Monday, May 30, 2011

Ernesto Diokno, Nagbitiw na Bilang BuCor Direktor


Nagbitiw na ngayong araw na ito ( 30 May 2011)  si General Ernesto Diokno bilang Direktor ng Bureau of Corrections. Ito ay hinggil sa pagpapabaya diumano ni Diokno sa kanyang tungkulin bilang hepe hinggil sa pagpuslit-puslit  ni dating Governor Antonio Leviste at iba pang preso sa Bilibid Prison sa Muntinlupa at sa iba pang anomalya sa kawanihan. Pinuri ni PNoy ang desisyong ito ni Diokno kasabay nang pagpapasalamat sa naging serbisyo nito at delikadesa sa pagbibitiw.

Tunghayan ang buong pahayag ni Pnoy sa ibaba na mula sa:
http://www.gov.ph/2011/05/30/statement-of-president-aquino-on-the-resignation-of-ernesto-diokno-as-bureau-of-corrections-director-may-30-2011/


Bago mag-alas-dos ngayong hapon, natanggap ko ang irrevocable resignation mula kay Direktor Ernesto Diokno bilang Direktor ng Kawanihan ng Koreksiyon.
Nagpapasalamat ako kay Direktor Diokno sa kanyang naging serbisyo at sa kanyang delikadesa sa pagbibitiw. Ang kaniyang pagbaba sa puwesto ay magbibigay daan sa agarang pagpapatupad ng mga repormang nais nating gawin sa ating sistemang Koreksyonal. Marami po dito’y tinukoy na rin po niya.
Nakasalalay ang pagbibigay serbisyo-publiko sa tiwala ng taumbayan, kaya naman may kalayaan ang mga naninilbihan sa pamahalaan na timbangin kung nagagampanan pa nila ang kanilang sinumpaang tungkulin. Pinupuri ko po si Ginoong Diokno sa kanyang pagpapasya sang-ayon sa kanyang konsensya.
Simula’t sapul pa man, nanindigan ang pamahalaang ito na ang tungkulin ng nagbibigay serbisyo-publiko ay paglilingkuran ang mamayang Pilipino. Muli’t muli nating idinidiin na may kaakibat na katapatan at responsibilidad ang pagiging isang lingkod-bayan. Ang mga naging kaganapan sa Bureau of Corrections ay ating susuriin upang maiwasto ang mga patakaran para sa ating pambansang bilangguan.
Diretso ang ating paninindigan: Tanging ang interes lamang ng mga mamamayan ang tumitimon sa ating mga desisyon, at hindi ang ugnayan o pakikipagkaibigan kanino man.

TULI (Circumcision)


Napanood ko kagabi ang isang indie film na may pamagat na Tuli na dinerehe ni Auraeus Solito, ang director na gumawa ng pelikulang Busong na ipinalaban sa Cannes Film Festival sa taong ito. Ito ay pinagbibidahan ni Desiree Del Valle, Carlo Aquino at Vanna Garcia. Nasasapanahon naman ang palabas na ito dahil kabi-kabila ang Operasyon-Tuli sa buong Pilipinas.

Habang nanonood ay biglang sumagi sa aking isipan ang katulad na ritwal na aking pinagdaan noong ako ay labing-isang taon gulang pa lamang. Dahil hindi pa naman uso ang pagtutuli ng mga doktor o wala lang kaming pera para roon, sa Hagonoy, Bulacan pa ako dinala ng aking Amang para magpatuli. Tamang-tama naman dahil bakasyon na sa klase noon. Kalahating araw kaming nagbabad sa ilog. Ako ang nauna dahil mahina ang aking loob sa dugo. Tuling-batakan ang ginawa sa akin. At tulad nang dapat asahan muntik na akong mahilo noon. Bawal ang malansa kaya mangga o kaya'y saging ang aming pang-ulam. Sa silong ng bahay kami naglalanggas ng pinakuluang dahon ng bayabas gamit ang pakpak ng manok. Pagkatapos ng 10 araw, hilom na ang sugat at hindi na ako supot.

