Saturday, September 9, 2017

Kuro-Kuro: Sagot at Tanong kay Kevin Mandrilla Sa Pagsasabing Makakapal ang Mukha ng mga DDS

Nasa ibaba ang isinulat na saloobin (nakasulat sa pula) ni G. Kevin Mandrilla sa kanyang Facebook account noong ika-6 ng Setyembre, 2017  kung saan inakusahan niya yaong mga lalaban para sa hustisya na makakapal ang mga mukha. Dahil sarili niyang opinyon, hindi ko kinukwesyon iyon dahil may karapatan naman tayong ibulalas ang nasa loob natin. Gayunman, dapat ay binasa muna niyang mabuti ang kanyang isinulat bago niya ito pinabasa sa buong mundo.


Dahil may karapatan din naman ako sa aking opinyon at kuro-kuro, narito ang aking komento sa kanyang pinagsasabi:

Unahan ko na — sa lahat ng magrereklamo sa mga lalaban para sa hustisya, para sa mga batang pinatay sa ilalim ng administrasyon na ito, gusto ko lang sabihin na ang kapal ng mukha niyo. No, seriously, ang kapal niyo.

Nakikiisa ako sa iyo sa prinsipyo mo tungkol sa hustisya. Sa pagkakaalam ko naman ay walang Pilipino ang hindi naghahangad na makuha ang hustisya. Wala akong alam kung sino ba ang inaakusahan mong lumalaban sa hustisya kundi yaong mga sumusuporta kay Presidente Duterte. Sa iyong kaalaman, ang pagsuporta kay Digong sa laban niya sa droga ay hindi nangangahulugang paglaban sa hustisya. Ang pagsuporta sa kanya ay hindi ibig sabihing kinukunsinti namin ang kapalpakan ng ilang pulis sa pagpapatupad ng kanyang adhikain. Isinisigaw rin namin na imbestigahang mabuti ang mga pulis na sangkot sa mga kuwestyonableng pagpatay tulad nang nangyari kay Kian Delos Santos. Dapat silang panagutin sa krimeng ginawa kapag pinagtibay ng mga ebidensya at hinatulan ng korte. Hindi namin sinasang-ayunan ang pagmamalabis ng kapulisan mapabango lang ang kanilang pangalan. Lagi nang binabanggit ni Digong na suportado niya ang mga pulis hanggang ginagawa nila ang kanilang tungkulin nang naaayon sa batas. Dahil dito, hindi marapat at matuwid na pagsabihang makakapal ang mga mukha ng mga taong sumusuporta sa kanya, lalo na ang mga ito ay kabilang sa mga Pilipinong nagtaguyod sa iyong pag-aaral. Salatin mo muna ang iyong mukha para malaman mo kung sino ang mas makapal sa atin.

Oo, kasama diyan ang mga kaibigan o kapamilya ko na mga Ka-DDS. Lalo na 'yung walang ibang masabi kundi "paano 'yung mga na-rape?" — kumita na 'yan. Nagmumukha lang kayong ewan.

Salamat naman at nilahat mo ang pagparatang sa kakapalan ng mga mukha ng mga Ka-DDS kabilang ang iyong mga kaibigan at kapamilya. Natutuwa ako dahil nangangahulugan lang na wala kang kinikilingan at sinisino. Gayunman, hindi ako kumbinsido sa pagparatang mo sa mga taong nagsasabi ng “paano ‘yung mga na-rape?”. Dapat ay kinuha mo muna kung saang konteksto at pagkakataon nila sinabi ang pangungusap na ‘iyon. Baka iyon ay dahil sa mga komento o pagpapakyut lamang ng ilang pulitiko sa pamimili ng kung sino ang dapat bigyan ng pansin sa media lalo na’t pinaiigting nito ang kanilang pansariling kapakanan at adhikaing wakasan ang pamumuno ng inihalal ng maraming Pilipino at hindi ng mga hocus-PCOS machines. Ano nga ba ang masasabi mo kung ang mga pulitiko ay nakiramay sa isang namayapang magpapabango sa kanilang agenda? Paano nga naman ‘yung mga na-rape ng mga durugista? Bakit hindi sila nakisimpatiya sa mga naulila ng mga ito? Bakit namimili sila ng mga dadamayan gayong parehong krimen ang naganap? Selective sympathy at selective justice, gano’n ba? Hindi ewan ang tawag sa mga taong ganoon. Merong maaaring itawag sa ganoong paggibik. Naghahanap sila ng tunay at patas na simpatiya. Walang kinikilingan. Lahat ng biktima ng krimen ay dapat imbestigahan at bigyan ng kaukulang pagtingin.

