Saturday, November 20, 2010

LET SEPT 2010 RESULTS TOP 10

Inilabas na ng Philippine Regulations Commission (PRC) ang resulta ng Licensure Examination for Teachers (LET) na ginanap noong Setyembre 2010.
Ang mga nanguna na kabilang sa TOP 10 ay ang mga sumusunod:

Para sa kumpletong listahan ng mga pumasang guro, tunghayan ang listahan dito:

MALIGAYANG BATI sa mga pumasa! Sa mga hindi, magbalik-aral muli..Habang buhay, may pag-asa! CHEERS!

Sunday, November 14, 2010

PACQUIAO WAGI KAY MARGARITO

Nagwagi ang "Pambansang Kamao ng Pilipinas" na si Manny Pacquiao laban sa kanyang Mexicanong katunggali na si Antonio Margarito nitong ika - 13 ng Nobyembre 2010 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas, USA. Nasungkit ni Pacman ang WBC super welterweight belt sa isang unanimous decision sa kanilang 12 rounds na laban. Ito ang ika-walong koronang hawak ngayon ni Manny

Saturday, November 13, 2010

Nang at Ng

Kung pakikinggan lamang, hindi natin agad malalaman kung "Nang" o "Ng" ang ginamit sa isang pangungusap dahil halos magkasingtunog ang dalawang salita. Nguni't sa pormal na pagsusulat, nararapat na malaman ang tamang gamit ng "nang" at "ng".

A. NANG
a. Makikita sa unahan ng pangungusap
Halimbawa:
1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral.
2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda.
b. Gamit sa pang-abay na pamaraan (adverb of manner).
Halimbawa:
1. Lumakad siya nang dahan-dahan.
2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
c. Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.
1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
2. Kanina pa siya ikot nang ikot.

B. NG
a. Nagsasaad ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
1. Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
2. Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.

Sapat nang tandaan ang gamit ng NANG upang hindi malito sa wastong paggamit ng NANG at NG.
Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa at pang-uri, gamitin ang NANG.

Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb) at pang-uri (adjective), gamitin ang NANG. NANG  din ang gamit sa unahan ng pangungusap.

Thursday, November 11, 2010

Arnel Mancilla

Ang tsokaran nina Samuel Matias at Manolo Rivera
SI Arnel Mancilla..balita ko ay nasa Canada ngayon...

Marilou Gonzales

Did you miss Marilou Gonzales?
Here she is... with her husband(?)

Virgilio Geluz

Ever wonder where is Virgilio Geluz?
Here he is with his family.

Rosemary Santos

Humahabol pa...Rosemary Santos (pinsan ko) with hubby Arnel Abiva...just got her MA. (kelan kaya ako?)

Ricardo Rafael

Heto ang humahabol pa... Ricardo Rafael with his family.

Noel Del Rosario

Let's welcome Noel Del Rosario & his daughter
PM him at his FB account

Allan Erese

Look, who is here... Allan Erese with wife and sons.
Know more about him at his FB account

Tyx Matawaran

Ever wonder where is Tyx? He is working in Dubai...
Visit his FB account

Luz Mangonon

Who will ever forget "The Impossible Dream" Luz Mangonon!

Rodel Lipumano

Heto na si Rodel Lipumano & Family. Visit his FB account...http://www.facebook.com/profile.php?id=100001285484321

Wednesday, November 10, 2010

GMA 7 Christmas 2010 STATION ID

Heto naman ang Christmas 2010 Station ID ng GMA 7 na may titulong "Isang Pagkilala sa Puso ng Pilipino Ngayong Pasko." Panoorin at pakinggan natin...
Part 1

Part 2

Tuesday, November 9, 2010

LOPEZ Pinataob si MARQUEZ

Pinataob ng Puerto Rican na si Juan Manuel Lopez ang Mexicanong si Rafael Marquez na masungkit ang WBO Featherweight belt na hawak niya sa kanilang laban noong Ika-6 ng November 2010 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada, USA.