Dahil ang palabas ay download lang sa internet, palaktaw-laktaw ang aking panonood. May lahok na senakulo ang pelikula dahil Mahal na Araw. Hindi sinasadyang nakawit ang suot na tapis ng Kristo kaya't nabuyangyang ang ari nito. Hagalpak sa tawa ang mga manonood dahil supot daw pala si Kristo( na hindi naman tutuo sa tunay na buhay).

Nagsimula ang pelikula sa pagtutuli at dito rin natapos. Sa mga bagay-bagay na nais malaman tungkol sa tuli, basahin ito: http://naquem.blogspot.com/2010/04/operation-tuli-rite-of-summer.html

Saturday, May 28, 2011

Harry Potter and the Deathly Hallows - Part 1


Nagsimula nang ipalabas ang Harry Potter and the Deathly Hallows Part 2 sa mga sinehan sa ilang panig ng mundo. Dahil hindi ko naman napanood ang Part 1 nito, hayon at nagdownload na naman ako sa internet.  Kahit na inabot ng siyam-siyam ang pagda-download dahil sa bagal ng internet connection ko, masaya na rin at sulit dahil malinaw ang video at audio ng pelikula. At dahil natapos nang bitin ang palabas, talagang hihintayin mo ang Part 2. Kung hindi ko man mapanood sa sinehan ito, hintayin ko na lang na may mag-upload sa internet.

Tulad nang nasabi ko na, hindi maglalaon at lalamunin na ng internet/computer ang sinehan at television. Hindi ba't nauuso na ang malalaking computer monitor na may TV interface and vice versa? ? Kaya payo sa mga may-ari ng TV station, ngayon palang ay maghanda nang isa-internet ang inyong mga palabas nang hindi kayo pulutin sa kangkungan!

Thursday, May 26, 2011

Tag-Init Sa Saudi

Kahit na sa Hunyo pa ang simula ng tag-init sa Saudi Arabia, ngayon pa lang ay ramdam na ang sobrang init ng araw rito.  Ilan sa mga palatandaan na nagsisimula na ang summer season sa Gitnang Silangan ay:

1. Bukas na ang air-con.

2. Bumibili na ng yelo ang mga trabahador namin para pampalamig ng tubig na iinumin.

3. Nagsisimula nang maglipana ang mga langaw.

4. Gising na ang mga surot.

5.Napisa na ang mga ipis.

6. Nanganak na ang mga pusa.

7. May tinda ng melon at pakwan.

Wednesday, May 25, 2011

Oprah Winfrey Show is OVER

Pinahayag ng sikat na TV personality na si Oprah Winfrey ang pagtiklop ng kanyang show sa susunod na mga araw matapos ang 25 taong pamamayagpag nito. Ang huling taping ng show na ginanap sa Harpo Studio ay naging emotional.

Monday, May 23, 2011

The Last Emperor of China


Lumampas na naman ng 10 o'clock bago ako natulog kagabi. Paano'y pinanood ko ang pelikulang "The Last Emperor of China" na dinownload ko sa www.isohunt.com... Malinaw ang video ng palabas kaya lang ay mahina ang audio kaya halos idikit ko na ang aking mukha sa computer screen para maunawaan ko ang palabas. Ang siste, nangangalahati palang ako sa panonood kaya itutuloy ko mamayang gabi.

Ang pelikula ay tungkol sa titulo pero hindi ko na pinag-aksyahan ng panhon kung sinu-sino ba ang mga bida rito. Ako naman kasi ay mas nakafocus sa istorya kasya sa mga gumaganap kaya hindi ko matandaan kung sinu-sino ba ang mga gumanap doon.

Para ma-download ang palabas, dapat ay may Vuse o Torrent software kayo na maaari ring i-download nang libre sa internet..

