Monday, June 13, 2011
KC Concepcion at Sam Milby sa Forever And A Day
Habang binabalatan ko ang nilagang itlog na nilagay ko sa steamer tray habang nagluluto ako ng sinaing, naririnig ko sa di-kalayuan ang sound ng TV. Kasalukuyang ininterview si KC Concepcion at Sam Milby sa The Buzz (replay) hinggil sa kanilang ginawang pelikula na may pamagat na Forever And A Day na dinirehe ng pamosong direkotr na si Cathy Garcia-Molina. Nakatakdang ipalabas ang pelikulang ito sa Miyerkules, ika-15 ng Hunyo, 2011 sa Pilipinas. Hihintayin ko na lang itong ma-upload dito sa internet kahit na may nagtatayuang anino sa harapan. Wala naman kasing ihuhusay sa pagganap dito si KC at ang bulol managalog na si Sam. Magiging magaling siguro si Sam sa pagganap kung maitutuwid nito nang husto ang pagsasalita ng Filipino. Hindi kasi maka-relate masyado ang mga Pinoy sa kanya. At alam kong dahil lang sa kanyang hitsura kaya siya hinahangaan ng iba. At kay KC naman, kailangan pa niyang mahasa nang husto sa pag-arte. At dahil sa estado ng kanyang buhay, hindi pa rin maramdaman ng masa ang kanyang pagganap.
Iniintriga ni Toni Gonzaga si Sam na kung liligawan ba raw nito si KC kung sakaling hindi pa nito boyfriend si Piolo Pascual. Noong 2008, sinabi kasi ni Sam na liligawan nito ang dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Walang tuwirang maisagot si Sam at halatang umiiwas sa tanong.
Sabay entra naman nitong si Tata Ambo at sinabing mas bagay sina Sam Milby at Piolo Pascual. 'Yun na!
Subscribe to:
Posts (Atom)
RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023
The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...
-
Members of the Alphi Phi Omega (APO) fraternity of UP Manila and Diliman held their traditional Oblation Run this December 2011. UP Manila ...
-
Ang edukasyon ay isang prosesong nagpapadali ng pagkatuto o ang pagkakaroon ng kaalaman, kasanayan, at magandang pag-uugali. Sa depinisyong ...
-
Kumpirmado na may jowa o boyfriend nga ang sikat na nanay nina Mark at Maycee matapos mapanood ang huling bidyo ni Kuya Val Santos Matubang ...