ABS-CBN Christmas 2010 Station ID

Heto na ang hinihintay na Christmas 2010 Station ID ng ABS-CBN na may titulong "Ngayong Pasko, Magniningning ang Pilipino.
Heto panoorin at pakinggan natin....

Thursday, November 4, 2010

Mathematics in Taglish

Dahil wala man lamang pumapasyal sa site na ito (maliban sa akin), minabuti kong isalin na lang sa wikang Filipino o Tagalog sa abot ng aking makakaya ang mga aralin sa Matematika. Alam kong may mga termino sa English ang walang katumbas sa Filipino pero sapat na sigurong gamitin ang terminong iyon sa wikang Ingles kung nauunawaan naman ng mga mag-aaral/mambabasa ang konsepto nito.

Friday, October 29, 2010

KAHULUGAN NG MGA SALITANG FILIPINO

Ang mga sumusunod ay mga salitang mahirap unawain ng ordinaryong Filipino:

1. naglipana - nagkalat
2. sandamakmak - sangkaterba, sobra-sobra, labis
3. batingaw - kampana, bell
4. simboryo - domo (dome), lungaw
5. aligaga - maraming ginagawa nang sabay-sabay
6. hilong-talilong - sobra-sobra ang ginagawa, hindi alam ang uunahing gagawin
7. nagmumurang kamyas - matandang nag-aastang bata sa pamamagitan ng pagsunod sa uso o moda
8. alibugha - taksil, traydor, (prodigal)

Wednesday, October 27, 2010

Remegio Buenafe - East Tapinac Barangay Captain

Nagwagi bilang isang Barangay Captain ng East Tapinac ang ating kaklaseng si Remegio "Meng" Buenafe sa nakaraang eleksyon - 25 October 2010.

Ang aming tauspusong pagbati at sana ay mapaunlad ang pamumuhay ng mga taga-East tapinac sa kanyang pamumuno.

PACQUIAO - MARGARITO FIGHT

Magtutunggali sa Nobyembre 14, 2010 sa Dallas Stadium, Texas, USA ang "Pambansang Kamao ng Pilipinas" na si Manny Pacquiao at ang "Tijuana Tornado" na si Antonio Margarito upang masungkit ang Superwelterweight belt.

Inaasahan ng mga Filipino ang panalong ito ni Manny subalit hindi tayo dapat maging kampante. Dapat na maging mapagkumbaba pa rin ang ating kampeon dahil kung matatalo siya, nasa kanya ang simpatiya ng mga tao. Nguni't kung magiging hambog ang isang manlalaro, manalo man ay kaiinisan pa rin ng publiko.

Hintayin natin ang bakbakang ito.

Pilipinas Win na Win - Winner Nga Ba?

Kung ilang linggo na rin akong nanonnod ng Pilipinas Win na Win minus ang mga dating hosts na sina Robin Padilla, Mariel Rodriguez at Kris Aquino. Napalitan ang mga nabanggit na personalidad kaakibat ang iba't ibang kontrobersya na nakakabit sa kanilang mga pangalan.

Bukod sa 2 babaing idinagdag, bale 4 ang naging kapalit ni Robin Padilla na kinabibilangan ng The Hitmakers na mang-aawit na sina Rico J. Puno, Marco Sison, Rey Valera at Noynoy Zuniga. Sa apat, nangingibabaw ang presence ni Rico J. May pagkakataon pa ngang nasasapawan niya si Pokwang sa pagsasalita. Ang tanong lang ay kung tatagal ang Pilipinas Win na Win dahil sa Hitmakers o magtatagal ang Hitmakers sa programa.

