Friday, October 29, 2010

KAHULUGAN NG MGA SALITANG FILIPINO

Ang mga sumusunod ay mga salitang mahirap unawain ng ordinaryong Filipino:

1. naglipana - nagkalat
2. sandamakmak - sangkaterba, sobra-sobra, labis
3. batingaw - kampana, bell
4. simboryo - domo (dome), lungaw
5. aligaga - maraming ginagawa nang sabay-sabay
6. hilong-talilong - sobra-sobra ang ginagawa, hindi alam ang uunahing gagawin
7. nagmumurang kamyas - matandang nag-aastang bata sa pamamagitan ng pagsunod sa uso o moda
8. alibugha - taksil, traydor, (prodigal)

Wednesday, October 27, 2010

Remegio Buenafe - East Tapinac Barangay Captain

Nagwagi bilang isang Barangay Captain ng East Tapinac ang ating kaklaseng si Remegio "Meng" Buenafe sa nakaraang eleksyon - 25 October 2010.

Ang aming tauspusong pagbati at sana ay mapaunlad ang pamumuhay ng mga taga-East tapinac sa kanyang pamumuno.

PACQUIAO - MARGARITO FIGHT

Magtutunggali sa Nobyembre 14, 2010 sa Dallas Stadium, Texas, USA ang "Pambansang Kamao ng Pilipinas" na si Manny Pacquiao at ang "Tijuana Tornado" na si Antonio Margarito upang masungkit ang Superwelterweight belt.

Inaasahan ng mga Filipino ang panalong ito ni Manny subalit hindi tayo dapat maging kampante. Dapat na maging mapagkumbaba pa rin ang ating kampeon dahil kung matatalo siya, nasa kanya ang simpatiya ng mga tao. Nguni't kung magiging hambog ang isang manlalaro, manalo man ay kaiinisan pa rin ng publiko.

Hintayin natin ang bakbakang ito.

Pilipinas Win na Win - Winner Nga Ba?

Kung ilang linggo na rin akong nanonnod ng Pilipinas Win na Win minus ang mga dating hosts na sina Robin Padilla, Mariel Rodriguez at Kris Aquino. Napalitan ang mga nabanggit na personalidad kaakibat ang iba't ibang kontrobersya na nakakabit sa kanilang mga pangalan.

Bukod sa 2 babaing idinagdag, bale 4 ang naging kapalit ni Robin Padilla na kinabibilangan ng The Hitmakers na mang-aawit na sina Rico J. Puno, Marco Sison, Rey Valera at Noynoy Zuniga. Sa apat, nangingibabaw ang presence ni Rico J. May pagkakataon pa ngang nasasapawan niya si Pokwang sa pagsasalita. Ang tanong lang ay kung tatagal ang Pilipinas Win na Win dahil sa Hitmakers o magtatagal ang Hitmakers sa programa.

Kahit lagi nang sinasabi ni Pokwang na sobrang bait ni Rico J at lagi pang nagsisimula sa kanilang pagdarasal bago magsimula ang show, parang hindi ko ma-feel ang sinseridad sa boses at personalidad ng singer-actor. Dahil dito, naniniwala akong hindi magtatagal si Rico Puno sa programa. Naroon pa kasi ang image niyang babaero at bastos! At ngayon naman ay TRYING HARD

Sunday, October 24, 2010

Migration to Australia

Marami sa mga Filipino ang nagnanais na makapunta sa iba't ibang bansa upang mapaunlad ang kanilang buhay. Isa sa mga bansang nais puntahan ay ang Australia. Sa kagustuhang madaling mapaalis, ang iba ay hindi na nagsisiyasat pa. Ang nangyayari, marami sa kanila ang nabibiktima.

Mayroong proseso ang pagtungo sa Australia upang magtrabaho ng legal o maging permanent resident. Tulad ng Canada, point test system rin ang pinatutupad ng Australia. Mangyaring bisitahin ang kanilang website na http://www.immi.gov.au/immigration/ para sa lahat ng impormasyong nais ninyong malaman.

Hindi na kailangan ang isang agency para makapunta ng Australia. Nasa website na nila ang mga kailangang gawin at impormasyon. Kung hindi maiiwasan, maaaring gumamit ng agency siguraduhin lamang na sila ay kasapi ng MARA - Migration Agents Registration Authority ng Australia upang masiguro na rehistrado ang tao o ahensiyang iyong nilapitan. Bisitahin ang kanilang website sa https://www.mara.gov.au/

Dapat tandaan na ang paggamit ng mga ahente ng MARA ay hindi nanganagahulugan na bibilis ang inyong mga papeles. Dadaan pa rin ito sa normal na proseso.

