1. Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
2. Ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya ay panahon. Kadalasan ito ang una nating hinihingi upang makagawa ng pagpapasya sa anomang bagay na inaasahan sa atin.
3. Ang pagpapahalaga ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya. Kung hinhingi nhg pagkakataon na tayo ay mamili, madalas na tinitimbang natin ang mga pamimilian batay sa kung ano ang mahalaga sa atin.
4. Ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasya ay ang isip at damdamin. Una, ginagamit natin ang ating isip. Pinagninilayan natin ang sitwasyon. Naghahananp tayo ng mga impormasyon at tinitimbang ang mga kabutihan at kakulangan sa ating pamimilian.
5. Ayon nga kay Sean Covey sa kanyang aklat na The Seven Habits of Highly Effective Teens, "Begin with the end in mind." Kung sa simula pa lang ay alam na natin ang gusto nating mangyari sa ating buhay, hindi na magiging mahirap para sa atin ang mga mahahalagang pagpapasya sa buhay.
Habang lumilipas ang (6) panahon ay lumalaki na ang hamon ng lipunan sa bawat indibidwal na (7) mapanindigan ang tama at mabuti. Maraming mga isyu sa (8) lipunan na tunay na susukat sa iyong (9) moral na paninindigan. Kaya't kailangang sapat ang iyong kaalaman at kakayahan tungkol sa pagsasagawa ng moral na (10) pagpapasya.
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayri ayon sa hakbang sa paggawa ng wastong pasya gamit ang titik A hanggang titik E.
C 11. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya.
D 12. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya.
B 13. Magnilay sa mismong aksyon.
E 14. Pag-aralang muli ang pasya.
A 15. Magkalap ng kaalaman
Isulat ang T kung ito ay tama at M naman kung ito ay mali.
M 16. Pumili ng ilang mga kasabihan na walang halaga sa iyo at tunay na pinaniniwalaan mo.
T 17. Ang personal na layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat.
M 18. Huwag magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip ng personal mission statement.
T 19. Mabuting pag-aralan muli ang pasiya.
T 20. Isang mabuting giya o gabay sa ating pagpapasya ang personal mission statement.
T 21. Magkalap ng kaalaman ay nangangahulugan na ang pagigigng tama o mali ng isang pagpapasiya ay nakasalalay sa mga katotohanan. Maaaring humingi ng tulong sa mga nakakatanda, pamilya, kaibigan, o etc.
M 22. Pag-aralang muli ang pasiya. Kung nanatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong madaliin ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
T 23. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya. Mahalaga ring isaalang-alang ang ating damdamin o kalooban sa ating gagawing pagpili.
T 24. Magnilay sa mismong aksiyon. Sa anumang pagpapasiya ng tao, mahalaga ang pagninilay sa mismong aksiyon.
T 25. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya. Ang panalangin ang pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang ganap na maging malinaw kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa atin.
M 26. Ayon pa kay Lee (1998) ang pahayag ng personal na layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
27. Ito ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya.
a. panahon b. pagpapahalaga c. pagmamahal d. pagkakataon
28. Isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay
a. mabuting pagmamahal b. mabuting pagpapasya
c. mabuting pagkakataon d. mabuting pagsusumikap
28. Ayon sa kanyang pahayag ng personal na layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat.
a. Sean Covey b. Sean Convey
c. Saen Convey d. Sean Convey
30. Ang pahayag ng layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang _____ nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
a. personal b. pansariling motto c. kredo d. lahat ng nabanggit
No comments:
Post a Comment