Kahit lagi nang sinasabi ni Pokwang na sobrang bait ni Rico J at lagi pang nagsisimula sa kanilang pagdarasal bago magsimula ang show, parang hindi ko ma-feel ang sinseridad sa boses at personalidad ng singer-actor. Dahil dito, naniniwala akong hindi magtatagal si Rico Puno sa programa. Naroon pa kasi ang image niyang babaero at bastos! At ngayon naman ay TRYING HARD

Sunday, October 24, 2010

Migration to Australia

Marami sa mga Filipino ang nagnanais na makapunta sa iba't ibang bansa upang mapaunlad ang kanilang buhay. Isa sa mga bansang nais puntahan ay ang Australia. Sa kagustuhang madaling mapaalis, ang iba ay hindi na nagsisiyasat pa. Ang nangyayari, marami sa kanila ang nabibiktima.

Mayroong proseso ang pagtungo sa Australia upang magtrabaho ng legal o maging permanent resident. Tulad ng Canada, point test system rin ang pinatutupad ng Australia. Mangyaring bisitahin ang kanilang website na http://www.immi.gov.au/immigration/ para sa lahat ng impormasyong nais ninyong malaman.

Hindi na kailangan ang isang agency para makapunta ng Australia. Nasa website na nila ang mga kailangang gawin at impormasyon. Kung hindi maiiwasan, maaaring gumamit ng agency siguraduhin lamang na sila ay kasapi ng MARA - Migration Agents Registration Authority ng Australia upang masiguro na rehistrado ang tao o ahensiyang iyong nilapitan. Bisitahin ang kanilang website sa https://www.mara.gov.au/

Dapat tandaan na ang paggamit ng mga ahente ng MARA ay hindi nanganagahulugan na bibilis ang inyong mga papeles. Dadaan pa rin ito sa normal na proseso.

MAGSIYASAT PARA HINDI MALOKO!

Saturday, October 23, 2010

Mga Alamat, Pabula at Talambuhay ng mga Bayani

Kung may mga gawaing-bahay kayo na natutungkol sa mga alamat, pabula at talambuhay ng mga bayani, mangyaring bisitahin ang webpurok na http://www.pinoyedition.com/--- Basahin lamang ang kanilang copyright page.

IV. KAGANAPAN NG PANDIWA

KAGANAPAN NG PANDIWA - bahagi ng panaguri (predicate) na nagpapahayag ng ganap na kahulugan sa pandiwa. Kung ang pokus ng pandiwa ay ang relasyon nito sa paksa, ang kaganapan ng pandiwa ay ang relasyon naman ng panaguri sa pandiwa.

A. Kaganapang Tagaganap- bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Makikilala ito gamit ang mga pananda na ni at ng.
Halimbawa:
1. Ikinalungkot ng mga Filipino ang pagkatalo ni Manny Pacquaio sa katunggaling si Antonio Margarito. (Ikinalungkot nino?)
2. Kinakain ni Liza ang tsamporadong gawa ni Nanay Huling. (Kinakain nino?)

B. Kaganapang Layon - bahagi ng panagri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit din dito ang panandang ng.
Halimbawa:
1. Si Pedro ay bibili ng bagong laptop sa SM Megamall. (Bibili ng ano?)
2. Nagpamudmod sila ng salapi. (Nagpamudmod sila ng ano?)

C. Kaganapang Tagatanggap - bahgi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang makikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Ang mga panandang para sa at para kay ay kalimitang ginagamit dito.
Halimbawa:
1. Nagbigay ng donasyon ang Pamilya Santos para sa mga sinalanta ng bagyong Juan. (Para kanino ang donasyong ibinigay?)
2. Nagbuwis siya ng buhay para kay Lolo Jose.

D. Kaganapang Ganapan - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar o pook na pinaggaganapan ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Nanood ng palatuntunan sa silid-aklatan ang mga mag-aaral. ( Saan nanood ang mga mag-aaral?)
2. Pupunta kami sa Manila Zoo.

E. Kaganapang Kagamitan - bahagi ng pnaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Iginuhit niya ang larawan ni Mona Lisa sa pamamagitan ng krayola.
2. Pinatay niya ang ahas gamit ang karit.

