Sunday, May 8, 2011

TFC - Tadtad ng Patalastas


Sa pagkakaalam ko, isang dahilan sa pagsa-subscribe sa isang bayarang TV channel ay upang hindi ka makunsumi sa mga patalastas. Noong una, tama ang sapantahang ito. Kung may patalastas man, ito ay para sa mga susunod na mga programa sa naturang cable TV.

Sa ibang bansa, ang The Filipino Channel o TFC ng ABS-CBN ang masasabing cable tv channel. Dahil binabayaran ito ng 88 Riyals kada buwan dito sa Saudi, iisipin mong hindi ka na makukunsumi sa dami ng patalastas na ikinaayaw mo sa libreng tv channel. Ang siste, habang lumalaon, dumarami ang mga patalastas na ipinalalabas ng TFC. Ang ilan sa mga ito ay ang Western Union ads ni Vic Sotto. Ang iba pa ay ang mga negosyong may himig-Pinoy na nasa United Arab Emirates o UAE. Umaarangkada rin ang ang Lifebouy antibacterial handwash soap, ang Chevrolet Cruze car, ang HDT karaoke, Signal toothpaste at kung anu-ano pa.

Hindi kaya ito isang uri ng pagsasamantala sa mga kababayan nating OFW?  Kung kumikita sila sa mga patalastas na ipinalalabas nila, bakit nila pagbabayarin pa ang publiko? O kahit paano ay babaan man lamang ang singil kada buwan. Legal kaya ang paglalagay nila ng mga ads sa TFC? 

Sa aking pagsusuri, hindi na magtatagal ang pamamayagpag ng TFC sa susunod na mga taon dahil sa pagkahumaling ng mga OFW sa computer. Isa pa, napapanood naman sa computer ang mga palabas sa TFC o GMA. Yon nga lang, isang araw itong huli. Pero kahit na, malaki pa rin ang matitipid ng mga OFW. Yong mga Indiano nga ay libre nilang napapanood ang mga TV programs sa India basta't bumili ka lang ng receiver.

Para sa mga OFW, maaari ninyong panoorin ang mga palabas sa TFC at GMA sa webpurok na ito:
Kung trip n'yo naman ang mga pelikulang Pinoy, manood dito:

Bakit pa tayo magpapakabit ng TFC?

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...