Thursday, June 2, 2011

Professional Jealousy


Hindi lamang homesickness ang dinaranas ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Gitnang Silangan o saanmang bansa sila nagtatrabaho. Isa na rito ang professional jealousy o inggit sa tuwirang salita. Dahil sa inggit ay nag-away ang dating magkaibigan. Nangyari ito noong isang araw. Ipinasok ng aming dating trabahador ang isa niyang kakilala nang magkaroon kami ng bakante. Dahil wala pa kaming napipiling tauhan upang mamahala sa aming mga sasakyan at equipment, hinirang pansamantala ng aming boss ang hindi pa nagtatagal na trabahador. Dahil dito, napailalim ang tauhang nagpasok sa kanya. Namuo ang inggit sa matagal ng trabahador. Inakalang nagtsumikap ang bagong dating sa aming boss para makuha ang posisyong iyon. Isang paratang na mali dahil noon pa ay tumanggi na ang bagong trabahador dahil nga sa lilikhaing kontrobersya. Sinabi naman ng aming amo na kapag may napili na ay agad siyang papalitan. Kahit na nagkaganoon, iniwasan naman ng baguhan na utusan ang nagpasok sa kanya. Magkagayunpaman, dahil sa kakitiran ng isip at maling hinala, nabuo ang inggit sa puso ng datihan. Nagkasagutan minsan ang dalawa kaya ipinasya ng baguhan na lumipat ng kuwarto. Mula noon ay hindi na nag-usap pa ang dalawa.

Nito ngang Linggo, tila sumabog na bulkan ang namumuong init sa katawan ng datihan. Iniwasan na siya ng baguhan nang anyo silang magkakasalubong ay hinabol pa nito ang una at saka sinapak. Kahit nasaktan, hindi gumanti ang baguhan. Nagtuloy lang ito sa workshop. Gayunpaman, sumugod pa rin ang mainggiting datihan. Dahil dito, dumampot na ito ng isang spanner para ipagtanggol ang sarili. Sugod pa rin ang datihan. Itinapon ng baguhan ang hawak na spanner at binigwasan ang sumusugod. Sapol at sumubsob sa semento a ng manunugod. Pagkatayo ay nagtatakbo ang war freak upang tawagin ang kanyang kapatid. Ang baguhan naman ay takbo sa opisina at nagtago sa loob mismo ng kuwarto ng boss namin na wala pa noon. Doon siya naabutan ng 2 magkapatid at pinagtulungan.
(SUSO ang bansag ng mga Pinoy sa trabahador na malapit sa kanyang Boss)

To make the story short, ipinakulong ang tatlo. At kalahating araw silang ibinilad ng mga pulis sa matinding init ng araw. Ang nakakalungkot lang sa istoryang ito, bukod sa naparusahan din ang umiiwas sa away, ay kapwa mga Pinoy ang mga nasasangkot na mga pasaway. Mahirap talagang tantyahin ang isipan ng bawa't isa. Mapagbibitangan kang suso kahit trabaho mo naman ang iyong ginagawa.

5 comments:

WP said...

Haynaku Pons kahit dito sa amin ay nangyayari ang ganyan, minsan nakakahiya na hindi mo mawari dahil kapwa mo pinoy pa ang pasimuno ng gulo. Mabuti na lang at mabait ako at hindi ako sumasali sa basagulo hakhakhak. Sa tingin mo ba na dapat din parusahan ung imiiwas na sa gulo? Anyway, mahirap kalaban ang inggit dahil daig pa nito ang lasing, at least ang lasing pagnawala ang ispiritu ng alak tapos na pero ang inggit hindi iyan mawawala sa katawan ng isang tao.

Anonymous said...

ganun? hmmm parang di professional yan. God bless Pons!

Ponciano Santos said...

@WP... kaya ako wa na ako say sa mga naririnig ko...
@ LASER ...oo nga! ang tawag dapat unprofessional jealousy...

iya_khin said...

natawa ako sa unang pic beavis and butthead akala ko kung ano na! tama ka maraming ngang inggitan pagdating sa trabaho! mapolitika ang kada departamento!

ngayon lang nadaan tumambling!

Ponciano Santos said...

@iya_khin, kaya laging ingat..'wag hayaang baghuin ng iba ang ating pangarap dahil lang sa inggit ng iba!

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...