Sunday, November 7, 2021

Mga Gabay sa Pagtatayo ng Negosyo

            Eksayted ka na dahil sa pag-iipon, mag-aproba ng iyong inuutang, o dahil binigyan ka ng pera ng isang kapamilya o kamag-anak ay mayroon ka ng puhunan para sa pinapangarap mong negosyo. Sa susunod na mga araw ay makapagtatayo ka na ng isang sari-sari store, karinderya, ihaw-ihaw, panaderya, at iba pa.

(Image from http://www.filentrep.com)

            Marami ang nagsasabi na kung anuman ang papasuking negosyo dapat ay may sapat tayong kaalaman tungkol dito. Kailangang gusto natin ang uri ng negosyong ating papasukin upang lagi tayong masaya habang pinamamahalaan ito. Bukod sa mga nabanggit, kailangan natin isaalang-alang ang anim pang P’s sa pagnenegosyo.

 

1. Product

            Ano ang produktong iyong ibebenta sa merkado?

            Ano ang kaibahan ng iyong produkto sa iyong kakumpetensiya?

            Bakit bibilhin ang iyong produkto kaysa sa produkto ng iba?

            Maganda at malinis ba  ang packaging at display counter ng iyong produkto?

 

2. Price

            Ano ang presyo ng iyong produkto?

            Ano ang basehan ng iyong presyo?

            Ano ang iyong presyo kumpara sa iba?

 

3. People

            Ano-ano ang mga tauhan?

            Sila ba ay may sapat na kaalaman, kakayahan, at karanasan sa iyong                             itatayong negosyo?

            Sapat ba ang kanilang sasahurin at mga benepisyo?

            Anong mga katangian ang nais mo sa kanila?

            Sila ba ay ligtas sa sakit, sakuna, at kapahamakan?

            Ano-ano ang mga patakaran na dapat sundin ng iyong mga tauhan?

 

4. Place

            Saan mo itatayo ang iyong negosyo?

            Marami bang taong dumaraan sa iyong puwesto?

            Malinis ba, maaliwalas,  at kaaya-aya ang iyong puwesto?

            May sapat ka bang kakayahan na upahan buwan-buwan ang iyong                                     puwesto?

            Anong mga kagamitan ang ilalagay mo sa iyong puwesto?

            Ligtas ba sa sunog, kalamidad, at pagnanakaw ang iyong puwesto?

 

5. Promotion

            Paano mo ipapakilala ang iyong negosyo at produkto?

            Paano mo hihikayatin ang iyong mga parukyano upang pumunta sa iyong                         tindahan at bumili ng iyong produkto?

Anong promo ang iyong isasagawa sa hinaharap?

 

6. Profit

            Sapat ba ang tubo na idaragdag mo sa presyo ng iyong produkto?

            Kailan mo mababawi ang iyong puhunan ayon sa iyong tutubuin buwan-                        buwan?

            Magkano dapat ang iyong tubo araw-araw upang mabayaran mo ang iyong                     mga tauhan at upa sa puwesto?

            Magkano ang tubo buwan-buwan upang ipagpatuloy mo ang iyong negosyo?


            

        Kapag nasagot mo nang maliwanag ang mga katanungan sa itaas, itala ang mga ito sa isang business plan. Kailangan nating magkuwenta upang masigurong hindi tayo malulugi. Itala ang mga paunang gastusin sa pagsisimula ng negosyo tulad ng mga makina at kagamitang gagamitin. Pangalawa, itala ang mga direktang sangkap ng ating produkto at ang mga aytem kung paano ito ipoproseso, ibabalot o ididisplay. Pangatlo, itala ang mga bayarin sa isang buwan, tulad ng sahod ng mga tauhan, upa sa puwesto (kung meron), bayad sa tubig at kuryente, atbp. Pang-apat, itala ang mga produkto at ang mga presyo nito at kung ilan ang ipagbibili natin sa araw. Ayon sa pagbebentahan sa isang buwan, ibawas ang mga gastusin sa isang buwan at mga sangkap upang matukoy ang tutubuin sa isang buwan. Masaya ka ba sa kinalabasang tubo. Kung oo, handa ka ng magnegosyo? Kung hindi, pag-aralan muli kung magtatayo ka nga ng negosyo o hindi.

        Good luck!

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...