Ang mga Pilipino raw ay ningas-cogon. Ang cogon ay isang uri ng damo na ginagawang pambubong ng bahay. Kapag sinidihan mo ang cogon, malakas ang lilikhain nitong apoy nguni't panandalian lamang. Ganito inihahalintulad ang mga Pinoy. Magaling lang sa una, pagkatapos ay wala na. Galit na galit pagkatapos ay huhupa na. Madaling makalimot ang mga Pinoy. Madaling makapagpatawad. Mainipin. Gusto'y biglang yaman.
Pinoy ako. Heto, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagsusulat ng isang kuwentong pang-Carlos Palanca. Ewan ko ba... magiging pangarap na lang yata ang iniisip ko.
No comments:
Post a Comment