Nagwagi bilang Best Director si Brillante Mendoza sa Cannes International Film Festival 2009 para sa kanyang pelikulang Kinatay. Tinalo ng Filipinong direktor ang mga sikat na sina Quentin Tarantino (Inglourious Basterds) at Ang Lee (Taking Woodstock) para sa nabanggit na katergorya. Si Mendoza ang kaunaunahang Filipinong nagwagi bilang Best Director sa Cannes para sa buong pelikula.
Nakilala si Mendoza sa Cannes noong nakaraang taon sa kanyang pelikulang Serbis. Ang Kinatay ay tungkol sa kinidnap at ni-rape na babae na ginampanan ni Maria Isabel Lopez na pinahirapan muna bago pinatay at pinagputol-putol ang katawan.
Dalawampung pelikula ang nagpaligsahan para sa pinakamataas na parangal ng Cannes, ang Palme d'Or (Golden Palm Award). Ang parangal na ito ay napunta sa Austrianong direktor na si Michael Haneke para sa kanyang pelikulang Das Weisse Band (The White Ribbon) samantalang ang Grand Prix award ay ibinigay sa Pranses na direktor na si Jacques Audiard para sa Un Prophete (A Prophet). Pinaghatian ng mga pelikulang Fish Tank ni Andrea Arnold at Bak-Jwi (Thirst) ni Park Chan-Wook ang Jury Prize .
Isang malaking tagumpay para sa pelikulang Filipino ang pagkakapanalong itong ni Mendoza.
Panoorin ang ilang eksena ng Kinatay rito:
No comments:
Post a Comment