Sunday, October 3, 2021

Gusto Mo Bang Matutong Magmasahe ng Traditional Malay & Thai Oil Massage?

Ngayong pandemic, maraming oras ang ginugugol natin sa loob ng bahay. Kung sawa ka ng magtanim ng kung ano-anong ornamental plants, punongkahoy, at mga gulay, bakit hindi mo subuking matutong magmasahe ng traditional Malay & Thai oil massage.


Ang mga hakbang ay nasusulat sa wikang English at Filipino upang madaling maunawaan ng mga taong nais malaman ito.

Dahil mahaba ang proseso, hahatiin natin sa tatlong bahagi ang pagtuturo.

First Part /Unang Bahagi

Back of Lower Limb/Likod na Bahagi ng Binti at Hita

After initial preparation which includes checking the physical wellbeing of the client as well as any skin diseases that we should be aware of, request the client to lay flat on a bed/mat. (Matapos ang pang-unang preparasyon kabilang na ang pagsiguro sa kabuuang kalusugan ng kliyente gayundin sa pag-alam ng mga sakit sa balat na maaaring taglay niya, padapain siya sa isang higain/banig.)

Note: For any technique, remember to repeat the same for the other leg. 

(Abiso: Sa anumang technique, tandaan na dapat itong ulitin sa isa pang binti at hita.)

1. To start with, give the client an effleurage massage (Effleurage is a repeated circular stroking movement made with the palm of the hand.)   With one palm on the other hand, press and apply equal and firm pressure all the way from the lower calf, up to the thigh (8x).

Sa pagsisimula, bigyan ng masaheng effleurage ang klieynete. (Ang effleurage ay ang paulit-ulit na paggalaw nang pabilog  gamit ang iyong palad . Gamit ang isang palad na nakalapat sa isa pa, pindutin/diinan at lapatan nang pantay at matatag na presyon ang ibabang binti, hanggang sa hita. Ulitin ito ng 8 beses. 

2. Alternatively, press and glide your left and right thumbs at the back of the calf. Variety your style to sides of the calf, up and down.

Pag hali-halinhang pindutin at idulas ang iyong kaliwa at kanang mga hinlalaki sa likod ng binti. Iba-ibahin ang iyong estilo sa mga gilid ng binti, pataas at pababa.

3. Alternate with palm press. The flow should be consistent.

Ihalili ang pagpindot/pagdiin gamit ang palad. Ang daloy ay dapat na pare-pareho.

4. Thumb and palm massage to the back of the knee. Must be super gentle; don’t press because there is no muscle in this area.

Gamit ang hinlalaki at palad, hilutin mula hita  hanggang sa likod ng tuhod. Dapat ay napakabanayad lamang; huwag pindutin dahil walang kalamnan sa lugar na ito.

5. Move your body upwards, oil your palm and use both thumbs to glide at the center of the hamstring. Move upwards and split your thumbs at the buttock (8x).

Umusad ka paitaas, langisan ang iyong palad at gamitin ang dalawang hinlalaki at padulasin sa gitna ng hamstring (kalamnan sa likod ng hita). Magtuloy-tuloy papaitaas at paghiwalayin ang iyong mga hinlalaki sa pigi/puwitan/buttock. Ulitin ito ng 8 beses.

6. Use four fingers and make a circular massage at the side of the buttock and hip. Movement should be smooth then gently flex the knee, hold and, let go (3x).

Gumamit ng apat na daliri at gumawa ng paikot na masahe sa gilid ng pigi at balakang. Ang paggalaw ay dapat na makinis pagkatapos ay dahan-dahang ibaluktot ang tuhod, hawakan at, bitawan. Ulitin ito ng 3 beses. 

7. Give full weight press onto buttock and slide down to the back of the thigh (8x).

Bigyan ang buong pwersa ang pagpindot sa pigi at padulasin pababa sa likuran ng hita. Ulitin ito ng 8 beses.

8. With the client’s thigh hooked to your thigh, massage buttock muscle with your forearm. Hold the ankle to bend the knee slightly. Apply full and smooth pressure.

Gamit ang hita ng kliyente na naka-hook sa iyong hita, masahihin ang kalamnan ng pigi gamit ang iyong braso. Hawakan ang bukung-bukong upang mabaluktot nang bahagya ang tuhod. Mag-apply ng buo at banayad na presyon.

9. Once again, bend the knee. Pull up the bended knee for extra stretch. Do a smooth transition from the right side to the left side.

Muli, ibaluktot ang tuhod. Hilahin ang baluktot na tuhod para sa dagdag na pagbanat. Gumawa ng isang maayos na paglipat mula sa kanang bahagi hanggang sa kaliwang bahagi.

10. Thumb massage along the groove, then massage all over the buttock; upwards and downwards.

Hilutin sa pamamagitan ng hinlalaki ang mga uka ng pigi, pagkatapos ay masahihin ang buong puwitan; pataas at pababa.

11. Press down with palms over buttock muscles and slide downwards to upper thigh. Use as much force as you can. These muscles are thick.

Diinan  gamit ang mga palad ang kalamnan ng pigi at at padulasin pababa sa itaas na hita. Gumamit ng mas matinding puwersa hangga't maaari. Makapal ang mga kalamnan na ito.

12. Make circular motion with your palms all over the buttock, from center to sides.

Gumawa ng pabilog na paghimas gamit ang iyong mga palad sa kabuuan ng puwitan/pigi, mula sa gitna hanggang sa mga gilid.

13. Use four fingers to press and pull the side muscles of the buttock.

Gumamit ng apat na daliri upang diinan at hatakin ang mga kalamnan sa gilid ng puwitan/pigi.

End of the first part/Wakas ng unang bahagi

Upang lubusan na maunawaan ang pamamaraan, panoorin ang bidyong ito:

https://www.youtube.com/watch?v=tz_Q_8LamLI&t=2s

Maaari ring panoorin ang buong bidyo ni Senses OX dito:

https://www.youtube.com/watch?v=2WJgbtiDAEc





RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...