F. Kaganapang Direksyunal - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Namasyal sila sa Luneta buong maghapon.
2. Nagsunog siya ng kilay sa silid-akalatan.

G. Kaganapang Sanhi - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Nagwagi siya sa eleksyon dahil sa kabutihan ng kanyang puso.
2. Nagtagumpay siya sa buhay dahil sa kanyang kasipagan.

Thursday, October 21, 2010

ANG PANDIWA (The Verb)

ANG PANDIWA
Ang pandiwa ay bahagi ng pangungusap na nagpapahayag ng kilos, gawa o kalagayan,

I. Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan

A. Payak - ipinalalagay na ito ang simuno (subject).
Halimbawa:
1) Lubos na maghirap ang nangungurakot sa kaban ng bayan.

B. Katawanin - may simuno ito nguni't walang layong tumatanggap.
Halimbawa: Ang mabait at magalang ay pinagpapala.

C. Palipat - may simuno at tuwirang layon (direct object). Ang layong ito ay pinangungunahan ng mga katagang ng, mga, kay at kina.
Halimbawa: Nagsampay ng damit si Maria.

II. Mga Aspekto ng Pandiwa
A. Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo (Past Tense) - nagpapahayag ng kilos o gawang natapos na.
Halimbawa: Nagpirito ng isda si Mang Kulas.

B. Pangkasalukuyan/Imperpektibo (Present Tense) - nagsasaad ng pagkilos na nasimulan na subali't hindi pa natatapos.
Halimbawa: Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog.
C. Panghinaharap/Gaganapin o Kontemplatibo (Future Tense) - nagpapahayag na ang kilos o gawa ay mangyayari pa lamang.
Halimbawa: Magbibigay ng pagsusulit ang guro bukas ng hapon.

D. Tahasan - ginaganap ng simuno ang isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.

E. Balintiyak - hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Ang pagtatayo ng gusali ay pinasinayahan ng punong-lungsod

III. KAILANAN NG PANDIWA
A. Isahan - ang pandiwa ay nasa payak na anyo.
Halimbawa: Ang guro ay nagtuturo sa mga bata.

B. Maramihan - marami ang simuno at kilos na isinasaad.
Halimbawa: Nagsisipalakpakan ang mga manonood sa programa.

BAHAGI NG PANANALITA: ANG PANDIWA (The Verb)

Wednesday, October 20, 2010

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS) ng DEPED

Naintriga naman ako sa Alternative Learning System (ALS) ng DepEd kung saan binibigyan ng pagkakataon ang marami nating kababayan na hindi nakatapos ng elementarya at high school na makakakuha ng certificate sa pamamagitan ng libreng pag-aaral at makapasa sa ALS A&E (Accreditation & Equivalency) examination. Sa ganitong paraan, nakakuha ng high school certificate si Manny Pacquiao kung saan ginawa pa siyang ambassador. Nitong 3 October 2010 ibinigay ang pagsusulit sa taong ito kung saan ilan sa aking kabarangay sa Loob, San Antonio, Quezon ay kumuha ng pagsusulit. Nawa, lahat sila ay pumasa. At sana naman ay mailabas agad ng DepEd ang resulta ng pagsusulit dahil noong isang taon ay inabot ng siyam-siyam ang paglabas ng resulta. May kasama kasing essay o sanaysay ang test at ito siguro ang nagpabagal sa paglabas ng resulta. Bakit hindi na lang agahan ang pagbibigay ng essay part ng test nang sa gayon ay madaling mailabas ang resulta?
Naghanap ako ng sample ALS A&E test sa internet pero wala akong makita. Gusto ko pa namang gumawa ng reviewer na magagamit ng mga kukuha ng pagsusulit. Sa ibang bansa kasi, naka-post ang anumang test na natapos na para maging gabay o giya ng mga susunod na kukuha. Takot yatang mapagbintangan ang DepEd na may leakage kung sakaling pareho ang nasa reviewer at nasa actual test! Hindi naman nababago ang mga facts!