Cannes 2011 Winners


Tapos na ang Cannes Festival sa Pransya. Ni isa sa mga kalahaok na pelikula ay wala pa akong napapanood. Pero sisiskapin ko talagang hanapin ko rito sa World Wide Web ang mga nagwagi lalo na ang The Tree of Life na siyang nagkamit ng gintong palmera. Ang pelikula ay pinagbibidahan ni Brad Pitt pero hindi siya nanalong pinakamagaling na aktor. Basahin ang buod ng pelikula dito http://www.imdb.com/title/tt0478304/synopsis
Ang entry ng Pilipinas sa nasabing parangal ay ang "Busong" ni Auraeus Solito na paingabibidahan naman ni Alessandra de Rossi. Ito ay ipinalabas sa Directors' Fortnight. Hindi nagwagi ang pelikulang ito na tungkol sa kung anong karma ang sasapitin kapag inabuso ang kalikasan.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagsipagwagi:
Palme D’Or
Grand Prix
  • Bir Zamanlar Anadolu’da (Once Upon A Time In Anatolia) by Nuri Bilge Ceylan
  • The Kid With a Bike by Jean-Pierre & Luc Dardenne
Award for Best Director
  • Nicolas Winding Refn for Drive
Jury Prize
  • Poliss by Maiwenn
Award for Best Actor

Jean Dujardin - Best Actor
Award for Best Actress
Kirsten Dunst - Best Actress
Award for Best Screenplay
  • Joseph Cedar for Footnote

Un Certain Regard Prize
  • Arirang by Kim Ki-Duk
  • Halt Auf Freier Strecke (Stopped on Track) by Andreas Dresen
UCR Special Jury Prize
  • Elena by Andrey Zvyagintsev
UCR Directing Prize
  • Be Omid É Didar (Au revoir) by Mohammad Rasoulof
Palme d’Or
  • Cross-Country by Maryna Vroda
For Short Films, narito ang mga nanalo:
Jury Prize
  • Badpakje 46 (Swimsuit 46) by Wannes Destoop
Camera d’Or
  • Las Acacias by Pablo Giorgelli presented during Critics’ Week
Cinefondation
  • First Prize: Der Brief (The Letter) by Doroteya Droumeva
  • Second Prize: Drari by Kamal Lazraq
  • Third Prize: Ya-Gan-Bi-Hang (Fly by Night) by Son Tae-gyum

Sunday, May 22, 2011

The End of the World


Pumalpak na naman ang Judgement Day prediction ni Harold Camping, isang preacher sa Oakland, California. Ginulantang niya ang buong mundo sa pagsasabit ng mga posters hinggil sa katapusan ng mundo kahapon, ika-21 ng Mayo, 2011. At tulad nang nauna na niyang prediksyon, sablay na naman ang kanyang kalkulasyon. Pero may tama sa kanyang sinasabi, ang Second Coming ni Jesus Christ. Ito naman ay nasusulat sa bibliya at inaayunan din ng mga Muslim. Kung kailan ito mangyayari ay tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam. Ang mensahe, maging handa sa araw na ito....

Ewan lang kung dadami pa ang tagapakinig ni Mr. Camping sa kanyang Family Radio Network at kung marami pa rin ang magbibigay ng donasyon para sa kanyang mga prediksyon..

Basahin ang iba pang impormasyon dito:

Saturday, May 21, 2011

Public Versus Private High School

Ewan ko ba kung bakit masyadong pinoproblema ng mga magulang kung saan nila ipapasok ang kanilang mga anak na tutuntong na ng high school. Ang iba kasi kahit na hindi kaya ng kanilang budget ay gustong-gusto pang ipasok sa private high school ang kanilang mga anak. Maganda raw ang turo roon. Sosyal! Ang masama, sila ang mababaon sa utang kahit na nga nasa-abroad pa ang asawa.

