Nais ko sanang ipagpatuloy ang paghuhulog sa SSS (Social Security System). Ang kaso, tuwing bibisitahin ko ang website nito sa http://www.sss.gov.ph/ ay naiirita lang ako. Unang-una, tuwing iki-click ko yong bagong contribution schedule for 2008 para malaman ko kung magkano ang aking ihuhulog kung sakali ay HINDI NAMAN MABUKSAN-BUKSAN ang page na ito! Sabihin nang maraming gumagamit, pero pwede ba - IPASKEL nyo na lang sa FRONT PAGE ng inyong webpurok ito para makita agad ng may nais maghulog muli. GRRRRRRRRHHHHHHHHH!!!!!
Alam kong hindi ako nag-iisa sa hinaing na ito. Sa mambabasa ng blog, kapag nakuha ko na ang contribution schedule na ito, ipapaskel ko sa blog ko.
Heto 10 minutes na, hindi pa rin mabuksan-buksan ang page na ito. Nagdadalawang-isip tuloy ako kasi baka sa bagal ng website na ito, mas mabagal pa ang kanilang serbisyo.
No comments:
Post a Comment