Friday, August 5, 2011
Senador Zubiri, Nagbitiw sa Puwesto
Nagbitiw bilang senador si Sen. Juan Miguel Zubiri sa gitna ng mga naglalabasang alegasyon ng pandaraya sa nakaraang halalan noong 2007. Ginawa niya ang resignasyon sa Senado noong Miyerkules, ika-3 ng Agosto, 2011 sa harap ni Juan Ponce Enrile, ang pangulo ng Senado. Kasunod nito, binawi rin niya ang kanyang kontra-protesta ng pandaraya sa kanyang naging katunggaling si Atty. Aquilino Pimentel III sa ika-12 puwesto. Dahil sa pangyayaring ito, malamang na maupo si Pimentel bilang Senador sa susunod ng mga araw.
Hinahangaan ko si Senador Zubiri sa kanyang ginawa dahil nagpapakita lang ito na siya ay may delicadesa at hindi matakaw sa tungkulin. Naniniwala rin ako na wala siyang kinalaman sa dayaan at naging biktima lamang ng kagulangan ng nakaraang administrasyon.
Dumarami ngayon ang lumalabas na mga testigo upang ipamukha ang dayaan noong 2004 at 2007 na ibinibintang sa mag-asawang Arroyo. Kung may kasalanan man sila o wala ay ilatag nila ang kanilang kaso sa hukuman. Dito napatunayan na ang baho ay hindi kailanman naitatago at ang buhay ay "weather-weather" lang!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023
The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...
-
Members of the Alphi Phi Omega (APO) fraternity of UP Manila and Diliman held their traditional Oblation Run this December 2011. UP Manila ...
-
Ang edukasyon ay isang prosesong nagpapadali ng pagkatuto o ang pagkakaroon ng kaalaman, kasanayan, at magandang pag-uugali. Sa depinisyong ...
-
Kumpirmado na may jowa o boyfriend nga ang sikat na nanay nina Mark at Maycee matapos mapanood ang huling bidyo ni Kuya Val Santos Matubang ...
No comments:
Post a Comment