Friday, August 21, 2020

TAGLISH Version ng Bible New Testament, Binatikos?!

        Binatikos at kinwestyon, kung hindi man tuluyang kinundena ng ilang Pilipino ang pagsasalin sa Taglish o pinaghalong Tagalog at English ang Bagong Tipan ng Bibliya. Ang pagsasalin ay isinagawa sa pagtutulungan ng mga kasapi ng iba’t ibang simbahan. Ang New Testament Pinoy version ay isinalibro at inilimbag ng Philippine Bible Society (PBS). Ang aklat ay mabibili sa website at online store ng St Pauls (trademark ng Society of St. Paul) sa halagang P145.00.


          Naging kontrobersyal ang pagsasalin ng Bagong Tipan dahil sa makabago nitong lenguwahe. Ilan sa mga salin sa Taglish ay ang mga sumusunod:

After ilang minutes, may nakapansin ulit kay Peter at sinabi sa kanya, ‘Isa ka sa mga kasamahan nila.’ Pero sumagot si Peter, “Hindi po ako ‘yun, sir!” After one hour, may lalaking nag-insist, “Sure ako, kasama ni Jesus ang taong ito, kasi taga-Galilea din sya.” (Luke 22:58-59)

“Sobrang na-shock ako sa inyo. Ang dali n’yo namang tinalikuran ang Diyos. Imagine, sobrang bait n’ya at pinadala n’ya si Christ sa atin. Ang Diyos mismo ang pumili sa inyo, tapos ngayon, ine-entertain n’yo ang ibang Gospel?” (Galatians 1:6)

Dahil sa kakaibang istilo ng pagsasalin at paggamit ng slang kung kaya’t naunsyami ang ilan lalo na ‘yong mga manang o manong. Welcome sa kanila ang makabagong bersyon pero dapat naman daw ay “mas pino” ang ginamit na pananalita.

Ayon sa naglimbag ng NT Pinoy version, ang layunin ng makabagong pananalitang ginamit ay upang mailapit sa mga kabataan ang “Salita ng Diyos” kung kaya’t ang lengguwaheng ginamit ay ‘yaong pang-araw-araw nating naririnig sa kanila. Ayon pa sa publisista, sinunod nila ang panuntunan ng United Bible Societies (UBS) sa pagsasalin dahil ang NT Pinoy version ay:

1. tapat sa nilalaman ng UBS Greek New Testament 5th edition na textual base nito at sumusunod ito sa approach sa pagsasalin sa wikang Griyego na kung saan ang pangngalan o noun ay naisasalin sa pangngalan, at ang pandiwa o verb ay sa pandiwa rin;

2. wala itong pagkiling sa doktrina ng alinmang religious groups; at

3. madali itong naunawaan.

Ilan sa mga komento na pabor at hindi sa makabagong translation ng Bagong Tipan ay ang mga sumusunod:

This Pinoy Nt Version is not big issue. Ang mahalaga naisasabuhay natin ang bawat sa salita.”

This Taglish version of the Bible is dangerous. I laughed at the bread dipped into the sauce ("tinapay na isinawsaw sa sauce"). The metaphors of the past were very different from modern and postmodern perspectives. When mixed with Vice Ganda's churva or kabaklaan the meaning of the 'sauce' may be different.”

Sorry, but it feels like reading a comic. It sounds so informal. As if you're you're just reading an ordinary and entertainment book. While in the first place the BIBLE IS NO JUST AN ORDINARY BOOK and it's not written for entertainment purpose.”

Ang aking pananaw sa usaping ito: hindi naman talaga mahalaga kung bakit at paano isinalin ang Bagong Tipan dahil noon pa naman ito ginagawa, lalo pa’t hindi naman natin mababasa at lubos na mauunawaan ang orihinal na teksto. Kung maaari man, paano tayo makatitiyak na iyon nga ang tamang salita o kahulugan nito? Nakadepende kasi ang pagsasalin sa intelihente at integridad ng nagsasalin o translator. Ang mga salita ba ay nakabase sa tunay na kahulugan nito o sa saloobin lamang o interpretasyon ng tagasalin? Hindi kaya nabawasan ang orihinal na teksto o naragdagan at nabawasan ayon sa namumuno noong mga panahong iyon?

Dahil nga sa iba’t ibang translation ng Bibliya, nagkaroon tayo ng iba’t iba ring interpretasyon na naging sanhi upang magkaroon ng napakaraming religious orders. Ang iba ay kanya-kanyang pasikatan, binabatikos ang ilang samahan, at/o hayagang inaalipusta ang mga pinuno at kasapi ng isang sekta gayong IISA lang naman ang pinagmulan ng kanilang pinapangaral!

Mali man o masyadong makabago ang pagsasalin ng Bagong Tipan, hayaan natin na ang mambabasa ang humusga rito. Naantig ba siya sa kanyang nalaman? Naisapuso ba niya ang kanyang binasa? O naging katawatawa lamang ang kanyang karanasan?

Iba man ang porma ng bagong bersyon ay iisa naman ang layunin nito na ipalaganap sa sangkatauhan ang mga Salita ng Diyos. Sa wakas, ang lahat ng aral na nakapaloob sa Banal na Aklat ay tumutumbok lamang sa Sampung Utos ng Diyos dahil iyon lamang yata ang hindi nagkaroon ng iba’t ibang interpretasyon.

Ikaw kabayan, nabasa mo na ba ang New Testament Pinoy Version? Ano ang masasabi mo rito?

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...