Tuesday, October 19, 2010

How to find vertices, edges and faces of a prism given the sides or base?

1) To find the number of vertices, edges and faces of any prism given the number of sides (or) base, use this formula:

a) vertices of a prism = 2n
b) edges of a prism = 3n
c) faces of a prism = n + 2
where n is the number of sides of a prism

Examples:
Find the number of vertices, edges and faces of a hexagonal prism.

We know that a hexagon has 6 sides (n), therefore
vertices = 2n ==> 2 * 6 = 12
edges = 3n ==> 3 * 6 = 18
faces = n + 2 ==> 6 + 2 = 8

INVERSE OF A FUNCTION

To find the inverse ( f^-1)(x) of a function f(x); follow the following steps:
Example: Find the inverse of
y = 1-2x

1) Write the original equation.
y = 1-2x

2) Solve it in terms of x.
y = 1 -2x
-2x = -1 + y
x = (1-y)/2

3) Interchange y and x in the result of step 2.

x = (1-y)/2 ==> y = (1-x)/2

4) The inverse function f^-1(x) of f(x) = 1 -2x
is therefore f^-1(x) = (1-x)/2

Tuesday, October 12, 2010

Ningas-Cogon

Ang mga Pilipino raw ay ningas-cogon. Ang cogon ay isang uri ng damo na ginagawang pambubong ng bahay. Kapag sinidihan mo ang cogon, malakas ang lilikhain nitong apoy nguni't panandalian lamang. Ganito inihahalintulad ang mga Pinoy. Magaling lang sa una, pagkatapos ay wala na. Galit na galit pagkatapos ay huhupa na. Madaling makalimot ang mga Pinoy. Madaling makapagpatawad. Mainipin. Gusto'y biglang yaman.

Pinoy ako. Heto, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagsusulat ng isang kuwentong pang-Carlos Palanca. Ewan ko ba... magiging pangarap na lang yata ang iniisip ko.

It's been a while

Dahil sa kakalaro ko sa Facebook (FB), saglit na nakalimutan kong my blog pala ako. Ang dami nang nangyari mula ng aking huling post tungkol sa Miss Universe. Ang kontrobersyal na hostage-taking, ang Reproductive Health Bill, ang 100 days in office ni Pnoy at ang latest na paghihiwalay nito sa kasintahang si Shalani Soledad.

Kaya pansamantalang namaalam ako sa FB ay dahil raraket ako. Gusto ko uling magsulat ng kuwento. Kung magagawa ko ito ay tingnan na lang natin. Alam mo na ang mga pinoy, ningas-cogon... e Pinoy ako!

Wednesday, August 25, 2010

Miss Mexico is Miss Universe 2010

Miss Mexico - Miss Universe 2010
Miss Ukraine - Third Runner up
Miss Thailand - Miss Photogenic & Best in National Costume
Miss Philippines - Fourth Runner up
Miss Jamaica - First Runner up
Miss Australia - Second Runner up & Miss Congeniality
Nakuha ni Miss Mexico, Jimena Navarette ang titulo ng Miss Universe 2010 sa timpalak na nilahukan ng 83 kandidata sa katatapos na parangal sa Mandalay Bay Events Centre sa Las Vegas, Nevada, USA, nitong ika-23 ng Agosto 2010. Pumangalawa naman si Yendi Phillipps ng Jamaica, pangatlo si Jesinta Campbell ng Australia, sumunod si Anna Poslavska ng Ukraine, samantalang panlima ang pambato ng Pilipinas na si Venus Raj.

Nakuha rin ng Miss Australia ang Miss Congeniality samantalang Best in National Costume at Miss Photogenic si Fonthip Watcharatrakul ng Thailand.

