Friday, May 14, 2021

Malawakang Giyera sa Middle East, Kinatatakutan

Hindi lang ang pinsala ng Covid-19 ang pinoproplema ng mundo sa ngayon kundi ang posibleng malawakang giyera sa Gitnang Silangan. Ito ay simula nang magkainitan ang mga Israelis at Palestinians sa Jerusalem sa isang protesta matapos ang planong pagpapaalis ng Israel sa ilang pamilya ng mga Palestino sa lugar noong isang linggo.


Ang demonstrasyon ay sindundan ng hagisan ng mga bato, silya , stun grenades at tear gas sa paligid ng Al Agsa Mosque, isang banal na lugar para sa dalawang kampo. Noong Lunes, nagpakawala ng mga rockets ang Hamas. Ginantihan ito ng Israel noong Martes kung saan isang apartment building ang tinamaan kung saan tatlong miyembro ng Islamic Jihad militant group angn nasawi, kabilang na ang 10 bata at isang babae. Nasundan pa ito ng pagbagsak ng 12 palapag na gusali kung saan nag-oopisina ang Hamas.  Gumanti rin ang Hamas at nagpaulan ng daan-daang rockets kung saan tatlong babae ang namatay at maraming nasugatan. Isang rocket ang tumama sa isang bus na ikinasugat ng tatlong katao kabilang na ang isang batang babae. Sa kasalukuyan, 35 Palestino na ang namamatay magmula nang maulit ang karahasan. 


Nagsisikap ang United Nations, Qatar, at Egypt na muling namumbalik ang katahimikan sa pagitan ng mga Israelis at Palestino. Nagpahayag naman ang Amerika na karapatan ng Israel na ipagtanggol ang bansa nito.

Nababahala ang mga eksperto at pinuno ng mga bansa na kung hindi magkakasundo ang Israel at Palestine ay posibleng maging malawakang giyera ang maganap sa Gitnang Silangan. Matatandaang pitong bansa sa Gitnang Silangan ang nagsanib puwersa laban sa Israel noong ito ay maging isang bansa. Kabilang dito ang Egypt, Jordan, Syria, Saudi Arabia, Iraq, Libya, at Lebanon.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...