Ito ang nais kong pag-isipan ng mga Nanay sa Pinas, hindi porke nasa abroad si Mister ay gayon-gayon na lang na baguhin ang antas ng pamumuhay. Okay lang ito kung kaya pero kung makapagmayabang lang sa kapitbahay at kaanak ay hindi na maganda.

Kung hindi kalakihan ang sahod ni Mister sa abroad, para sa akin, tama ng sa public high school pumasok ang mga bata at ipunin na lang ang matitipid para sa kanilang pangkolehiyo. Ano ba ang mas mainam, private high school na hindi makakapasok sa college o public high school na maaaring magkolehiyo? Lalo na at karamihan sa mga college at university ay private.... at mataas pa ang tuition.

Mag-isip!

Wednesday, May 18, 2011

FREE PUBLIC HIGH SCHOOL FOR FILIPINO STUDENTS


Baka nakakalimutan na ng mga magulang, mag-aaral at principal ng pampublikong mataas na paaralan (high school) na LIBRE ang high school education dito sa Pilipinas. Ito ang nilalaman ng Republic Act 6655 o ang  " Free Public Secondary Education Act of 1988" na nilagdaan noong 26 May 1988. Sa ilallim ng batas na ito, libre ang tuition at iba pang mga gastusin tulad ng medical, dental, athletic, library, laboratory at CAT fees. Magkagayunman, HINDI LIBRE ang bayad para sa I.D. at school publication ngunit ang hindi pagbabayad ng mga ito ay hindi dahilan upang hindi makapagpalista o maka-graduate ang isang mag-aaral. Dahil dito, maaaring magreklamo ang isang mag-aaral o magulang kung hindi sila pinayagang mag-enroll sa highschool kung wala silang pambayad sa eskwela. Ang iisipin na lang ng mga magulang ay ang uniporme, mga gamit, pamasahe at baon ng kanyang mga anak. 

Basahin ang buong batas sa ibaba mula sa http://www.chanrobles.com/republicactno6655.htm



REPUBLIC ACT NO. 6655

 .


AN ACT ESTABLISHING AND PROVIDING FOR A FREE PUBLIC SECONDARY EDUCATION AND FOR OTHER PURPOSES.