MAGSIYASAT PARA HINDI MALOKO!

Saturday, October 23, 2010

Mga Alamat, Pabula at Talambuhay ng mga Bayani

Kung may mga gawaing-bahay kayo na natutungkol sa mga alamat, pabula at talambuhay ng mga bayani, mangyaring bisitahin ang webpurok na http://www.pinoyedition.com/--- Basahin lamang ang kanilang copyright page.

IV. KAGANAPAN NG PANDIWA

KAGANAPAN NG PANDIWA - bahagi ng panaguri (predicate) na nagpapahayag ng ganap na kahulugan sa pandiwa. Kung ang pokus ng pandiwa ay ang relasyon nito sa paksa, ang kaganapan ng pandiwa ay ang relasyon naman ng panaguri sa pandiwa.

A. Kaganapang Tagaganap- bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Makikilala ito gamit ang mga pananda na ni at ng.
Halimbawa:
1. Ikinalungkot ng mga Filipino ang pagkatalo ni Manny Pacquaio sa katunggaling si Antonio Margarito. (Ikinalungkot nino?)
2. Kinakain ni Liza ang tsamporadong gawa ni Nanay Huling. (Kinakain nino?)

B. Kaganapang Layon - bahagi ng panagri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit din dito ang panandang ng.
Halimbawa:
1. Si Pedro ay bibili ng bagong laptop sa SM Megamall. (Bibili ng ano?)
2. Nagpamudmod sila ng salapi. (Nagpamudmod sila ng ano?)

C. Kaganapang Tagatanggap - bahgi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang makikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Ang mga panandang para sa at para kay ay kalimitang ginagamit dito.
Halimbawa:
1. Nagbigay ng donasyon ang Pamilya Santos para sa mga sinalanta ng bagyong Juan. (Para kanino ang donasyong ibinigay?)
2. Nagbuwis siya ng buhay para kay Lolo Jose.

D. Kaganapang Ganapan - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar o pook na pinaggaganapan ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Nanood ng palatuntunan sa silid-aklatan ang mga mag-aaral. ( Saan nanood ang mga mag-aaral?)
2. Pupunta kami sa Manila Zoo.

E. Kaganapang Kagamitan - bahagi ng pnaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Iginuhit niya ang larawan ni Mona Lisa sa pamamagitan ng krayola.
2. Pinatay niya ang ahas gamit ang karit.

F. Kaganapang Direksyunal - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Namasyal sila sa Luneta buong maghapon.
2. Nagsunog siya ng kilay sa silid-akalatan.

G. Kaganapang Sanhi - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Nagwagi siya sa eleksyon dahil sa kabutihan ng kanyang puso.
2. Nagtagumpay siya sa buhay dahil sa kanyang kasipagan.

Thursday, October 21, 2010

ANG PANDIWA (The Verb)

ANG PANDIWA
Ang pandiwa ay bahagi ng pangungusap na nagpapahayag ng kilos, gawa o kalagayan,

I. Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan

A. Payak - ipinalalagay na ito ang simuno (subject).
Halimbawa:
1) Lubos na maghirap ang nangungurakot sa kaban ng bayan.

B. Katawanin - may simuno ito nguni't walang layong tumatanggap.
Halimbawa: Ang mabait at magalang ay pinagpapala.

C. Palipat - may simuno at tuwirang layon (direct object). Ang layong ito ay pinangungunahan ng mga katagang ng, mga, kay at kina.
Halimbawa: Nagsampay ng damit si Maria.

II. Mga Aspekto ng Pandiwa
A. Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo (Past Tense) - nagpapahayag ng kilos o gawang natapos na.
Halimbawa: Nagpirito ng isda si Mang Kulas.

B. Pangkasalukuyan/Imperpektibo (Present Tense) - nagsasaad ng pagkilos na nasimulan na subali't hindi pa natatapos.
Halimbawa: Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog.
C. Panghinaharap/Gaganapin o Kontemplatibo (Future Tense) - nagpapahayag na ang kilos o gawa ay mangyayari pa lamang.
Halimbawa: Magbibigay ng pagsusulit ang guro bukas ng hapon.

