Status symbol daw ang pagkakaroon ng credit cards. Mas marami kang hawak, mas sosyal. Pero hindi ganito ang nangyari sa nakababata kong kapatid na nagtatrabaho sa Dubai. Sa dami ng kanyang credit cards ay hindi na siya makabangon sa pagbabayad.
Alam kong may kasalanan ang kapatid ko kung kaya't dumami ang kanyang mga utang pero higit kong sinisisi ang mga credit card providers dahil mga irresponsable sila. Nasabi ko ito dahil may malaking bank loan na nga ang kapatid ko ay nakakuha pa siya ng 5 credit cards. Hindi na ba nag-CI (credit investigation) and mga bankong ito? Sa utang na lang niya sa banko ay mahihirapan na siyang makabayad kung pagbabasehan ang kanyang sweldo.
Sa halip na makatulong, lalo pang naragdagan ang utang ng kapatid ko. Kulang na ang sweldo niya sa pagbabayad ng mga credit cards na ito. Ang masama, hindi nababawasan ang utang dahil kalimitan ay minimum payment lang ang nababayaran niya.
Magandang tingnan ang credit card sa umpisa. Unang-una, maliit ang tubo nito kumpara sa iba at may interest-free purchases pa kung mababayaran mo ito sa loob ng 60 days. Kaya lang, imposible mo itong mabayaran kapag lumaki na ang utang mo. At dahil sa card mong dala, kahit wala kang pera, pwede kang mamili. Ang siste, hindi mo na masosoli ang binili mo kapag nagbago ang isip mo. Hindi tulad kung cash ang pinambili mo.
Kaya payo ko sa mga OFW sa Gitnang Silangan kung saan madaling makakuha ng credit cards, 'wag na nating pangarapin. Mababaon lang kayo sa utang. Hindi rin gaganda ang inyong credit rating sa pagdating ng panahon...
No comments:
Post a Comment