Dahil sa iniinda kong pangangalay ng aking kaliwang paa at balakang nitong nagdaang mga araw, ipinasya kong magpamasahe o magpahilot sa isang kakilala ng aking kasamahan sa trabaho kahapon. Alas-6:30 ng hapon ang aming iskedyul at dumating naman siya sa oras na iyon. Sabi ni Neil, galing pa siya sa isang parukyano sa may gawi ng Panda (dating Giant Store). Siya ay tubong Surigao at ngayon ay naninirahan sa Lucena City. Dalawa ang kanyang anak, isang 12 at 8 taong gulang. Pitong taon na siyang nagtatrabaho bilang service crew sa isang catering company dito sa Jubail kung saan mga SABIC affiliates ang kanilang mga kliyente. Naisip niyang magmasahe upang maragdagan ang kanyang kinikita. Dahil dito, nakapagpatayo na siya ng isang bahay sa isang subdividion sa kanilang bayan. Marami na rin ang kanyang mga kliyente.
Tumagal ng isang oras ang paghihilot na ginawa niya sa akin. Hindi naman sumakit ang aking katawan pagkagising ko ngayon. Tila nawala naman ang pamimintig ng aking kanang paa at balakang. Oobserbahan ko pa kung natanggal nga niya ang aking sakit.
2 comments:
Nung nabasa ko ang title akala ko yung hilot na nagpapaanak bwahahaha. Hokei naman ba ang resulta?
Ayos naman ang kanyang masahe at hindi ka manghihinayang sa ibinayad mo. Tiyak na magugustuhan mo rin siya at ng iyong mga katrabaho riyan... Pa-book na!
Post a Comment