Monday, August 9, 2010

Robin Padilla at Mariel Rodriguez - ENGAGED NA?!

Nagtapat na ng kanyang pag-ibig si Robin Padilla sa co-host nitong si Mariel Rodriguez sa birthday celebration ng dalaga sa E-Live. Napaiyak pa ang dalaga (kahit na nga alam na niya ito) nang muling isuot ang 1.2M singsing na ibinigay noon pa ng binata.

Kontrabida ako dahil sasabihin kong hindi rin magiging maganda ang kahihinatnan ng pag-ibig na ito, katulad ng mga naunang relasyon ni Robin. Puwedeng humantong ito sa maganda kung yayakapin ni Mariel ang relihiyon ni Robin at titigil siya ng pag-aartista. Dapat din niyang isipin na pwedeng mag-asawa si Robin ng higit sa isa. Kaya ba itong tanggapin ni Mariel?

Willie Revillame, Namaalam na sa ABS-CBN

Namaalam na rin si Willie Revillame sa ABS-CBN ngayong araw na ito, ika -9 ng Agosto, 2010, matapos mapalitan ng bagong programa ang kanyang time slot ng "Pilipinas Win na Win." Inaasahan kasi ni Willie na ibabalik siya sa Wowowee nong ika-31 ng Hulyo,2010 subali't hindi nga ito ang nangyari. Bagkus, bibigyan na lamang siya ng isang oras na show sa loob ng isang linggo at pre-recorded pa ito. Sinabi ni Willie sa kanyang sulat sa mga bossing ng ABS-CBN na hindi yata ito makatarungan kung kaya't nagpasya siyang tapusin na ang kanyang kontrata. Napabalitang lilipat ang host ng Wowowee sa TV 5.

Narito ang buong ulat:

Friday, July 30, 2010

WOWOWEE , Namaalam Na!

Natapos din ang ekspekulasyon. Namaalam na nang tuluyan ang noontime show ng ABS-CBN na WOWOWEE na pinangungunahan ni Willie Revillame. Matapos ang humigit limang taong pamamayagpag, bumaha ng luha ang huling araw ng Wowowee ngayong araw na ito - 30 July 2010. Naging madamdamin ang pamamaalam ng lahat lalo na ang mga hosts nito na kinabibilangan nina Valerie Concepcion, Mariel Rodriguez, Pokwang at ang guest host na si Luis Manzano. Luhaan din ang mga taong bumubuo ng show. Dahil sa init ng ulo ni Wille, nawalan ng trabaho ang maraming tao. Sana naman sa susunod na show ni Willie sa Dos ay mapag-isipan muna niya ang bawat salitang bibitawan sa publiko.

Wednesday, June 16, 2010

Grade V-1 Class Picture

Heto na ang ating Grade V-1 Class Photo. Our adviser here is Miss Zenaida Echon. She replaced our former adviser Mrs. Dixon who went on leave after giving birth.

Saturday, May 29, 2010

Lakbay-Diwa

Sa hangarin kong manalo ng Carlos Palanca Memorial Award for Literature ay kakalikutin kong muli ang aking diwa upang makahabi ng pampanitikang-akda.

Nagsimula ang aking hilig sa pagsusulat noong ako ay nasa mataas na paaralan. Napili akong pangalawang-patnugot sa aming pahayagan na nasusulat sa Filipino. Hindi man kataasan, nagwagi rin ako sa ilang patimpalak na aking sinalihan. Ako nga ang tinanghal na Best in Journalism in Filipino noong ako'y magtapos ng high school.

Tila suntok sa buwan kung mapipili ang aking akda sa Carlos Palanca. Pero wala talagang mangyayari kung hindi ko susubukan. Kaya sa araw na ito at sa mga susunod pang mga araw ay lilikha ako ng mga akdang maaaring ilaban sa contest na ito. Hahayaan kong maglakbay ang aking diwa at lumipad ang aking guni-guni upang magawa ko ang aking obra-maestra.

