Wednesday, February 23, 2011

EDSA People Power Revolution Turns 25

Gugunitain ang ika-25 taong anibersaryo ng EDSA Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2011. Napapanahon ang paggunita ng okasyong ito kung saan napatalsik ang sinasabing diktatorya ni President Ferdinand Marcos noong 1986.
 Masasabi ring naging inspirasyon ang Power Revolution upang gayahin sa iba't ibang panig ng mundo. Subali't ang kabaliktaran lamang, naging mapayapa ang "rebolusyong" ito sa Pilipinas.

Dalawampu't limang taon na pala nang mapalitan si President Marcos subali't hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masyadong nakikita ang kaunlarang sinasabi nila noon. Nasa Iraq ako noon bilang isang OFW  nang maganap ang makasaysayang araw na ito sa Pilipinas. Hanggang ngayon, OFW pa rin ako rito sa Saudi Arabia. Sa aking palagay, naging mabagal ang pagsulong ng kaunlaran sa Pilipinas matapos ang pamumuno ni Marcos. Noon, iilan lamang ang inaakusahang "magnanakaw" sa kaban ng bayan. Ngayon, iilan na lang ang hindi "nagnanakaw". Noon, marijuana lang ang drogang libangan ng mga kabataan. Ngayon, maliban sa solvent at shabu, meron pang ecstasy, heroin at cocaine. Noon, may naipatayong Folk Arts Theater, Cultural Center of the Philippines at anu-ano pang gusaling pang-kultura. Ngayon, wala akong alam na naipatayo. Noon, marami tayong bigas. Ngayon, namimili na tayo ng bigas sa mga bansang tinuruan nating magtanim ng bigas. Noon, NPA lang ang kaaway ng pamahalaan. Ngayon, kasama na rin ang MILF, Abu Sayyaf at Al Qaeda. Noon, mga kriminal lang ang nasasangkot sa krimen. Ngayon, sa likod ng krimen, may mga pulis at sundalong kasangkot. Hanggang ngayon, hindi pa rin pinapayagang ihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang labi ng Commander in Chief ng Pilipinas. Ngayon, ang isang heneral na balot din ng kontrobersya ay nailibing dito at binasbasan pa ng Simbahang Katolika kahit nagpakamatay ito na HINDI ginagawa noon.


Ewan ko ba kung bakit pa natin ipagdiriwang ang EDSA Revolution? Dahil ba sa natamo nating "kalayaan?" Kalayaang ano?  Nabago ba ng kalayaang ito ang pamumuhay ng ating mahihirap na kababayan?

Sa aking palagay, naging payapa pa ako at masagana noong 1986 kaysa ngayon.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...