Friday, July 8, 2011
"Duterte's" Finger - Kinundena
Kinundena ng mga Pinoy sa iba't ibang panig ng mundo ang pagdi-"dirty finger" ng mga Duterte ng Davao City. Nauna nang nagpakita ng ganitong gesture si Vice Mayor Rodrigo Duterte matapos ipagtanggol ang pananapak ng kanyang mayor na anak na si Sara Duterte sa sheriff na si Abe Andres. Naganap ang kontrobersyal na boksing sa isang demolition operation kung saan hindi napagbigyan ang mayorya sa hinihiling nitong 2 oras na extension ng court order. Sinabi naman ni Andres na wala sa kanya kundi sa hukom dapat manggaling ang kautusan.
Sa isang interbyu, inulit lamang ni City Councilor Paul Duterte ang 'dirty finger" ng ama sa harap mismo ng mga mamamahayag. Naipakita sa madla na solido ang mga Duterte kahit hindi maganda ang kanilang ipinakikita. Sinabi pa ni Rodrigo Duterte na isang "freedom of expression" ang pagdi-"dirty finger". Masasabing totoo subali't hidi ito magandang halimbawang dapat ipakita ng isang namumuno sa bayan.
Sa halip na si Mayor Sara Duterte ang humingi ng paumanhin, si Abe Andres pa ang humingi ng "sorry." Maiintindihan ang reaksyong ito dahil gustong umiwas ni Andres sa mas malaking gulo. Alam kasi niyang wala siyang laban sa mga Duterte.
Sa ganang akin, natural din ang naging reaksyon ni Mayor Sara Duterte na magalit subali't hindi magandang halimbawa ang kanyang ipinakita. At dapat, humingi rin siya ng "sorry" dahil mali ang kanyang ginawa. Ipinakikita kasi rito na ayos lang ang kanyang naging reaksyon. Nagbabalak sa ngayon ang mga Dabawenyo na magdaos ng isang support rally para sa kanilang mayorya. Hindi kaya naka -"dirty finger" ang mga dadalo sa rally habang nagmamartsa?
Sus Ginoo!
Subscribe to:
Posts (Atom)
RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023
The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...
-
Members of the Alphi Phi Omega (APO) fraternity of UP Manila and Diliman held their traditional Oblation Run this December 2011. UP Manila ...
-
Ang edukasyon ay isang prosesong nagpapadali ng pagkatuto o ang pagkakaroon ng kaalaman, kasanayan, at magandang pag-uugali. Sa depinisyong ...
-
Kumpirmado na may jowa o boyfriend nga ang sikat na nanay nina Mark at Maycee matapos mapanood ang huling bidyo ni Kuya Val Santos Matubang ...