Saturday, June 6, 2009

Palestine - USA's 51st State?


Sa kanyang talumpati sa Cairo, Egypt, kamakailan, isang paghihilom-sugat ang binigyang diin ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos. Tinalakay niya ang alitan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano, ng mga Israelites at Palestinians, ang gulo sa Irak, Pakistan at Afghanistan.

"Hindi tatalikuran ng Amerika ang matagal nang mithiin ng mga Palestino na magkaroon ng dignidad, oportunidad at sariling bansa," sabi ni Obama.

Ginawa kaya ito ni Obama upang sumaya ang mga Muslim sa gitnang silangan o talagang sinsiro siya upang magkaroon ng kapayaan sa pagitan ng mga Israelites at Palestinians?

Ang tanong na lamang ay kung susunod ang kaalyado nitong Israel upang matupad ang mithiing ito. At kapag hindi pumayag ang Israel, nararapat lamang na gawing pang-51 state ng Amerika ang Palestine upang sapilitang pumayag ang Israel. Ang susunod na tanong: Papayag naman kaya ang mga Palestinong maging Amerikano?

Basahin ang buong talumpati ni Pres. Barack Obama dito:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...