Convert Radians to Degrees and Vice Versa

A) To convert radians to degrees

Multiply radians by 180 degrees/pi
Example:

3pi/4 ==> degrees

3pi/4 x 180 degrees/pi (pi will cancel out)

540/4 = 135 degrees

B) To convert degrees to radians

Multiply degrees by pi/180 degrees
Example:
60 degrees ==> radians

60 degrees x pi/180 degrees ( degrees will cancel out)

60pi/180 = pi/3

Tuesday, May 25, 2010

Quadratic Equation: Completing the Square

One way of solving for x in a quadratic equation is by completing the square. Here's how:

x^2 + 6x - 7 = 0 ===> ax^2 +bx + c = 0
==================
1) Move the constant to the right side. In the equation above, the constant is 7. You can do this by adding the negative value of the constant on both sides of the equation;

x^2 + 6x -7 + (+7) = 0 + (+7)

x^2 + 6x = 7

2) Take half the value of the x-term or b ( 6).

6/2 = 3

3) Square it.

3^2 = 9

4) Add the result to both sides.

x^2 + 6x + 9 = 7 + 9

5) Convert the left side to squared form and simplify the right side.

( x + 3)^2 = 16

6) Take the square root of both sides.

x + 3 = +/- 4

7) Solve for x

x + 3 = 4
x = 4 - 3
x = 1
========
x + 3 = -4
x = -4 - 3
x = -7
=========
Answers:
x = 1 and -7

WowoWillie

Matapos ang pagsasabi ng magreresign siya sa ABS-CBN kung hindi tatanggalin si Jobert Sucaldito at pagpapadala ng sulat na may temang "Please release me," heto at parang si PGMA si Willie sa pagsasabing "I'm sorry!" sa mga bossing ng ABS-CBN.

Hindi pa malinaw kung ano ang desisyon ng pamunuan ng ABS-CBN pero nasa indefinite leave pa rin ang nagpapakatotoong si Willie Revillame at nasa roster pa rin siya ng kumpanya.

Abangan ang susunod na kabanata!

Thursday, May 20, 2010

Credit Cards

Status symbol daw ang pagkakaroon ng credit cards. Mas marami kang hawak, mas sosyal. Pero hindi ganito ang nangyari sa nakababata kong kapatid na nagtatrabaho sa Dubai. Sa dami ng kanyang credit cards ay hindi na siya makabangon sa pagbabayad.

Alam kong may kasalanan ang kapatid ko kung kaya't dumami ang kanyang mga utang pero higit kong sinisisi ang mga credit card providers dahil mga irresponsable sila. Nasabi ko ito dahil may malaking bank loan na nga ang kapatid ko ay nakakuha pa siya ng 5 credit cards. Hindi na ba nag-CI (credit investigation) and mga bankong ito? Sa utang na lang niya sa banko ay mahihirapan na siyang makabayad kung pagbabasehan ang kanyang sweldo.

Sa halip na makatulong, lalo pang naragdagan ang utang ng kapatid ko. Kulang na ang sweldo niya sa pagbabayad ng mga credit cards na ito. Ang masama, hindi nababawasan ang utang dahil kalimitan ay minimum payment lang ang nababayaran niya.

Magandang tingnan ang credit card sa umpisa. Unang-una, maliit ang tubo nito kumpara sa iba at may interest-free purchases pa kung mababayaran mo ito sa loob ng 60 days. Kaya lang, imposible mo itong mabayaran kapag lumaki na ang utang mo. At dahil sa card mong dala, kahit wala kang pera, pwede kang mamili. Ang siste, hindi mo na masosoli ang binili mo kapag nagbago ang isip mo. Hindi tulad kung cash ang pinambili mo.

Kaya payo ko sa mga OFW sa Gitnang Silangan kung saan madaling makakuha ng credit cards, 'wag na nating pangarapin. Mababaon lang kayo sa utang. Hindi rin gaganda ang inyong credit rating sa pagdating ng panahon...

