Buntis nga ang si Agua Bendita o Andi Eigenmann. Ito mismo ang pinatunayan ng kanyang inang si Jaclyn Jose sa isang interbyung naganap sa Antipolo kung saan nagte-taping ng Maalaala Mo Kaya ang beteranang aktres.
Hindi tuwirang sinabi ng ina ni Gabrielle ( sa Minsan Lang Kita Mamahalain ) ang pangalan ng ama ng bata subali't binanggit nito na ang dating kasintahan ang tatay ng ipinagbubuntis ng anak. Maaalala na si Albie Casino ng Mara Clara ang dating kasintahan ni Andi.
Ang nangyari kay Andi at sa iba pang kabataang babaing nabuntis na wala sa panahon ay pagpapakita lamang ng bumababang moralidad ng mga kabataan na isang malaking hamon sa Simbahang Katolika at sa pamahalaan. Ito ay dahil sa kawalan ng pagtuturo ng relihiyon at kagandahang asal sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Marami ang nakikisimpatiya sa nangyari kay Andi subali't hindi dapat ipagwalang-bahala na ang kanyang ginawa ay hindi maganda. Dahil dito, hindi siya nararapat na idolohin ng madla. Napabalita ring naging dalagang-ina ang kapatid niya sa ama at tila ipanagmamalaki pa ito ng dalaga. Maaaring purihin si Andi at ang kapatid nito sa pagpapatuloy nila sa kanilang pagbubuntis NGUNI'T dapat kondinahin ang kanilang pagtatalik ng hindi kasal. Sabagay, ganito rin yata ang nangyari sa kanyang inang si Jaclyn Jose nang pumatol ito sa may-asawa nang si Mark Gil noon.
Nagtataka rin naman ako kung bakit hindi pa binabanggit ng kampo ni Andi kung sino talaga ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Ang ina lang naman kasi ang nakakaalam kung sino ang nakabuntis sa kanya. Hindi naman siguro ito itatanggi ni Albie kung siya man.
Thursday, June 30, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)
RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023
The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...
-
Members of the Alphi Phi Omega (APO) fraternity of UP Manila and Diliman held their traditional Oblation Run this December 2011. UP Manila ...
-
Ang edukasyon ay isang prosesong nagpapadali ng pagkatuto o ang pagkakaroon ng kaalaman, kasanayan, at magandang pag-uugali. Sa depinisyong ...
-
Kumpirmado na may jowa o boyfriend nga ang sikat na nanay nina Mark at Maycee matapos mapanood ang huling bidyo ni Kuya Val Santos Matubang ...