Section 1. Title. — This Act shall be known as the "Free Public Secondary Education Act of 1988."chan robles virtual law library
Sec. 2. Declaration of Policy. — It is the policy of the State to provide for a free public secondary education to all qualified citizens and to promote quality education at all levels. 
Sec.  3. Definitions. — For purposes of this Act, the following terms shall mean:chan robles virtual law library
(a) Free Public Secondary Education. — Means that the students enrolled in secondary course offerings in national high schools, general comprehensive high schools, trade, technical, vocational, fishery and agricultural schools, and in schools established, administered, maintained and funded by local government units, including city, provincial municipal and barangay high schools, and those public high schools which may be established by law, shall be free from payment of tuition and other schools fees; 
(b) Tuition Fee. — Refers to the fee representing direct costs of instruction, training and other related activities and for the students' use of the instruction and training facilities; 
(c) Other School Fees. — Refer to those fees which cover the other necessary costs supportive of instruction, including but not limited to medical and dental, athletic, library, laboratory and Citizens Army Training (CAT) fees. 
However, fees elated to membership in the school community such as identification cards, student organizations and publications may be collected, provided that nonpayment to these fees shall not in any case be a bar to the enrollment or graduation of any student.
Sec.  4. Implementation of Free Public Secondary Education. — The system of free public secondary education as provided in this Act shall commence in School Year 1988-1989, and that the students enrolled in secondary course offerings in national and general comprehensive high schools, state colleges and universities, specialized schools, trade, technical, vocational, fishery and agricultural schools and in schools which may be established by law, shall be free from payment of tuition and other school fees, except fees related to membership in the school community such as identification cards, student organizations and publication which may be collected: Provided, That nothing in this Act shall cause or authorize the reduction or removal of any benefit which the national or local government may have granted to the students, teachers and other school personnel of these public high schools prior to the enactment of this Act.
Sec.  5. Formulation of a Secondary Education Curriculum. — The Department of Education, Culture and Sports shall formulate a secondary education curriculum in order to upgrade its quality, efficiency and access. In addition to providing the high school students with general skills, knowledge and values, such a curriculum must include vocational and technical courses that will give the students gainful employment. chan robles virtual law library
Sec.  6. Limitation. — The right of any student to avail of free public high school shall terminate if he fails for two (2) consecutive school years in the majority of the academic subjects in which he is enrolled during the course of his study unless such failure is due to some valid cause.
Sec.  7. Nationalization of Public Secondary Schools. — To effectively implement the system, the establishment, renaming, conversion, integration, separation, administration, supervision and control of all public secondary schools and public secondary school teachers and other school personnel, including the payment of their salaries allowances and other fringe benefits as well as those already provided by local governments are hereby vested in the Department of Education, Culture and Sports.
Sec.  8. Priority in Admission. — Graduates of public elementary schools in a municipality shall be given priority in admission when the present facilities in the same municipality cannot accommodate all of those applying for enrollment in the public high schools. 
Sec.  9. Implementing Rules and Regulations. — The Secretary of Education, Culture and Sports shall issue the necessary rules and regulations to implement this Act. chan robles virtual law library
Sec.  10. Funding. — The President is hereby authorized to realign or transfer any item of appropriation within the Department of Education, Culture and Sports. and/or utilize any savings therein to carry out the purposes of this Act. Whatever additional amount as may be needed for its implementation shall be included in the General Appropriations Acts for the ensuing fiscal years. 
Sec.  11. Repealing Clause. — All laws or parts thereof, inconsistent with any provision of this Act shall be deemed repealed or modified as the case may be. 
Sec.  12. Effectivity. — This Act shall take effect upon its approval. chan robles virtual law library

 
Approved: May 26, 1988


Monday, May 16, 2011

Djokovic Wins Rome Masters


Nagwagi ang Serbian na si Novak Djokovic laban kay Rafael Nadal sa iskor na 6-4, 6-4 sa kanilang pagtutunggali sa Rome Masters Tennis Champoionship sa Roma, Italya. Dahil dito,, napipintong maagaw ni Djokovic ang unang puwesto sa larangan ng tennis.

Sharon Cuneta Hosts The Biggest Loser - Pinoy Edition


Umarangkada na ang pilot episode ng The Biggest Loser - Pinoy Edition kahapon, ika- 15 ng Mayo 2011. At tulad nang naibalita na, si Ms Sharon Cuneta ang host ng nasabing show. Ewan nga lang kung mapapangatawanan ni Sharon ang nasabing programa gayong nabatikos na siya sa kanya bill(bil)board sa EDSA. Gayunpaman, sana'y mapapayat at  mapalusog (hindi mataba) niya ang mga katawan ng mga kalahok pagkatapos ng episode gayun na rin ang kanyang pangangatawan.

Hala, hintayin na lang natin (kahit na nga ba tapos na sa tutuo ang palabas na ito) kung sino sa mga kalahok o sa ating mga manonood ang magiging The Biggest Loser.

Sunday, May 15, 2011

True Colors - Showtime Season 3 Grand Champion

Natamo ng True Colors ng General Santos City ang kampeonato ng All-Star Barangayan Showtime Season 3 Finale sa Ynares Center sa Antipolo City kahapon, ika-14 ng Mayo. 2011. Nakakuha ng 9.92 iskor ang mga mananayaw na ito. Nanalo ng isang milyong piso ang True Colors at isang milyong piso rin para sa Barangay West Dadiangas, ang kanilang barangay. Ito ang pangalawang pagkakataong nakopo ng mga taga-GenSan ang kampeonato. Nauna nang nanalo sa Season 1 ang XB GenSan.

