Friday, September 30, 2011

Smoking Photo Nina Nora Aunor at Anne Curtis, Binatikos


Dalawang pamosong aktres na ang kinukondena ng Philippime Medical Association (PMA) hinggil sa pagpapakuuha nila ng larawang may hawak-hawak na sigarilyo. Naunang pinuna ang litrato ng Superstar na si Nora Aunor na lumabas sa Yes! Magazine. Sumunod na binatikos ay ang "Anne-bisyosa" at "No Other Woman" na si Anne Curtis na may hawak ding sigarilyo sa Rogue Magazine.


May karapatan ang PMA na batikusin ang mga aktres na ito dahil iniidolo sila ng maraming tagahanga. Maling senyales nga naman na ipakitang "cool" ang paninigarilyo dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan.

Ang puna ko lang, bakit walang bumabatikos sa mga gobyerno ng lahat ng bansa laban sa pagbebenta ng sigarilyo gayong bukas naman sa mga mata nila ang masamang epekto nito sa mga mamamayan.? Ang sagot? Ang sigarilyo kasi ang isa sa pangunahing kinukuhanan ng buwis ng mga gobyerno. Sa gobyerno ngayon sa Pilipinas, mas malabong ipagbawal ng pangulo ang paninigarilyo at ang sigarilyo mismo dahil siya mismo ay naninigarilyo.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...