Sunday, February 6, 2022

LTO Driving License Written Examination Reviewer in Filipino - Part 1

Ang nasa ibaba ay halimbawa ng mga tanong na maaaring lumabas sa pagsusulit sa LTO sa mga nagnanais kumuha ng lisensya, non-professional o professional man.

Panuto:

Piliin ang titik ng tamang sagot.



1. Ang tamang gulang sa pagkuha ng lisensyang Non-Professional ay:

a. 18 taong gulang
b. 17 taong gulang
c. 16 taong gulang


2. Sa paglipat-lipat ng linya, dapat sumenyas, tingnan ang rear view mirror at:

a. Bumusina
b. Sindihan ang headlight
c. Tingnan kung may parating na sasakyan


3. Ang isang may lisensya ay maaaring magmaneho ng:

a. Kahit anong uri ng sasakyan
b. Sasakyang nakasaad sa lisensya
c. Pampasaherong sasakyan lamang


4. Ano ang ibig sabihin ng berdeng arrow signal trapiko?

a. Hindi pinapayagan ang pagpasok sa interseksyon na itinuturo ng arrow
b. Nagpapahintulot sa mga sasakyan na kumaliwa o kumanan
c. Nagpapahintulot sa pagtawid ng mga taong tatawid


5. Sa naka-motorsiklo na may balak lumiko pakanan, dapat gamitin na senyas ay:

a. Kanang kamay na diretsong nagtuturo pakanan
b. Kaliwang kamay na nakataas
c. Kanang kamay na nakataas


6. Ang kailangang gulang ng isang aplikante sa Professional Driver’s License ay:

a. 17 taong gulang
b. 18 taong gulang
c. 21 taong gulang


7. Kung ikaw ay palabas ng freeway, ano ang dapat mong i-tsek?

a. sukatan ng gasolina
b. hangin ng gulong
c. iyong tulin o bilis

8. Ipinagbabawal ang paglusot (overtaking) sa paanan ng tulay sapagkat:

a. Makipot ang tulay
b. Mapanganib at hindi nakikita ang sasakyang kasalubong
c. Hindi makikita ang mga tumatawid


9. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?


a. Huminto ka
b. Bawal pumasok
c. Magdahan-dahan


10. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

 

a. Babala ng daang tren 
b. Istasyon ng first aid
c. Babala ng sangandaan

--o0o--

ANSWERS:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...