kasalukuyan ay may binabayarang tutor si Kalingap Rab upang tulungang magbasa si Bumbay, na nakatapos lamang ng Grade 2. Si Oyang naman ay binibigyan naman ng regular na tulong ni Kuya Val.


Hindi ko alam kung saan hahantong ang “love team” na ito dahil sa ngayon ay “pure friensdhip” lang talaga ang namamagitan sa dalawa. Sana ay lumawig pa ang kanilang samahan upang mapasaya ang mga subscribers at nanonood ng mga video ni Kuya Val Santos Matubang at anak nitong si Kalingap Rab.

Panoorin ang "second date" ng Bumyang DITO:

Ang mga larawan ay mula sa YouTube channel ni Kalingap Rab. 

Tuesday, January 19, 2021

May Hidwaan Kaya Sina Macki Moto at Kian, The Cameraman?

Hindi po malisyoso ang inyong Mamay P subali’t napakalikot ng aking imahinasyon at biglang nakabuo ng isang haka-haka o akala. Noong una ay hindi ko masyadong binigyang pansin ang aking obserbasyo subali’t pagkalipas ng Pasko at Bagong Taon, tila unti-unting nabubuo ang aking hinala. Dagdag pa rito ang panonood ko ng mga video nina Macki Moto at Kian, The Cameraman.

Sa mga hindi nakaaalam, si Macki Moto ay Ang Promdi Vlogger ng Nueva Ecija na gusto ibahagi ang saya at hirap ng buhay magsasaka, welder, mekaniko, construction at tatay at simpleng pamumuhay. Isa po siya sa mga umaangat na vlogger na aking pinanonood sa YouTube. Noong una ay walang cameraman si Macki. Bigla ay dumating si Kian. Napag-alaman ko kalaunan na mag-bayaw pala ang dalawa dahil kapatid ni Macki ang naging kabiyak ni Kian.

(Image from Macki Moto's Facebook page)

Naging maayos naman ang naging samahan ng mag-bayaw sa kanilang mga vlog. Nagkaroon din ng mga tagahanga si Kian dahil sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam kung kailan talaga biglang nawala sa eksena si Kian dahil magkaminsan ay late upload naman ang mga video.

(Image from Macki Moto's Facebook page)

Noong Nobyembre 2020 ay nag-vlog na rin si Kian, tulad din ng iba pang ka-buddy ni Macki Moto na sina HB o Hito Beer, Black Shadow, Miguelito, at nitong Enero 2021, ay si M. Y Empi naman ang sumabak. Alam kong walang koneksyon ang pagba-vlog ni Kian sa tila “hidwaan” nila ni Macki Moto dahil maayos pa rin naman ang kanyang naging trabaho bilang cameraman sa grupo.

(Image from Kian's Youtube Channel)

Mula sa Kian, The Cameraman ay naging Tigasing Kian ang titulo ng vlog ni Kian sa YouTube. Sa ngayon ay naging Kian & Sarah na ito na may 6.92K subscribers at 40 videos habang sinusulat ko ang artikulong ito.

Bakit naman nakabuo ang inyong Mamay P ng hinalang may hidwaan ang mag-bayaw? Una, napansin ko nang biglang mawala sa mga vlogs ni Macki Moto si Kian nitong malapit na ang Disyembre. Noong una ay sa pag-aakala kong dahil ito sa nalalapit na panganganak ng kapatid na babae ni Macki Moto at asawa ni Kian na si Sarah. Pangalawa, napansin ko sa vlog ni Kian noong Pasko na wala sa eksena si Macki Moto at pamilya nito. Pangatlo, wala rin sa eksena sina Ka-Buddy noong Bagong Taon. Wala rin sa eksena sina Kian at Sarah at pamilya nito sa ginawang Christmas Party ng grupo, sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon sa mga video ni Macki Moto.

(Image from Macki Moto's Facebook page)

Sinubukan kong tanungin si Macki Moto sa kanyang Facebook page kung meron nga silang hindi pagkakaunawaan ni Kian pero hindi siya sumagot o kaya ay hindi niya nabasa ang aking mensahe. Sa kanyang Vlog# 32 na may titulong “NAGKITA KAMI NI KABUDDY (guess who?) + NAKUHA KO NA ANG PAINT NI KAPINTURA, lumikot na naman ang imahinasyon ng inyong Mamay P dahil tila may laman ang “guess who?” ni Kian.

