Monday, September 26, 2011

Anne Curtis, "Anne-bisyosa"


Angkop na angkop ang pamagat ng CD ni Anne Curtis na "Annebisyosa" dahil kitang-kita naman kung paano niya ambisyoning umawit at makagawa ng CD (compact disc) o solo album kahit hindi naman gaanong kaayaaya ang kanyang tinig. Hindi rin maganda ang aking boses at hindi ako nanlalait subali't may karapatan naman akong magbigay ng aking opinyon base sa aking naririnig. 

Sa aking pandinig, tila pinipirasong yero ang boses ni Anne. Madalas ay sablay at hindi maabot ang nota. Kaya nga siguro pinamagatan niyang "Annebisyosa" ang kanyang CD dahil iyon ay naglalarawan ng katotohanan. Sa Pilipinas Got Talent noong Linggo, ika-25 ng Setyembre 2011, muling ipinarinig ni Anne ang kanyang makaalis-tutuling boses. Kung wala pang backup singers ay baka lalong nagwala ang magandang aktres. Magkagayunman, bilib din ako sa fighting spirit ni Miss Curtis. Talagang palaban siya. Kahit na nga nao-okray siya nina Vhong Navarro at Vice Ganda sa Showtime ay sige pa rin ang kanyang birit.

Siya, kayo na ang humusga kung may K ba itong si Anne na maging ambisyosang mang-aawit! 

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...