Sino bang naiisip niyo na natutulungan ng mga ganyang klaseng statements? 'Yung na-rape ba? O ang mga abusadong pulis? Kung hindi pa malinaw sa inyo kung ano talaga ang ginagawa niyo, let me do the honor: kayo ang tunay na protektor ng mga kriminal.

Wala pa ngang natulungan ang ganitong klaseng statement dahil ang pangungusap na ito ay nakadirekta sa mga taong namimili ng hustisya at namimili ng bibigyan ng simpatiya. Bakit nga naman dumalaw ka sa lamay ni Kian gayong hindi ka dumamay sa libing ng isang biktima ng rape gayong pareho naman silang biktima rito? Nangangahulugan lamang nito na ang mga taong sumisigaw ng hustisya ay namimili lamang. Hindi absolute justice for all victims ang hanap nila kundi selective justice lamang, p’wede ba ‘yon? Mayroon silang tinititigan at tinitingnan lamang. Hindi patas ang kanilang pagtingin sa iisang bagay. Hindi pa lubusang nalilinis ang kapulisan sa buong Pilipinas. Marami pa rin ang nahirati sa naunang administrasyon. Hindi madaling tanggalin ang mga libag na hinayaan sa katawan ng mga pulis sa loob ng 30 taon.

Hindi nakapagtataka kung maraming magalit sa mga pulis at sa pattern ng pagpatay. Ang mas nakapagtataka bakit pinipili niyong magbulag-bulagan eh harap-harapan na tayong niloloko ng mga pulis.

Talagang maraming magagalit sa mga pulis at sa pattern ng pagpatay kung ito ay malawakan at hindi pailan-ilan lang. Gayunman, hindi nangangahulugang kinakampihan ng mga Ka-DDS ang mga pulis na palpak ang pagpapatupad sa war on drugs ni Digong. Dapat silang litisin at panagutin sa kanilang nagawang kasalanan. Kaya mali ang paratang mong nagbubulag-bulagan ang mga taong sumusuporta kay Digong. Hanap din namin ang hustisya pero hindi hustisyang pinipili lamang.

Hindi porke't naka-uniporme ay hindi na pwedeng maging salot sa lipunan. Sana lang 'yung galit niyo sa mga rapist, eh kasing taas din ng galit niyo sa mga taong kayang pumatay ng bata, saksakin ito ng 30 beses, at itapon sa creek. At sana galit din sa mismong pasimuno. 'Di niyo ba natatanong kung paano nangyari ito? Hindi niyo ba ma-connect ang mga bagay-bagay?

Lahat ng tao, naka-uniporme man o hindi ay maaaring maging salot sa lipunan. Karamihan pa nga ay yaong may kayamanan at nakapag-aral ng mataas. Hindi lang kami galit sa mga rapist, galit din kami sa mga taong pumapatay sa mga inosente. Pero ang ibang pulitiko, ipinakikita nilang galit sila sa mga inosenteng biktima ng krimen pero nagsasawalang-kibo sa mga tunay na biktima. Hindi ko nabasang lahat ang mga posts mo sa FB pero ikaw ba ay gumawa ng opinyon tungkol sa mga biktima ng mga drug addicts, drug lords at drug protectors? Sinabihan mo ba sila na makakapal ang mga mukha?
At bakit gusto mong magalit ang mga tao sa nagpasimuno ng giyera kontra droga gayong hindi naman niya kinukunsinti ang kalabisan ng kapulisan? Hindi talaga namin natatanong at ma-connect ang mga bagay-bagay na ibig mong sabihin dahil malabo ang pinupunto mo. Ang kasalanan ba ng anak ay kasalanan din ng ama? Kung ganito ang prinsipyo mo, tiyak na lalong magsisikip ang mga kulungan.


