(Above image was uploaded from www. mykiru.blogspot.com)
Thunderbird Resorts - La Union
Sampung taon ang pagitan ng dalawang magsing-irog. 37 si John at 27 naman si Priscilla. Maligayang-maligaya ang dalawa sa harap ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Ang iba ay nanggaling pa sa Brazil. Suot ni Priscilla ang puting wedding gown na gawa ni Randy Ortiz. Pangalawa na ito ng pagpapakasal ni John. Una ay kay Janice de Belen kung saan nagkaroon sila ng apat na anak. Na-link din at nagkaanak si John kay Vanessa del Bianco.
At dahil bias ako sa maraming romansa ng mga artista, hinuhuluan ko ring hindi magtatagal ang pagsasamang ito dahil na rin sa magkaiba ang kultura ng dalawa. Pangalawa, uusbong ang problema kapag nawala na ang pagkakakitaan ni John na sa kasalukuyan ay isa sa mga main hosts sa "Happy, Yipee, Yehey" ng ABS-CBN at sa ipapalabas na teleseryeng "Minsan Lang Kita Iibigin."
Sa ngayon, hayaan muna nating namnamin nina John at Priscilla ang tamis ng kanilang pagmamahalan. Sa aking palagay nga ay baka buntis na ang babae.
Kina John at Priscilla, "Happy, Yipee, Yehey!"
No comments:
Post a Comment