Monday, May 17, 2010

Willie Revillame - Nagresign na sa ABS-CBN?!

Ito ang balitang nais mabasa o marinig ng mga taong bumabatikos sa kayabangan ng Wowowee host na si Willie Revillame. Alalahaning nagbitaw ng salita si Willie na aalis sa ABS-CBN kung hindi patatalsikin ang The Buzz co-host na si Jobert Sucaldito.

Dahil hindi naman tinitigbak si Jobert, dapat lang na panindigan ni Willie ang kanyang salita dahil " meron pa namang ibang istasyon!"

Sa dami ng mga taong nais patalsikin si Willie sa Wowowee matapos ang pagho-host ng Idol na si Robin Padilla, nasa balag ngayon ng alanganin ang ABS-CBN. Resbak ng mga maka-Willie kaya raw kokonti ang kumakampi sa TV host ay dahil mahihirap ang kanyang kakampi at ang mga ito ay walang kompyuter sa bahay o pambayad sa mga internet cafe.Hindi tuloy sila makaboto sa online voting...

Rima Fakih - Miss USA 2010

Nahirang na Miss USA 2010 ang isang dilag mula sa Dearborn, Michigan,USA sa koronasyong ginanap sa LAs Vegas, Nevada noong Linggo, ika-16 ng Mayo, 2010. Siya ay si Rima Fakih, 24 na taong gulang na isang Lebanese-American. Si Rima ang pambato ng Amerika sa gaganaping Miss Universe 2010 sa Las Vegas, Nevada pa rin sa darating na Agosto 22,2010

Wednesday, May 12, 2010

NOYBI umaarangkada pa rin!

Heto ang pinakahuling resultang inilabas ng Comelec sa ganap na ika-7:37 ng umaga, 12 May 2010. Makikitang nangunguna pa rin si Sen. Noynoy Aquino sa pagka-presidente at Jejomar Binay sa pagka-bise presidente: (Source:http://www.gwabble.com/1707/philippines-election-2010-results-current-update-partial-tally/)

Halos ganito rin ang resultang inilabas ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPRCV). (Source:http://www.abs-cbnnews.com/nation/05/12/10/noynoy-binay-keep-lead-latest-ppcrv-tally)

FOR PRESIDENT (based on PPCRV tally as of 12:44 p.m., May 12)

Benigno Aquino III
13,600,181
Joseph Estrada
8,621,721
Manuel Villar Jr.
4,923,514
Gilbert Teodoro Jr.:
3,626,146
Eduardo Villanueva
1,011,326
Richard Gordon
462,158
Nicanor Perlas
48,352
Jamby Madrigal
41,542
JC de los Reyes
39,543

FOR VICE-PRESIDENT (based on PPCRV tally as of 12:44 p.m., May 12)

Jejomar Binay
13,274,470
Manuel Roxas
12,481,973
Loren Legarda
3,730,471
Bayani Fernando
926,530
Edu Manzano
696,584
Perfecto Yasay
326,712
Jay Sonza
56,900
Dominador Chipeco
46,774

PRESIDENTVOTES
AQUINO, Benigno III13,036,094
ESTRADA, Joseph Ejercito8,345,794
VILLAR, Manuel Jr4,680,508
TEODORO, Gilberto Jr3,470,044
VILLANUEVA, Eddie976,176
GORDON, Richard446,193
PERLAS, Nicanor46,139
MADRIGAL, Maria Ana Consuelo39,847
DE LOS REYES, John Carlos37,726
VICE PRESIDENTVOTES
BINAY, Jejomar12,802,159
ROXAS, Manuel II11,949,767
LEGARDA, Loren3,563,718
FERNANDO, Bayani891,300
MANZANO, Eduardo662,687
YASAY, Perfecto314,431
SONZA, Jay54,605
CHIPECO, Jun44,777

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...