Panoorin natin ang ikinapanalo ng TruColors dito:


Hindi ko rin naman napanood nang husto ang palabas na ito dahil kasalukuyang ikinakabit yong satellite dish ko.

Tuesday, May 10, 2011

Buhay OFW Sa Saudi

Dahil sa kokonting oportunidad at trabaho sa Pilipinas, napilitan ang maraming Pinoy na mangibang-bansa kahit ang kapalit nito ang matagal na pagkakahiwalay sa pamilya. Isa na ako sa milyong Pinoy na nag-abroad. Dahil sa tagal ko na rin sa Gitnang Silangan at sa daming nasalamuhang iba't ibang lahi at ugali, punumpuno ako ng mga obserbasyon:

Mga Gadgets, Appliances at Bahay


Sa unang suweldo ng mga Pinoy, maliban sa pagbabayad sa naiwang utang sa Pinas sa pag-aabroad, priyoridad ni Juan Dela Cruz ang bumili ng bagong appliances. Noon, ang unang binibili ay colored TV, stereo at gintong alahas. Sa ngayon, nangunguna ang bagong cellphone, computer - desktop man o laptop at digital camera. Susundan ito ng mga MP3, MP4, MP5, Ipod, Iphone at IPad. Ito ay bukod pa sa hangaring makapagpatayo ng bagong bahay.

Itlog at Instant Noodles

Hindi alam ng mga kamag-anak sa Pilipinas, super-tipid din ang mga Pinoy dito sa Gitnang-Silangan. Meron akong kakilalang dahil sa kagustuhang makapgapadala ng malaking halaga sa naiwang pamilya ay ipinadadala maging ang kanyang food allowance. Ang nangyayari, sapat na sa kanya ang mag-ulam ng itlog at instant noodles na pagkain niya noong siya ay nasa Pinas pa.

Ukay-Ukay

Upang makatipid pa rin, bihirang bumili ng bagong damit ang marami sa mga OFW. Kung sa ukay-ukay sila nabili noon sa Pinas, sa ukay-ukay rin dito sa Saudi madalas silang bumili ng mga damit-pantrabaho o pambahay man.




Kabuhayan Showcase

Sa madiskarteng Pinoy, humahanap sila ng dagdag-kita. Kaya hindi nakapagtataka kung makakakita ka ng mga panindang-kakanin at pangmeryenda sa mga grocery rito. Kabilang sa mga paninda ang siopao, kalamay, puto, kutsinta, empanada, ginatan, lumpia, etc. Marami ang nangongobra ng Thai lotto at nagpaparaffle. Meron ding nagtatayo ng maliit na sari-sari store. Yong iba naman ay pumapasok na waiter at taga-hugas ng plato sa mga restaurant.

Utang
Marami sa mga OFW ang tadtad sa utang. Ang isang dahilan ay kayabangan. Bumibili ng mga bagay na ang punto ay ipagyabang at hindi dahil kailangang-kailangan. Kahit hindi kaya ay sa private school na pinag-aaral ang mga anak. Binibigay ang bawat hilingin ni Misis at mga anak kahit na tipirin ang sarili o ipangutang.

Pinoy versus Ibang Lahi
Masasabi kong patay ang retail industries dito sa Gitnang Silangan kung walang mga Pinoy dahil sila lang halos ang laman ng mga tindahan tuwing Huwebes at Biyernes. Mga pangunahing kailangan lang ang madalas bilhin ng ibang lahi, maliban sa ginto. Ang mga Indiano ay bihirang bumili ng mga electrical appliances dahil kung magkano ang bili mo sa mga ito ay siya ring buwis. Magkaganunpaman, mas maraming ari-arian ang mga ibang lahi kaysa sa mga Pinoy. Hindi sila agad bumibili ng mga kasangkapan o nagpapatayo ng bahay. Ang mga Nepali ay bumibili ng mga lupang-sakahan sa kanilang bansa. Sa kikitain nito sila, kukuha ng pampagawa ng bahay at pambili ng kasangkapan. Katwiran nila, kapag may lupa sila, hindi sila magugutom sakali mang mawalan sila ng trabaho sa abroad. Okay ang pagpapatayo ng bahay kung ito ay kikita tulad ng mga lodging house at dormitory para sa mga turista at mag-aaral.