(Image from Kian's Facebook page)

Well, kung mayroon mang kontrobersya sa pagitan ni Macki Moto at Kian, sana ay maging maayos ang lahat lalo pa at sila ay magkakapamilya. Hindi maiwawaksi ang ugnayan ng dugo nina Macki at Sarah dahil sila ay magkapatid. Sa palagay ko ay naapektuhan din ang relasyon ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya lalo na ang ina ni Macki Moto. Hiling ko rin na mag-usap ang dalawa upang maplantsa ang lahat. Dahil mas nakatatanda si Macki, siya na ang umunawa sa isang mapusok na kabataan tulad ni Kian.

Inuulit ko, kung meron mang hidwaan sina Kian at Macki Moto, sana ay magkapatawaran na sila upang lalo pang yumabong ang kanilang YouTube channel. 

Sunday, January 17, 2021

BASEL, the Hungry Syrian Wanderer, Inabuso nga ba ni Mr. Chang a.k.a. “Abeoji”?

    Sumambulat noong isang linggo ang hinanakit ni Basel Manadil, na mas kilala na “The Hungry Syrian Wanderer” sa YouTube kay Mr. Chang – isang Korean national, na tinawag niyang “Abeoji” na ang ibig sabihin ay “father” sa Korean. Ang sama ng loob ay inilabas ni Basel, may-ari ng YOLO RetroDiner sa Muntinlupa, sa kanyang vlog sa Youtube. Mararamdaman ng makapapanood sa video na tila “inabuso” ni Abeoji ang kabaitan ng Syrian na matagal nang naninirahan sa Pilipinas. Inabuso nga ba ni Mr. Chang si Basel?

               Matatandaang nag-krus ang landas ng dalawang banyaga nang dalawin ni Basel si Abeoji sa puwesto nito habang nagtitinda ng Korean noodles sa bangketa. Nagkataong may media outlet din yata o ibang vlogger ang kumakapanayam sa Koreano. Dahil napag-alaman ni Basel na halos limas na ang pera ni Mr. Change dahil nalulong ito sa sugal, tinulungan ito ng mabait na Syrian. Sumama siya sa tinitirhang bahay ng Koreano, nilinis, inayos, at nilagyan ito ng mga appliances na kailangan ng matanda. May ilang beses ding muli itong binisita at nilinis ni The Hungry Syrian Wanderer, kasama ng dalawa niyang crew sa YOLO Retro Diner.

               Magmula noon ay naging laman na ng vlog ni Basel si Mr, Chang, na itinuring na niyang ama. Madalas ay nakikita silang magkasamang kumakain sa isang Korean restaurant o sa iba pa. Nang magbigay ng ayuda si Basel sa mga biktima ng bagyong Ulysses, kasa-kasama rin sa vlog ang dating mayamang may-ari ng isang pamosong construction company sa Korea. Magmula rin noon ay sumikat sa social media si Abeoji. Isa na ang kanyang kababayan at artistang si Ryan Bang na magbibigay ng tiket sa kanya pauwi ng Korea. Tumaas din ang view ni Basel at maraming tao ang humanga sa kanyang kabaitan, hindi lang sa Pilipinas kundi sa Korea.

               Ang magandang samahan nina Basel at Abeoji ay naging palaisipan sa mga subscribers ng The Hungry Syrian Wanderer dahil bigla na lamang itong nawala sa eksena. Hindi nakita si Abeoji nang magdiwang ng isang simpleng Christmas party ang mga tauhan ng YOLO. Wala ring gaanong ganap noong New Year’s Day.

