Sunday, October 10, 2021

Mga Taong Grasa, Nawawala sa Lansangan Dahil sa mga Vloggers

Nawawala sa  lansangan ang karamihan sa mga tinatawag  na "taong grasa" dahil sa mga vloggers na nais silang "sagipin". Mapapansin na kadalasan sa mga nagte-trend ngayon at umaani ng libo-libo kundi man milyon-milyong views sa YouTube ay may kinalaman sa mga natutulungang mga tao sa lansangan na may dipresensya sa pag-iisip kung hindi man hirap na hirap sa buhay.

Nagsimula ang kalakarang ito nang magtuunan ng pansin ng mga charity vloggers na kinabibilangan nina Techram, Hungry Syrian Wanderer, ForeignGerms, Val Santos Matubang, Kalingap Rab, Pugong Byahero, at marami pang iba, ang mga taong ito. Dahil sa kanilang mga video ay natagpuan ng mga kaanak ng mga taong grasang ito. Gayundin, marami sa kanila ang unti-unti kundi man lubusang gumaling sa kanilang sakit.

"Techram" Manalastas

Nakatutuwa ang pangyayaring ito dahil nabibigyan ng tulong ang ating mga kaawaawang kababayan na naging tahanan na ang lansangan. Kung hindi sila napag-uukulan ng sapat na pansin ng pamahalaan, mayroon naman tayong mga vloggers na handa silang tulungan.

                                Kalingap Rab at Kuya Val Santos Matubang

Dahil umaani ng maraming views na may katumbas na salapi ang mga bidyong ito, lalo pang dumami ang mga vloggers na nagnanais makahanap ng mga taong grasa at mga pulubing naglipana sa kalsada. Ang lahat ay handang tumulong kapalit ng salaping maitutulong pa nila sa iba. 

Basel Manadil "Hungry Syrian Wanderer"

Sana naman ay hindi lang panandalian lang ang hangaring ito ng mga YouTube vloggers. Nawa ay panmatagalan ang kanilang adhikaing ito upang tumulong. Hindi sana nakatuon sa dami ng views ang kanilang pagtulong kundi bukas sa kanilang puso. Sana ay ipagpatuloy pa nila ang kanilang nasimulang gawain nang walang hinihinging kapalit.

Paul Joseph Tesalona "Pugong Byahero"

Kung tuluyan mang mawala sa mga lansangan sa buong Pilipinas ang mga taong grasa ito ay dahil sa mga vloggers na binibigyan sila ng pag-asang mamuhay nang normal. Hindi po sila kinidnap ng mga taong nasa loob ng van na puti na nais ipagbili ang kanilang mga laman-loob. Gayunman, sana ay magising ang ahensya ng pamahalaan na siyang natukahan upang bigyang solusyon ang problemang ito.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...