Tuesday, March 23, 2021

Jarryd Hayne, Guilty of Rape

Hinatulang ng guilty verdict sa kasong rape ang dating NRL player ng Parramatta Eels na si Jarryd Hayne kahapon, Lunes, ika-22 ng Marso, 2021. Ang hatol ay ibinaba ng Sydney jury matapos magkaroon ng hung jury noong nililitis ang kaso sa Newcastle. Nag-ugat ang kaso ng magreklamo ng dalawang beses na panggagahasa ang isang 26 taong gulang noong babae laban sa manlalaro sa bahay nito sa Newcastle noong Nobyembre 2018. Ang akusang ito ay itinanggi ng player nguni't inamin niya ang sinabi ng babae sa kanya na hindi siya payag na magkaroon  sila ng pagtatalik subali't nang pumayag na maghalikan sila ay naganap umano ang consensual oral at digital sex. Nakatakda ang pagbibigay sentensiya kay Hayne sa ika-6 ng Mayo, 2021 kung saan maaari siyang hatulan ng 14 na buwang pagkabilanggo sa bawa't kaso ng panggagahasa.

Jarry Lee Hayne

Ang 33 taong gulang na si Hayne ay kakakasal lamang noong January 26, 2021 sa kanyang live-in partner na si Amellia Bonnici. Sila ay nagkaroon ng anak na babae noong 2017 na may pangalang Beliviah Ivy.

Sa tala ng Wikipedia, si Jarryd Lee Hayne (ipinanganak noong 15 Pebrero 1988) isang dating propesyonal na putbolista sa liga sa rugby na huling naglaro para sa Parramatta Eels sa National Rugby League. Naglaro rin siya ng American football at Rugby Union 7 sa pinakamataas na antas. Isang manlalaro ng Australia international at Fiji International at New South Wales State of Origin bilang fullback o sentrol dati siyang naglaro para sa Gold Coast Titans at sa koponan ng NRL All Stars. 

Nagwagi siya ng Dally M Medal noong 2009 at 2014 bilang manlalaro ng NRL ng taon, at ang International Player of the Year award ng Rugby League International Federation noong 2009. Nakakuha ng malaking pansin si Hayne nang gawin niya ang paglipat mula sa isa sa nangungunang manlalaro ng NRL upang isang rookie sa 2015 NFL season kasama ang San Francisco 49ers. Sa pagtatapos ng panahon, tinapos ni Hayne ang kanyang karera sa NFL. Bago bumalik sa NRL, kinatawan din ni Hayne ang Fiji sa Rugby Union 7.

Sa pagkakahatol kay Jarryd, napatunayan dito na timbang ang hustisya sa Australia. Nagpapahiwatig ito na pantay ang tingin ng pamahalaan sa bawa't mamamayan ng bansa, mayaman man o mahirap, pamoso man o ordinaryong tao. Sa pagbaba ng hatol sa sikat na manlalaro, marami rin ang nanlumo sa sinapit ni Jarryd. Hindi sila makapaniwala na magagawa ng manlalaro ang mang-rape dahil sa angkin nitong yaman at kakisigan. Hindi na niya kailangan pang manggahasa kung "sex" nga lang ang habol niya dahil maraming mga babae ang may pagtatangi sa kanya. Gayunman, hindi rin nila masisi si Hayne dahil nga maraming maling desisyon ang idinudulot ng alak. Ang sabi ng mga Filipino, "kapag may alak, may balak". 

Nawa ay maging babala sa mga sikat na manlalaro ang sinapit na ito ni Jarryd Hayne. Huwag nilang akalain na porke sikat sila ay maaari na nilang kunin ang nais nilang ibigin. Sundin nila ang nais mangyari ng babae. Kapag sumigaw ng "hindi", ayaw niya ang nais mangyari.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...