               At ito ngang isang linggo ay isinawalat ni Basel ang kanyang nararamdaman kay Mr. Chang, matapos kimkimin ito ng ilang buwan at matapos mapanood si Abeoji sa vlog ni Bobby sa kanyang Chong Bobby Channel. Sa isang segment ng vlog, sinabi ni Mr. Chang na hindi siya nakatanggap ng pera sa isang “someone”. May portion din sa isang video na ipinakikia ni Bobby na magulo uli ang tinitirhan ni Abeoji at nakatambak lang sa isa pang kuwarto ang mga kalat na tila may pinasasaringan. May parte rin na may hawak na mansanas at saging si Abeoji. Ang mga ito ang ilan sa mga laman ng video na ikinasama ng loob ni Basel sa Koreano at kay Bobby. May basehan ba ang kanyang hinanakit?

               Sa aking palagay ay naging biktima lang si Mr. Chang ng mga taong nais siraan si Basel. Kung hihimayin ko ang mga sinabi ni Abeoji, tila hindi naman si Basel ang tinutukoy niyang “someone”. Nasabi ko ito dahil hindi naman matatas sa wikang Ingles ang matandang Koreano. Hindi naman siguro si Basel ang nais niyang tukuyin o paringgan dahil bukod kay Basel, marami pang vloggers ang kumapanayam at sumakay sa kasikatan ng Koreanong nagtitinda ng noodles sa bangketa. Kung si Basel man ang nais tukuyin ni Mr. Chang, baka ito ay pabiro lamang dahil batid ng matandang Koreano na higit sa Php7,500.00 ang ibinigay at nais pang ibigay sa kanya ng nagugutom at palaboy na Syrian.

               Dahil sa kanyang sitwasyon sa buhay, isang dating milyonaryo na naging mahirap dahil sa sugal, naging “vulnerable” o mahina sa buyo si Abeoji. Baka siya ay sumakay lamang sa nais gawin o ipasabi ni Bobby sa anumang layuning nais nitong makamtan. Posible rin na iba naman ang nais ipahiwatig ni Mr. Chang sa kanyang mga sinasabi dahil na rin sa katutohanang hindi siya matatas sa Ingles.

               Sa aking palagay ay dapat nating unawain si Abeoji. Marahil ay naging biktima rin siya at hindi rin niya hangad ang nangyaring paghihiwalay nila ng landas ni Basel. Kaya lamang nakapagbitaw ng ganoong pananalita ang Syrian dahil mahal niya si Abeoji na itinuring na ring ama dahil sa pangungulila sa sariling ama na walong taon na niyang hindi nakikita. Kung walang halaga kay The Hungry Syrian Wanderer is Abeoji, tiyak na babalewalain na lang ng may-ari ng Yolo ang mga pangyayari.

               Natural lang na naging maramdamin si Basel dahil napamahal na rin sa binatang Syrian si Mr. Chang. Ang kanyang naramdaman ay hindi galit kung hindi panghihinayang dahil sa pag-aakalang uunlad pa ang kanilang naging reaksyon. Ang pagmamahal na ito ay napamalas ng guwapong binata nang hiniling nito sa mga followers, subscribers, at mga kaibigan na huwag i-bash ang Koreano. Sa halip ay unawain na lamang.

Ang hiling ko ay sana ay magkasundong muli ang dalawa. Humingi ng pasensya ang may kasalanan at magpakumbaba. Sa palagay ko ay maraming paliwanagan ang mangyayari sa mga susunod na mga araw – mula kay Abeoji, kay Bobby, at kay Basel. Nawa’y ang paglalabas ng saloobin ay upang maliwanagan ang isyu at hindi upang lumala pa. Dahil iba’t iba ang interpretasyon ng bawa’t isa sa mga nakikita at naririnig, nawa’y lumabas ang mga totoong saloobin. Aminin ang kasalanan, kung meron man, at humingi ng tawad.

Dalangin ko ay maging maayos na sana ang isyung ito dahil batid kong malinis at tapat ang puso ni Basel Manadil, The Hungry Syrian Wanderer. Alam ko ring hindi intensyon ni Mr. Chang o Abeoji ang makasakit ng damdamin. Baka mali rin ang naging interpretasyon ni Basel sa mga vlog ni Bobby. Anuman ang tama, sana ay makita kong nagkukuwentuhan, nagtatawanan, at kumakain ng hamburger ang tatlo sa YOLO Retro Diner sa susunod na mga araw.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...