Saturday, September 17, 2011

Paano Kumita ng Pera sa Internet


Ang internet o ang world wide web (www) ay hindi lamang instrumento upang malibang o magkaroon ng kaalaman. Maaari ring pagkakitaan ang internet.

Isa sa mga paraan kung paano kumita ng salapi o pera sa pamamagitan ng internet ay ang pagsusulat. Ito ay maaaring sa isang syndicated na pahayagan o babasahin kung saan nag-iimbita ang mga ito ng mga manunulat. Isa pang maaaring pagkakitaan ay ang paggawa ng blog. Ang pagkita ay sa pamamagitan ng mga anunsyo na mula sa google o tinatawag na Adsense. Ang iba pa ay mula sa Nuffnang kung saan kumikita ang isang blogger kung may pumipindot sa mga ads na nakalagay sa kanyang blog. Subali't dapat sundin ng isang blogger ang mga tuntunin ng mga naglalagay ng anunsyo sa mga pahina ng kanyang blog upang hindi ito makansela.

Maaari ring kumita mula sa Amazon kung may bibili ng mga panindang nakalagay sa iyong blog.

Isa pang paraan ay kung may probadong kumpanyang sadyang maglalagay ng kanilang anunsyo sa inyong blog. Upang mangyari, dapat ay maganda ang mga nilalaman ng inyong mga sinusulat at nababagay sa produkto ng mga kumpanyang ito.  Isa ring paraan ay ang pagsagot ng mga survey o pagbababasa ng mga anunsyo o advertisement kung saan nagbabayad ang isang advertiser base kung ilan ang iyong nasagot na mga survey o nabasang mga anunsyo.

Ang paglalathala ng inyong mga produkto o serbisyo ay isa ring paraan upang kumita nang malaki sa pamamagitan ng internet. Kailangan lamang na gumawa ka ng iyong pahina o isang website para sa iyong produkto o serbisyo. 

Sa mga nabanggit, nararapat lamang na maging maingat sa pakikitungo sa mga tao o kumpanyang makikilala sa internet dahil nagkalat ang mga manloloko at manggagantso sa world wide web.

No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...