D. Tahasan - ginaganap ng simuno ang isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.

E. Balintiyak - hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Ang pagtatayo ng gusali ay pinasinayahan ng punong-lungsod

III. KAILANAN NG PANDIWA
A. Isahan - ang pandiwa ay nasa payak na anyo.
Halimbawa: Ang guro ay nagtuturo sa mga bata.

B. Maramihan - marami ang simuno at kilos na isinasaad.
Halimbawa: Nagsisipalakpakan ang mga manonood sa programa.

BAHAGI NG PANANALITA: ANG PANDIWA (The Verb)

Wednesday, October 20, 2010

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS) ng DEPED

Naintriga naman ako sa Alternative Learning System (ALS) ng DepEd kung saan binibigyan ng pagkakataon ang marami nating kababayan na hindi nakatapos ng elementarya at high school na makakakuha ng certificate sa pamamagitan ng libreng pag-aaral at makapasa sa ALS A&E (Accreditation & Equivalency) examination. Sa ganitong paraan, nakakuha ng high school certificate si Manny Pacquiao kung saan ginawa pa siyang ambassador. Nitong 3 October 2010 ibinigay ang pagsusulit sa taong ito kung saan ilan sa aking kabarangay sa Loob, San Antonio, Quezon ay kumuha ng pagsusulit. Nawa, lahat sila ay pumasa. At sana naman ay mailabas agad ng DepEd ang resulta ng pagsusulit dahil noong isang taon ay inabot ng siyam-siyam ang paglabas ng resulta. May kasama kasing essay o sanaysay ang test at ito siguro ang nagpabagal sa paglabas ng resulta. Bakit hindi na lang agahan ang pagbibigay ng essay part ng test nang sa gayon ay madaling mailabas ang resulta?
Naghanap ako ng sample ALS A&E test sa internet pero wala akong makita. Gusto ko pa namang gumawa ng reviewer na magagamit ng mga kukuha ng pagsusulit. Sa ibang bansa kasi, naka-post ang anumang test na natapos na para maging gabay o giya ng mga susunod na kukuha. Takot yatang mapagbintangan ang DepEd na may leakage kung sakaling pareho ang nasa reviewer at nasa actual test! Hindi naman nababago ang mga facts!

Tuesday, October 19, 2010

How to find vertices, edges and faces of a prism given the sides or base?

1) To find the number of vertices, edges and faces of any prism given the number of sides (or) base, use this formula:

a) vertices of a prism = 2n
b) edges of a prism = 3n
c) faces of a prism = n + 2
where n is the number of sides of a prism

Examples:
Find the number of vertices, edges and faces of a hexagonal prism.

We know that a hexagon has 6 sides (n), therefore
vertices = 2n ==> 2 * 6 = 12
edges = 3n ==> 3 * 6 = 18
faces = n + 2 ==> 6 + 2 = 8

INVERSE OF A FUNCTION

To find the inverse ( f^-1)(x) of a function f(x); follow the following steps:
Example: Find the inverse of
y = 1-2x

1) Write the original equation.
y = 1-2x

2) Solve it in terms of x.
y = 1 -2x
-2x = -1 + y
x = (1-y)/2

3) Interchange y and x in the result of step 2.

x = (1-y)/2 ==> y = (1-x)/2

4) The inverse function f^-1(x) of f(x) = 1 -2x
is therefore f^-1(x) = (1-x)/2

Tuesday, October 12, 2010

Ningas-Cogon

Ang mga Pilipino raw ay ningas-cogon. Ang cogon ay isang uri ng damo na ginagawang pambubong ng bahay. Kapag sinidihan mo ang cogon, malakas ang lilikhain nitong apoy nguni't panandalian lamang. Ganito inihahalintulad ang mga Pinoy. Magaling lang sa una, pagkatapos ay wala na. Galit na galit pagkatapos ay huhupa na. Madaling makalimot ang mga Pinoy. Madaling makapagpatawad. Mainipin. Gusto'y biglang yaman.

Pinoy ako. Heto, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagsusulat ng isang kuwentong pang-Carlos Palanca. Ewan ko ba... magiging pangarap na lang yata ang iniisip ko.

It's been a while

Dahil sa kakalaro ko sa Facebook (FB), saglit na nakalimutan kong my blog pala ako. Ang dami nang nangyari mula ng aking huling post tungkol sa Miss Universe. Ang kontrobersyal na hostage-taking, ang Reproductive Health Bill, ang 100 days in office ni Pnoy at ang latest na paghihiwalay nito sa kasintahang si Shalani Soledad.

Kaya pansamantalang namaalam ako sa FB ay dahil raraket ako. Gusto ko uling magsulat ng kuwento. Kung magagawa ko ito ay tingnan na lang natin. Alam mo na ang mga pinoy, ningas-cogon... e Pinoy ako!

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...