I - sang tula itong aking hinabi,
S - a isang kabataang umid na ang labi.
A - nak na matino ayon sa kanyang ina;
N - a pinaslang dahil sa droga?
(Image from http://media.interaksyon.com/wp-content/uploads/2017/08/Kian_delos_Santos_FB_grab-648.jpg)
G - awa-gawa lang daw ang kanyang sala,
T - aliwas sa sinabi ng kapulisan sa media.
U - pang maliwanagan, Senado’y nag-imbestiga;
L - ahat ng saksi’t ebidensya’y ibinigay sa kanila.
(Image from http://media.philstar.com/images/the-philippine-star/nation/20170824/kian-delos-santos-senate-hearing-senators.jpg)
A - ng taong-baya’y agad na pumuna,
K - aliwa’t kanan ang batikos at pagpula.
A - ng iilan ay nag-rally pa sa EDSA:
Y - umaong kabataa’y ginawang kampanya.
(Image from https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2017/news/08/21/20170821-kian-protest-edsa-md-2.jpg?ext=.jpg)
K – ian ang iyong pangalan,
I - sang kabataan nagbuwis ng buhay.
A - ng kasalanan ay nasa labas ng bahay:
N - aglalamiyerda at naghuhuntahan?
(Image from http://media.philstar.com/images/the-philippine-star/headlines/20170820/leni-robredo-kian-delos-santos-wake.jpg)
D - i pinalampas ng mga Liberal,
E - to sila sa burol mo’t nakiramay.
L - agi ba silang ganito ‘pag may pinaslang;
O ito’y propaganda at palabas lamang?
S-adyang ganyan ang mga pulitikong dilawan,
S-a palpak na gawa’y EJK ang sigawan.
A-ng kasong sa kanila’y may kinalaman;
N-ananahimik na at nagtuturuan?
T-alaga bang ganito, mga pulitiko sa ‘ting bayan,
O-ras na mabuking at mapagbintangan;
S-asabihin agad wala silang kasalanan?
R-eding-redi na ang wheelchair at pagamutan,
I-aanunsyong sila ay biktima lang;
P-residente Duterte ‘wag kaming husgahan!( Hangad ng may-akda'y imbestigasyong masusi,
Mga saksi't ebidensiya'y talagang mabusisi.
Nang sa gayo'y maparusahan ang may mali;
Mabigyang katarungan ang hinimlay na labi? )
No comments:
Post a Comment