Monday, October 3, 2011

Talentadong Pinoy Presents Talentadong Superstar


Naaliw ako habang pinapanood ang special edition ng Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo sa TV 5 ngayong Linggo, 02 October 2011. Pinamagatan ang edisyong ito bilang "Talentadong Syperstar" bilang pagpupugay sa nag-iisang superstar ng Pilipinas na si Miss Nora Aunor.


Lima ang naglaban-laban sa titulong "Talentadong Superstar" kung saan ang bawa't isa ay nagbigay ng interprestasyon sa talentado ng Superstar sa pamamagitan ng pagkanta, sayaw at akting. Unang sumabak sa entablado si Rey Pumaloy, isang showbiz reporter/columnist. "Anne B" ang tinaguri kay Rey kung saan ipinakita niya ang igorot, hula at disco dance, kung saan pinaghagisan talaga siya ng trodo-todo. Nakakuha siya ng 90, 90 at 87 na iskor mula sa mga scout na kinabibilangan mismo ni Miss Nora Aunor, ang anak nito kay Christopher De Leon na si Ian at ang direktor na si Joey Reyes. Ang iskor na ito ay ikatlong bahagdan lamang ng kabuuan dahil ang 2/3 ay magmumula sa mga jury na kinabibilangan ng 8 imbitadong hurado mula sa sambayanang Pilipino.

Ikalawang nagpamalas ng kanyang mala-Nora Aunor na akting si Jeffrey Del Mundo - isang avid fan ni Miss Aunor. Ipinakita niya ang kanyang pagganap bilang superstar sa mga pelikulang "Himala", "Minsa'y Isang Gamu-Gamo" at "Flor Contemplacion". Nakakuha ng iskor na 95, 95 at 88 si Jeff mula sa mga scout.

May bansag na "Joel at Pola' ang ipinakita ng magkaibigang sina Joel Arteta Olivero at Paul Blaco Laceda - mga sing-along master at stand up comedians. Ipinamalas ng dalawa ang kanilang pagkanta kung saan iba-ibang larawan ang ipinakikita ni Joel na may kinalaman sa lyrics ng inaawit ni Pola. 96, 85 at 87 ang nakuhang iskor ng dou mula kina Ian, Nora at Joey Reyes.

Sure winner na si Teri Onor - isang impersonator turned politician - sa kanyang pagmamamalas bilang "Sinang" kung saan gumanap siya bilang "Atsay". Bilib na bilib ang tatlong scout kaya nakatanggap si Teri ng iskor na 98, 97 at 99.

Huling nagpakita ng gilas si Ate Gay - isang impersonator din na kahawig sa boses ni Nora Aunor. Ginampanan ni Teri ang role ni Ate Guy sa "Flor Contemplacion" kung saann inawit niya ng theme song nito. Bilang nag-hang ang Youtube video na pinanonood ko kaya hindi ko alam kuung ano ang iskor ni Ate Gay at kung sino talaga ang tinanghal na "Talentadong Superstar". Kainis, di ba?

Tila bahaw naman o paos ang boses ni Miss Nora Aunor sa show. May ubo siguro siya. Halata ko ring tila nag-iba rin ang kanyang boses. Dala kaya ito ng pagtanda? Medyo nainitan ako sa suot ni Ate Guy na leather jacket pero nang maisip kong tag-ulan nga pala sa 'Pinas, inintindi ko na lang siya. Kainit kasi rito sa Saudi ngayon kaya bigla akong nainitan sa suot niya.

Panoorin natin dito ang Talentadong Pinoy Superstar edition dito:
http://www.legalmovz.info/2011/10/talentadong-pinoy-tv-5-october-02-2011.html

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...