Sinulat ko ito upang pagpulutan ng aral. Kung anuman 'yon, hindi ko na dapat pang sabihin pa.

Sunday, May 8, 2011

Manny Pacquiao Wins Over Mosley by Unanimous Decision


Napanatili ni People's Champ Manny Pacquiao ang kanyang welterweight belt crown laban kay Sugar Shane Mosley sa kanilang  suntukan sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, USA nitong Sabado, ika-7 ng Mayo, 2011 (May 8 sa Pilipinas). Tumagal ang laban ng 12 rounds kung saan nakuha ni Pacman ang nagkakaisang desisyon (Unanimous Decision) ng mga hurado  sa iskor na 119-108, 120-108 at 120-107 laban sa 39 anyos na katunggali. Kahit hindi napabagsak si Mosley, matitindi ring suntok ang inabot ni Mosley sa kanya.

Congrats Manny!

Panoorin ang buong laban dito (Watch the complete fight here)
http://www.legalmovz.info/2011/05/manny-pacquiao-vs-shane-mosley-fight.html

TFC - Tadtad ng Patalastas


Sa pagkakaalam ko, isang dahilan sa pagsa-subscribe sa isang bayarang TV channel ay upang hindi ka makunsumi sa mga patalastas. Noong una, tama ang sapantahang ito. Kung may patalastas man, ito ay para sa mga susunod na mga programa sa naturang cable TV.

Sa ibang bansa, ang The Filipino Channel o TFC ng ABS-CBN ang masasabing cable tv channel. Dahil binabayaran ito ng 88 Riyals kada buwan dito sa Saudi, iisipin mong hindi ka na makukunsumi sa dami ng patalastas na ikinaayaw mo sa libreng tv channel. Ang siste, habang lumalaon, dumarami ang mga patalastas na ipinalalabas ng TFC. Ang ilan sa mga ito ay ang Western Union ads ni Vic Sotto. Ang iba pa ay ang mga negosyong may himig-Pinoy na nasa United Arab Emirates o UAE. Umaarangkada rin ang ang Lifebouy antibacterial handwash soap, ang Chevrolet Cruze car, ang HDT karaoke, Signal toothpaste at kung anu-ano pa.

Hindi kaya ito isang uri ng pagsasamantala sa mga kababayan nating OFW?  Kung kumikita sila sa mga patalastas na ipinalalabas nila, bakit nila pagbabayarin pa ang publiko? O kahit paano ay babaan man lamang ang singil kada buwan. Legal kaya ang paglalagay nila ng mga ads sa TFC? 

Sa aking pagsusuri, hindi na magtatagal ang pamamayagpag ng TFC sa susunod na mga taon dahil sa pagkahumaling ng mga OFW sa computer. Isa pa, napapanood naman sa computer ang mga palabas sa TFC o GMA. Yon nga lang, isang araw itong huli. Pero kahit na, malaki pa rin ang matitipid ng mga OFW. Yong mga Indiano nga ay libre nilang napapanood ang mga TV programs sa India basta't bumili ka lang ng receiver.

Para sa mga OFW, maaari ninyong panoorin ang mga palabas sa TFC at GMA sa webpurok na ito:
Kung trip n'yo naman ang mga pelikulang Pinoy, manood dito:

Bakit pa tayo magpapakabit ng TFC?

Saturday, May 7, 2011

100 Days to Heaven


Watch the full trailer of ABS-CBN's "100 Days to Heaven", a primetime teleserye that airs on Mondays. It stars Coney Reyes, Xyriel Manabat, Jodi Sta. Maria, Valerie Concepcion, Pokwang, rafael Rosell, Neil Coleta, etc.