Sabi nga kung ahas lang ang "pattern" ng pagpatay sa administrasyon na 'to, eh tinuklaw na kayo. Kahit anong iyak ni Persida Acosta o ni Bato, hindi nila mabubura 'yan. Davao days pa lang ni mayor ganyan na ang sistema.

Marahil nga ay natuklaw na ang mga Ka-DDS kung ahas nga ang parisan ng pagpatay(?) sa administrasyon ni Digong. Hindi nga mabubura ng pag-iyak ni Persida Acosta o ni Bato ang mga nangyaring patayan(?). Maniniwala ako sa iyong pag-akusa (hindi na ito opinyon lang) na Davao days pa lang ni Digong ay ganyan na ang sistema kung may mailalabas kang ebidensya. Nanirahan ka ba sa Davao City para masabi ito? Ano ba ang sistemang sinasabi mo? Pakidetalye lang nang malaman at maunawaan ng nakararami.

Marami nang buhay ang nawala. Ang paghingi ng hustisya para sa biktima ng war on drugs ay hindi nangangahulugan na wala na tayong pakialam sa biktima ng mga ordinaryong krimen. Ang pagtawag na itigil ang patayan ay hindi parehas sa pagsuporta sa drugs. Magkaibang bagay 'yang mga 'yan — pero isa ang nais natin: maayos na lipunan na may tunay na rule of law.
Tunay na marami ng buhay ang nawala. Karamihan sa kanila ay mga salot ng lipunan, na kayang kumitil ng buhay ng iba para masuportahan lang ang mga bisyo at magkamal ng salapi. Hindi lang paghingi ng hustisya para sa mga bikitma ng war on drugs ang suportado ng mga Ka-DDS kundi lahat ng biktima ng krimen. Wala silang pinipiling biktima na ipaglalaban o bibigyan ng simpatiya dahil pare-pareho silang mga Pilipino at nangangailangan nito. Wala namang pansariling mapapala ang mga supporters ni Digong sa kanyang kampanya kontra droga kundi ang mga pulitikong ginagamit ang mga pangyayari para sa pansariling kapakanan at ambisyon.

Mga tao at Pilipino tayo pare-pareho. Sana 'wag mawala ang pagiging tao at Pilipino niyo dahil lang mahal niyo ang presidente. Napakababaw. It's not worth it. Not now. Not ever. Uulitin ko, gumising na kayo.

Pare-pareho tayong tao at mga Pilipino pero hindi nawala ang pagkatao ng mga Ka-DDS dahil lamang sa pagsuporta nila kay Digong. Hindi kababawan ang mahalin ang isang taong nais mawala ang droga sa Pilipinas, Mahalaga ang makiisa ang bawa’t Pilipino sa adhikaing ito para mabawasan kung hindi man tuluyang mawala ang mga krimeng konektado sa droga.  Mas kailangan ang suportang ito sa ngayon at kailanman. Nais kong ulitin, matagal nang mulat ang mga Pilipinong nagnanais ng pagbabago. Kung meron mang inosenteng biktima ang nadawit sa labang ito ay aming ikinalulungkot gayundin ang kalungkutan namin sa mga tunay na biktima. Hindi naman maaaring maging UNO ang lahat ng giyera. Minsan ay nakakakuha rin tayo ng markang TRES, INC. at maging CINCO. Gayunman, dapat ay PATAS tayo sa pagsusuri. Hindi maaaring makita natin ang mga bagay-bagay kung may kulaba ang ating mga mata.

#SupportTheWarOnDrugs, #Justice4AllVictims, #NoToSelectiveJuctice, #NoToSelectiveSympathy

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...