Thursday, January 13, 2022

Kaso ng Covid-19 sa Pilipinas, Patuloy na Tumataas

        Patuloy na tumataas ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas. Ito ay bunsod na rin na pagpasok ng omicron variant sa bansa. Dahil sa mabilis na pagkalat ng variant na ito, nararanasan na rin ng Pilipinas ang biglang pagdami ng mga kaso ng Covid-19 kahit na nga ngkaroon na ng herd immunity ang ilan sa mga bansa sa mundo.

Pres. Rodrigo Duterte
(Image from https://time.com)

        Bukod sa omicron, isa pang nakikitang dahilan ng paglaganap ng bayrus ay ang muling pagbubukas ng mga negosyo. Isa pa, dahil mild lang o walang sintomas ng sakit ang mga nabakunahan na, itinuturing na lang itong simpleng sipon o lagnat kung kaya't ang mga may sakit ay patuloy na gumagala sa komunidad. Dahil dito, halos pami-pamilya ang nagkakasakit.

        Kahit hindi malala ang sintomas ng omicron variant, mapanganib pa rin ito sa mga matatanda at sa mga taong may mga karamdaman at mahina ang immune system. Ito ang dahilan kung bakit lubos na pinag-iingat ang lahat. Ituring na Covid-19 ang sakit kahit simpleng ubo o sore throat lang ito. Iwasang makihalubilo sa miyembro ng pamilya habang may sintomas. Laging maghugas ng kamay. Magsuot ng mask kung kinakailangan. Magpabakuna.

        Masasabing ang nailalathalang bilang ng kaso sa mga pahayagan, telebisyon, at social media ay mas mababa sa tunay na kaso dahil na rin sa hindi magpapa-test ng karamihan sa mga posibleng may sakit dahilan na rin sa kamahalan ng swab test. Ito rin ang malaking dahilan kung bakit mahihirapan ang pamahalaan na kontrolin ang paglaganap nito. Noong January 12, 2022, ang naitalang kaso ay 32,161 nguni't tinatayang lalampas ito sa 100,000 kada araw sa susunod na mga araw.

        LUBOS NA MAG-INGAT!


RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...