Thursday, April 2, 2009

GOBYERNO at SUNDALO - URONG - SULONG


Ang gobyerno ng Pilipinas at mga sundalo nito ay URONG-SULONG sa pagtugis at tuluyang pagpuksa sa bandidong grupong Abu-Sayyaf na pinamumunuan ni Albader Parad. Kung kailan makokorner na ang mga kidnappers ay bigla namang umaatras ng mga puwersang-militar sa kanilang pinagkukutaan. Ang dahilan: pupugutan daw ang isa sa mga bihag!


At tulad ng dapat asahan, hindi tumupad ang mga Abu Sayyaf na lagi nilang ginagawa. Kumukuha lang sila ng oras upang lumikas tulad nang ginawa noong una at pagkatapos ay papatayin din ang mga bihag.


Hindi kaya napupuwersa lang ang gobyernong Pilipinas na ihinto ang pagtugis dahil nasasangkot dito ang 2 banyagang bihag na sina Eugenio Vagni - isang Italiano at Andreas Notter - isang Swiso? Ang dalawa ay kabilang sa International Committee of the Red Cross (ICRC) katulad din ng ating kababayan na si Mary Jean Lacaba.


Hindi ko alam kung bakit bantulot pa rin ang gobyernong PULBUSIN na ang pwersang Abu Sayyaf nang ganoon ay matapos na ang bakbakang ito. Ano ba ang nais nilang iligtas? Ang tatlong buhay ng mga bihag?


Ang pangyayaring ito ay pinagbuwisan na ng tatlong buhay ng ating mga sundalo. Mas matimbang ba ang buhay nina Mary Jean, Eugenio at Andreas kaysa kina Corporal Jo-Cris L. Fegura, Jeflor Q. Dela Torre at Private First Class Franklin B.
Castillo?


Nagliligtas sila ng 3 buhay gayong 3 buhay na ang nalagas. Bakit hindi pa tugisin ng mga sundalo ang mga Abu Sayyaf gayong mga kriminal naman ang mga ito?

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...