Monday, June 15, 2009

Araw ng Kalayaan 2009


Ipinagdiwang ng mga Filipino saanman dako ng mundo ang ika-111 Araw ng Kalayaan noong ika-12 ng Hunyo, 2009. Pero sa Australya, hindi pa tapos ang kasayaan. May nakalinya pa kasing mga aktibidades hanggang ika-20 ng Hunyo, 2009. Nakapagtataka lang kung bakit hindi pa pinag-isa ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas.

Hindi pa talaga masasabing nagkakaisa ang mga Filipino. Nasa ibang bansa na ay kanya-kanya pa rin ang takbo ng utak. Saan ka ba namang komunidad makakakita ng sangkaterbang samahan kundi sa hanay ng mga Pinoy? Mayroong samahang rehiyonal - Ilokano, Kapampangan, Bikolano, Cebuano, Bulakeno, atbp. Samahang pangrelihiyon - INK, Katoliko,Islam, Born Again, atbp.; alumni associations - UP, MIT, Ateneo, Dela Salle; mga samahang pangsosyal at kultural; at kung anu-ano pang samahan at organisasyon. Hindi mo tuloy malaman kung kanino ka sasapi. Hindi mo naman pwedeng salihan ang lahat dahil kulang ang iyong oras sa pagdalo ng mga miting, sosyalan, kodakan at kainan.

Bakit hindi kaya isa na lang samahan ang itayo ng mga Filipino/Filipino-Australians dito sa Australya? Pwede naman ang Filipino Community of Australia kung saan maaaring magkaroon ng sangay ang bawat malalaking bayan o siyudad sa Australya.

Sa dami ng samahan ng mga Pinoy rito sa Australia partikular dito sa Sydney, kandahilo na sa pagdalo ang Consul General sa kung anu-anong pakulo ng mga organisasyon. Naipakikita tuloy na talagang hindi pa ganap na nagkakaisa ang mga Pinoy kahit nasa ibang bansa. Kailan kaya magkakaroon ng isang Filipino Town (tulad ng Chinatown) sa bawat sulok ng mundo? Baka hi-tech na ang pagtataas ng watawat tuwing Araw ng Kalayaan ay hindi pa rin ito mangyayari.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...