Friday, May 6, 2011

Pacquiao - Mosley Fight 2011

Nalalapit na ang suntukang Manny "Pacman" Pacquiao at Shane Mosley sa gabi ng Sabado, Ika-7 ng Mayo sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas, Nevada, USA. Sinasabi ng mga komentarista sa isport na lamang si Pacquiao sa laban na ito dahil na rin sa kanyang liksi at kabataan. Hindi naman kampante lang ang "kamao ng bayan" dahil malakas din si Mosley kahit na sa kanyang idad na 39. Dapat ilagan ni Manny ang kanang kamo nito.
(In-laws : Jinkee and Mommy Dionisia Pacquiao)

Maliban sa asawang si Jinkee, manonood din ang ama at 2 kapatid ni Manny sa Las Vegas.  Naiwan naman sa Gensan si Mommy Dionisia dahil pinaghahandaan nito ang kanyang nalalapit na 62 kaarawan sa ika-15 ng Mayo, 2011. Ipagdarasal daw niya ang anak at umaasang manalo ito nang sa gayon ay makamit niya ang birthday wish na Hermes bag na nagkakahalaga ng di bababa sa isang milyong piso.
(Sample of  Hermes bags from http://hermes-bag.com/photo.htm)

Matalo o manalo, may garantiyang 20 milyong dolyar si Pacman samantalang may $5 milyong premyo si Mosley.

Monday, May 2, 2011

Osama Bin Laden is Dead

According to many news reports, Osama Bin Laden, the most wanted man linked to the September 11 terrorist attack in the US, has been killed by US strike. Details of the death have not been confirmed.

As a layman, I am not jubilating for his death but to a possible halt /lull in terrorist attacks. However, true peace cannot be achieved if everybody does not observe and practice equality and rule of law.

For additional information, read more here http://abcnews.go.com/Blotter/osama-bin-laden-killed/story?id=13505703

Sunday, May 1, 2011

Hilot Sa Saudi


Dahil sa iniinda kong pangangalay ng aking kaliwang paa at balakang nitong nagdaang mga araw, ipinasya kong magpamasahe o magpahilot sa isang kakilala ng aking kasamahan sa trabaho kahapon. Alas-6:30 ng hapon ang aming iskedyul at dumating naman siya sa oras na iyon. Sabi ni Neil, galing pa siya sa isang parukyano sa may gawi ng Panda (dating Giant Store). Siya ay tubong Surigao at ngayon ay naninirahan sa Lucena City. Dalawa ang kanyang anak, isang 12 at 8 taong gulang. Pitong taon na siyang nagtatrabaho bilang service crew sa isang catering company dito sa Jubail kung saan mga SABIC affiliates ang kanilang mga kliyente. Naisip niyang magmasahe upang maragdagan ang kanyang kinikita. Dahil dito, nakapagpatayo na siya ng isang bahay sa isang subdividion sa kanilang bayan. Marami na rin ang kanyang mga kliyente. 

Tumagal ng isang oras ang paghihilot na ginawa niya sa akin. Hindi naman sumakit ang aking katawan pagkagising ko ngayon. Tila nawala naman ang pamimintig ng aking kanang paa at balakang. Oobserbahan ko pa kung natanggal nga niya ang aking sakit.

Beatification of Pope John Paul II


Magiging isang makasaysayang araw ang Mayo Uno para sa debotong Katoliko dahil ito ang araw ng pagkakahirang bilang BANAL (BLESSED) ni Pope John Paul II. Magdiriwang ang buong mundo sa deklarasyong ito ng Vatican lalung-lalo na ang mga Kristiyano. Sinasabing ang beatification ni John Paul II (Karol Wojtyla) ang pinakamaiksi sa kasaysayan ng Simbahang Katolika. Siya ay dalawang beses na bumisita sa Pilipinas. Ito ay naganap noong 1981 at 1995.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...